Cagayan de Oro

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Cagayan de Oro)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Cagayan de Oro
Dakbayan sa Cagayan de Oro
—  Lungsod  —
Mapa ng Misamis Oriental na nagpapakita ng lokasyon ng Cagayan de Oro.
Cagayan de Oro is located in Philippines
Lungsod ng Cagayan de Oro
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 8°29′N 124°39′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 8°29′N 124°39′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
Lalawigan Misamis Oriental
Distrito Una hanggang pangalawang Distrito ng Misamis Oriental
Mga barangay 80
Ganap na Bayan 1871
Ganap na Lungsod Hunyo 15, 1950
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Vicente Emano (Lakas-CMD)
 • Pangalawang Punong Lungsod N/A (Lakas-CMD)
Laki
 • Kabuuan 412.8 km2 (159.4 sq mi)
Taas 10.0 m (32.8 ft)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 602,088
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 9000
Kodigong pantawag 88
Mga wika Bisaya/Visayan
PSGC 104305000
Websayt websayt

Ang Lungsod ng Cagayan de Oro (Cebuano: Dakbayan sa Cagayan de Oro); ay isang lungsod at kabisera ng lalawigan ng Misamis Oriental, Pilipinas. Nagsisilbi itong sentro ng rehiyon at ng kalakalan sa Hilagang Mindanao (Rehiyon X), at bahagi ng umuunlad na Kalakhang Cagayan de Oro, kasama ang lungsod ng El Salvador.

Matatagpuan ang lungsod ng Cagayan de Oro sa gitnang baybayin ng hilagang Mindanao na nakaharap sa Look ng Macajalar at naghahanggan sa mga bayan ng Opol sa kanluran; Tagoloan sa silangan, at sa mga lalawigan ng Bukidnon at Lanao del Norte sa katimugang bahagi ng lungsod. Ayon sa senso noong 2010, tinatayang may populasyon na 602,088, ang ika-10 pinakamataong lungsod sa Pilipinas.


Mga Wika[baguhin]

Ang Cebuano ang sinasalitang wika sa lungsod, dahil sa pagdagsa ng mga mananalitang Cebuano mula sa Kabisayaan. Pangunahing ginagamit ang Ingles sa kalakalan at edukasyon. Karamihan sa mga naninirahan sa lungsod ay bihasa sa Filipino at Cebuano, Hiligaynon, Waray at Maranao.

Kultura at Sining[baguhin]

Maraming mga tanyag na pagdiriwang sa lungsod. Bawat barangay o baryo ay may kanya-kanyang mga pista na nagdiriwang nang kani-kanilang mga santong patron.

Ang Kagay-an Festival, ay isang malaking pista na ipinagdiriwang sa Cagayan de Oro. Ipinagdiriwang nito ang kanilang patrong santo na si San Agustin ng Hippo, na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ang salitang "Kagay-an" ay nangangahulugang "ilog" sa tagalog.

Ang Charter Day ay isang pagdiriwang sa lungsod, kung saan ipinagdiriwang ang pagiging lungsod ng Cagayan de Oro noong Hunyo 15, 1950.


Pamahalaan[baguhin]

Binubuo ang pamahalaan ng lungsod ng isang alkalde, bise alkalde, dalawang kinatawan sa mababang kapulungan, labing-anim na konsehal para sa Sangguniang Panglungsod, at isang kinatawan para sa Sanggunian Kabataan (SK). Ang bawat opisyal ay inihahalal para sa tatlong taong termino.

Mga Barangay at Distritong Pangkinatawan[baguhin]

Ang Lungsod ng Cagayan de Oro ay nahahati sa 80 na mga barangay. Nahahati ang mga ito sa dalawang distritong pangkinatawan, 24 na barangay ay nasa Unang Distrito (Kanluran) at 56 na barangany sa Ikalawang Distrito (Silangan), na ang ilog ng Cagayan ang nagsisilbing natural na hangganan. Ang lungsod ay may 57 barangay na urban at 23 barangay na rural.

Tanawin ng barangay Lapasan mula sa Centrio.

Unang Distrito[baguhin]

  • Mga Barangay:
  • Baikingon
  • Balulang
  • Bayabas
  • Bayanga
  • Besigan
  • Bonbon
  • Bulua
  • Canitoan
  • Carmen
  • Dansolihon
  • Iponan
  • Kauswagan
  • Lumbia
  • Mambuaya
  • Pagalungan
  • Pagatpat
  • Patag
  • Pigsag-an
  • San Simon
  • Taglimao
  • Tagpangi
  • Tignapoloan
  • Tuburan
  • Tumpagon

Ikalawang Distrito[baguhin]

  • Mga Barangay:
  • Agusan
  • Balubal
  • Bugo
  • Camaman-an
  • Consolacion
  • Cugman
  • F.S. Catanico
  • Gusa
  • Indahag
  • Lapasan
  • Macabalan
  • Macasandig
  • Nazareth
  • Puerto
  • Puntod
  • Tablon
  • Taguanao

at ang 40 mga barangay sa poblacion.

Mga kawing na panlabas[baguhin]

Mga Sanggunian[baguhin]