Pumunta sa nilalaman

New Girl

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
New Girl
Title card used since season 5.
UriSitcom
GumawaElizabeth Meriwether
Pinangungunahan ni/nina
Kompositor ng tema
KompositorLudwig Göransson
Bansang pinagmulanUnited States
WikaEnglish
Bilang ng season7
Bilang ng kabanata146 (List of New Girl episodes)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganap
Prodyuser
  • Zooey Deschanel
  • Erin O'Malley
  • Pavun Shetty
  • Luvh Rakhe
  • Dana Fox
  • David Iserson
  • Ryan Koh
  • Megan Mascena Gaspar
  • Rachel Axler
  • Alex Cuthbertson
  • Matt Fusfeld
  • Bari Halle (pilot only)
Ayos ng kameraSingle-camera
Oras ng pagpapalabas21[1]–24[2] minutes
Kompanya
Distributor20th Television
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanFox
Picture format480i (4:3 SDTV)
720p (16:9 HDTV)
1080i (syndication)
Orihinal na pagsasapahimpapawid20 Setyembre 2011 (2011-09-20) –
kasalukuyan
Website
Opisyal

Unang ipinalabas ang teleseryeng New Girl sa Fox noong 20 Setyembre 2011. Tampok sa palabas sina Zooey Deschanel, Jake Johnson, Max Greenfield, Lamorne Morris at Hannah Simone. Matapos ipalabas ang unang dalawang kabanata, iniutos ng Fox na sundan pa ng labing isang kabanata ang unang labing tatlong palabas upang magkaroon ng dalawampu't apat na kabanata para sa una nitong season. [3] Umani ng pagpupuri ang New Girl mula sa mga kritiko mula nang ito ay magsimula lalo na sa pagganap ni Deschanel sa palabas. Naging nominado para sa Golden Globe Award para sa Best Television Series - Musika o Komedya ang palabas noong 15 Disyembre 2011, habang naging nominado si Deschanel para sa Golden Globe Award para sa Pinakamahusay na artista - Television Series Musikal o Comedy. Opisyal na napagpasiyahan ng Fox noong ika-siyam ng Abril na magkakaroon ng ikalawang season ang palabas na New Girl.[4]

Pangunahing artikulo: Listahan ng mga bahagi ng New Girl

Nagsimula ang palabas kay Jessica "Jess" Day, isang masayahin, kakaiba, kaibig-ibig at wirdong guro sa hayskul na ginagampanan ni Zooey Deschanel. Pinlanong sopresahin ni Jess ang kanyang nobyo kaya't maaga siyang bumalik mula sa kanyang biyahe mula sa ibang lungsod. Sa kanyang maagang paguwi, nahuli ni Jess ang nobyo na nambabae sa kanilang bahay. Nagdesisiyon siyang kalimutan ang kanilang pagsasama kaya't humanap ito ng ibang matitirhan. Sa kanyang paghahanap, nakita niya ang isang pahayag sa Craigslist, kung saan makikilala niya at manunuluyan siya kasama sina Nick, Schmidt, at Winston.

Isang bartender si Nick na lumaki sa Chicago. Mayroong malaking plano para sa kanyang kinabukasan si Nick bago siya naging bartender. Minsan niyang ninais na maging abogado ngunit nagbago ang kanyang pananaw kaya't umatras siya sa pag-aaral ng abogasya. Ninanais niyang maging mayaman ngunit sa kasamaang palad, siya ang pinakamahirap kumpara sa kanyang mga kasama.

Isang batang propesyonal at babaero si Schmidt na kinikilala ang kanyang sarili bilang isang moderong Cassanova. Malaki ang kanyang paghanga sa kanyang sarili, at mangyaring mayroon siyang Obsessive-Compulsive Disorder. Madalas siyang mag-isip ng mga paraan upang umangat ang kanyang estado gawa ng kanyang pagkahumaling na maging bida. [5] Isang mailap na babae ang tingin niya kay Jess at gusto nitong mapalapit sa kaibigang modelo ni Jess na si Cece. Madalas na nagagalit at nandidiri kay Schmidt ang kanyang mga kasama dahil sa kanyang nakakagulat na kasuklam-suklam na pag-uugali. Gayunpaman, sila ay mabuting magkakaibigan.

Dating manlalaro ng basketball si Winston at siya ang pinakamatalik na kaibigan ni Nick mula pa lamang sa pagkabata. Si Winston ang orihinal na ika-apat na roommate ngunit bumalik lamang siya nang umalis si Coach Damon Wayans, Jr. Mahilig makipagkumpetensiya si Winston at hindi niya nalalaman kung ano ang sunod niyang dapat gawin.[6] Sa anumang gawain, nais nitong manalo. Naging point guard ito para sa Latvian Basketball League. Kasalukuyan siyang yaya ng anak ng boss ni Schmidt na kanyang nakilala sa party ng kompanya. Mahal ni Winston ang buhay ngunit nagiging sagabal paminsan ang kanyang mga ambisyon

Pinakamatalik na kaibigan ni Jess si Cece. Isa siyang tusong babaeng nagtratrabaho bilang isang modelo. Maraming lalaki ang nakakapansin kay Cece ngunit may pagkamaldita ito. Mahilig si Cece sa mga lalaking gwapo ngunit hindi masyadong matalino. Pinapahalagahan ni Cece ang kanyang pakikipagkaibigan kay Jess at lagi nitong sinusuportahan ang kaibaigan sa anuman. Nagaroon na siya ng ilang nakalipas na relasyon ngunit kasalaukuyan siyang may kakaibang relasyon kay Schmidt.

Pangunahing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Zooey Deschanel bilang si Jessica Day o "Jess", ang tinutukoy sa pamagat ng palabas na "New Girl". Isa siyang maganda at masayahing guro sa mataas na paaralan na may edad na malapit sa tatlumpu. Kumikilos siya ayon sa nilalaman ng kanyang puso, kadalasan sa mga hindi kinaugalian na paraan.Hindi siya sumasalamin sa mga panlipunang kaugalian kung kaya't nagmumukha siyang kakaiba sa ibang tao ngunit ang kanyang pagiging iba ay kaibig-ibig at kaakit-akit. Matuturing na mabait at totoo si Jess. Para siyang batang mapanlikha at walang malay. Binubuksan niya ang kanyang sarili sa lahat at madali siyang magtiwala kaya't madalas siyang nalalagay sa alanganin. Madalas siyang napupunta sa mahihirap na sitwasyon dahil iniiwasan niya ang kumprontasyon. Sa likod ng mga pagsusubok, ang kanyang positibong pananaw ay tumumutulong upang manatili siyang matatag. Madalas siyang napapakanta bigla at nagiimbento ng mga lyrics tungkol sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.

Gumaganap si Nick Miller bilang si Jake Johnson, isa sa mga bagong roommates ni Jess. [7] Nagaral ng abogasya si Nick ngunit hindi niya ito tinapos kaya naging bartender ito. Kamakailan lang ay naghiwalay siya at ang kanyang nobya. Tatlumpung taong gulang na siya at nagmula siya sa Chicago. Nadesmaya si Nick mula sa maraming pangyayari sa kanyang buhay kaya't naging pesimista siya. Lagi siyang naniniguro ngunit paminsan minsan, sumusubok din siya ng mga bagong bagay upang hindi maging isang talunan. May mga katangian si Nick ng isang Siya ay ang mga katangian ng isang ama na makikita sa kung paano niya alagaan ang kanyang mga kaibigan. si Nick ang pinaka magulang kumpara kanila Schmidt at Winston.Kadalasan siyang tumatayo bilang tagapamagitan sa kanilang grupo.

Gumaganap si Max Greenfield bilang Schmidt, isa sa mga bagong roommates ni Jess. Isang estereotypikal na mang-aakit si Schmidt (at pinaniniwalaan rin niya ito). Siya ang binansagang "douchebag"ng grupo. Si Schmidt ang natatanging lalaking empleyado sa kanyang kompanya at madalas siyang paksa ng pagkutya ng kanyang mga babaeng katrabaho. Isang babaero si Schmidt na mukhang nagkakagusto kay Cece na siya namang nagpapakita rin ng pagkagusto kay Schmidt.

Gumaganap si Lamorne Morris bilang si Winston Bishop, isa sa mga bagong roommate ni Jess at siya ang orihinal nawalang kasama kaya't nagkaroon ng bakante para kay Jess. Bumalik si Winston mula sa paglalaro ng basketball sa Latvia sa pangalawang episode. Mahilig makipapagalingan si Winston at may abilidad itong mabilis na matutunan ang iba't ibang kakayanan subalit nahihirapan itong tumagal sa kanyang mga trabaho sapagkat madali siyang mabagot sa paulit-ulit na gawain.

Gumaganap si Hannah Simone bilang si Cecilia "Cece" Meyers, and pinakamatalik na kaibigan ni Jess mula pa pagkabata at isang modelo. Palaban si Cece at matapang ang kanyang dating. Lumalabas na matapang si Cece at alam niya kung paano kunin ang gusto niya ngunit sa kabila ng kanyang panlabas na katauhan, isang magiliw na tao si Cece. Mahigpit na pinoprotektahan ni Cece si Jess dahil naging problema minsan ni Jess ang kanyang kawalang muwang. Si Cece ang nagiging kritikal na tagapagmasid. Tinuturuan niya si Jess kung papaano maging wais at lagi nitong sinusuportahan ang kaibigan. Magkaiba sila Jess at Cece sa ibang paraan ngunit ang kanilang pagkakaiba ang bumubuo sa kanilang dalawa sa kabila ng kanilang mga kamalian. Lumabas sa unang episode lamang ang karakter ni coach, na ginanapan ni Damon Wayans, Jr. Siya, si Nick, Schmidt at Winston ang orihinal na apat na roommates sa apartment. Umalis din si Coach sa pangalawang episode at bumalik naman si Winston sa apartment.

Katulong na Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gumanap si Justin Long bilang si Paul Genzlinger, isang guro ng musika sa paaralan kung saan nagtatrabaho si Jess. Matagal nang may paghanga sa kanya si Jess.

Gumanap si Lizzy Caplan bilang Julia, ang dating kasintahan ni Nick.

Gumanap si June Diane Raphael bilang Sadie, ang kaibigang homosekswal ni Jess. Isa siyang hinekologo.

Gumanap si Kali Hawk bilang Shelby, ang kasintahan ni Winston.

Gumanap si Rachael Harris bilang Tanya, ang punong-guro sa paaralan ni Jess.

Gumanap si Mary Elizabeth Ellis bilang Caroline, ang dating kasintahan ni Nick.

Gumanap si Dermot Mulroney bilang si Russell, ang mayamang ama ng isa sa mga estudayante ni Jess, na naging kanyang nobyo sa kabila ng malayong agwat ng kanilang edad.

Pangunahing artikulo: Listahan ng mga kabanata ng New Girl

Nag-iskedyul ang Fox ay naka-iskedyul ng dalawampu't apat na kabanata para sa unang season ng New Girl.[8]

Nilikha, pinondohan at isinulat ni Elizabeth Meriwether ang serye para sa Chermin Entertainment at Fox Television Studios. [9] [10]

Habang binubuo ang palabas, ang paunang titulo ng serye ay dapat Chicks and Dicks, kaya ginamit ang titulong ito ng pansamantala lalo't nilalarawan nito ang kuwento sa puntong iyon. Habang binubuo ang iskrip, naging mas nakatuon sa lipunan ang istorya imbis na tungkol sa mga sekswal na aktibidad ng mga tauhan, kaya't pinalitan ang titulo sa "New Girl".[11] Unang ipinalabas ang serye noong Martes, Setyembre 20 sa Fox, at iipinapalabas din ito sa Channel 4 sa UK at Citytv sa Canada. [12]

Minsan nang tinanong si Zooey Deschanel kung isinulat ba ang serye partikular para sa kanya kung saan sumagot naman siya ng hindi ngunit "dapat sana".[13] Nang tinanong siyang sumali sa serye, tinanong si Deschanel kung nagkaroon siya ng pag-aatubili. Sumagot ito na gustung-gusto niya ang pakikipagtrabaho kasama ang grupo at gusto rin niya ang karakter na kanyang ginagampanan. Nais din niyang gampanan ang karakter ni Jess habambuhay.[14]

Tinanggap ni Wayans ang papel bilang "coach" dahil inaasahan nito na makakansela ang kanyang nakaraang palabas na ABC sitcom Happy Endings. Nang masundan ang kanyang palabas ng pangalwa pang season, iniwan ni Wayans ang New Girl at pinalitan siya ni Morris. Ayon sa "Ang Hollywood reporter", sinabi ni Meriwether na halos walumpung porsiyento ng unang episode ang kinailangang palitan para matanggal si Wayans sa palabas dahil isa siya sa mga pangunahing tauhan. Nagdesisyon na lamang si Merriweather, 20th Century Fox at ang studyo na panatilihin ang mga orihinal na karakter at isama na lamang sa pangalawang episode si Morris. [15] [16] [17]

Kinilala ang New Girl noong Hunyo 2011, bilang isa sa walong "pinaka-nakapupukaw na bagong serye" na kategorya sa 1st Critics 'Choice Television Awards, na pinagbutohanng mga manunulat na nakapanuod ng unang palabas. [18] Binigyan ng Metacritic ang palabas ng pinagsama-samang puntos na 66/100 batay sa "mga suring ibinigay na sa pangkalahatan ay kanais-nais".[19] Ikalima ang New Girl ayon sa BuddyTV sa listahan ng pinakamahusay na teleserye para sa taong 2011. [20] Nakahakot ng 10,280,000 na mga manonood, ang unang episode na may 4.8 na paunang marka mula sa mga manunuod na 18–49 taong gulang. [21] Pinakamataas ang markang ito sa lahat ng unang kabanata na ipinalabas ng Fox mula noong ipalabas ang The Bernie Mac Show noong 2001. [22]

Inilabas ang unang episode online sa mga online services katulad ng Hulu Plus, [23] TiVo, at iTunes bago ito ipalabas sa Fox noong Setyembre 20.

International broadcast

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Country / Region Channel Premiere
 Canada Citytv[3] 20 Setyembre 2011
 United Kingdom Channel 4[4] 6 Enero 2012 (kasalakuyang itinigil mula noong 16 Marso 2012 na may labing-isang kabanata na ang naipapalabas)[5]
 Ireland RTÉ Two[6]
6 Marso 2012[7]
 South Africa M-Net Series[8] 11 Pebrero 2012
 The Netherlands RTL 5 6 Disyembre 2011
 Argentina Fox 10 Abril 2012
 Colombia Fox Marso, 2012
 Chile Fox 10 Abril 2012
 Brazil Fox 4 Abril 2012 [9]
 Italy Fox 25 Enero 2012
 Portugal Fox Life 6 Marso 2012 (bilang "Jess e os Rapazes" [Jess at ang mga lalaki])[10]
 Australia Network Ten[11] 22 Enero 2012
 Costa Rica FOX 10 Abril 2012
 Mexico FOX 10 Abril 2012
 Venezuela FOX 10 Abril 2012
 Indonesia STAR World 5 Nobyembre 2011
 France M6 TBA
 Greece FOXlife Marso 2012
 Philippines ETC (RPN 9)
STAR World
STAR World HD
7 Oktubre 2011
 Germany ProSieben 5 Enero 2012
 Austria ProSieben 5 Enero 2012
 South Korea On Style 8 Oktubre 2011
 Singapore STAR World 5 Nobyembre 2011
 Taiwan STAR World 6 Nobyembre 2011
 Malaysia STAR World, STAR World HD Disymebre 25, 2011
 Japan Fox Japan Abril, 2012
 Iceland Stöð 2 Pebrero, 2012
 Finland Sub 13 Pebrero 2012 (bilang "Kolme miestä ja tyttö [Tatlong lalaki at isang babae])
 New Zealand Four[12] 7 Pebrero 2012
 Israel Yes Comedy Perbrero 11, 2012
 Poland FOX 13 Agosto 2012
 Norway TV2 Bliss 4 Disyembre 2011
 Denmark TV 2 Zulu 21 Pebrero 2012
 Sweden TV4 13 Abril 2012
 Belgium 2BE 22 Marso 2012
  1. "New Girl 5 Seasons 2015 – Season 1". Amazon.com. Nakuha noong Enero 8, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "New Girl 5 Seasons 2015 – Season 4". Amazon.com. Nakuha noong Enero 8, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All: Fall TV Preview [www.falltvpreview.com]; e-mail: info@falltvpreview.com. "List of channels in category 'Citytv'". Falltvpreview.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2011-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. "New Girl". Channel 4. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 26 Disyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 4 March 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  5. Misfits, New Girl, Breaking Bad: Tube Talk Q&A Naka-arkibo 2012-05-01 sa Wayback Machine. Morgan Jeffery, Digital Spy, 29 Marso 2012
  6. "2012:A TV odyssey". Rte. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Setyembre 2012. Nakuha noong 1 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "New Girl". Rte. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Setyembre 2012. Nakuha noong 1 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "New Girl | M-Net Series". Dstv.com. Nakuha noong 25 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  9. "New Girl: Jess". FOX Brasil. 2012-03-14. Nakuha noong 2012-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  10. "ESTREIA 'JESS E OS RAPAZES'". Fox Life. 2012-02-07. Nakuha noong 2012-02-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  11. "TEN 2012 Programming Launch". TV Tonight. 2011-08-18. Nakuha noong 2011-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "New Girl — Shows — TV — FOUR". MediaWorks TV. Nakuha noong 26 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.