2013 Krisis sa Lungsod ng Zamboanga
2013 Krisis sa Lungsod ng Zamboanga | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Part of Away sa mga Moro | |||||||
![]() Kinaroroonan ng Lungsod ng Zamboanga. | |||||||
| |||||||
Belligerents | |||||||
![]() |
![]() | ||||||
Commanders and leaders | |||||||
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
![]() ![]() ![]() ![]() | ||||||
Strength | |||||||
2,000 (ayon sa MNLF) 500 (ayon sa pamahalaan) | 5,000 (pinagsamang hukbo ng Sandatahang Lakas at Pambansang Pulisya) | ||||||
Casualties and losses | |||||||
Namatay: 183 Nadakip: 292 |
Namatay: 25 Nasugatan: 184 | ||||||
Napatay na sibilyan: 12 Mga sugatang sibilyan: 70 | |||||||
Mga pinagkunan:[1] |
Ang 2013 Krisis sa Lungsod ng Zamboanga ay isang kaguluhan sa pagitan ng Pambansang Kilusang Pagpapalaya sa mga Moro o MNLF at mga puwersa ng pamahalaan ng Pilipinas sa Lungsod ng Zamboanga. Ang pangkat ng MNLF ay naghayag ng pagsasarili ng Republikang Bangsamoro at nais na itaas ang kanilang watawat sa harap ng pamahalaang pambayan ng Zamboanga ayon sa kumander nitong si Asamin Hussin.[2]
Ang sagupaan ay nagdulot ng pagkaalis at paglikas ng mahigit 100,000 katao, pagsakop ng ilang mga barangay ng lungsod ng MNLF, pagkamatay ng ilang mga sibilyan, pagsasara ng Paliparang Pandaigdig ng Zamboanga (na nabuksang muli), at ang pagsasara ng ilang mga establisyamento sa lungsod.
Noong Setyembre 28, inihayag ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagtatapos ng operasyong militar sa Lungsod ng Zamboanga. Si Kumander Malik, na iniulat na pinuno ng puwersang MNLF, ay nanatiling malaya, at may mangilan-ilan pa ring mga sagupaan ang naiulat.
Impormasyon mula sa Kaalaman[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ayon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, sila ay nakatanggap ng impormasyon na ang MNLF ay magsasagawa ng malawakang operasyon sa Zamboanga tatalong araw bago ang aksidente. Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Col. Ramon Zagala, nagpakalat ng mga tauhan ang MNLF sa barangay ng Rio Hondo, Sta. Barbara, Mariki at Sta. Catalina. Ayon sa paunang-ulat ang grupo ng MNLF ay pumasok sa mga barangay ng walang mga armas at noong gabi bago ang insidente nagsimulang gumamit ng armas ang MNLF sa Rio Hondo.[3]
Reaksyon[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ibang bansa[baguhin | baguhin ang wikitext]
Malaysia – itinaas ng kapulisan ng Malaysia ang seguridad sa kanilang mga hangganan kasunod ng kaguluhan sa Zamboanga.[4]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "US expresses support for soldiers in Zambo siege". ABS-CBN News. Nakuha noong 2013-09-09.
- ↑ "MNLF wants flag hoisted in Zamboanga city hall". ABS-CBN News. Nakuha noong 2013-09-09.
- ↑ http://www.abs-cbnnews.com/nation/09/09/13/afp-knew-about-mnlf-mass-action-3-days-ago
- ↑ "Malaysia goes on security alert after Zambo attacks". ABS-CBN News. Setyembre 9, 2013. Nakuha noong Setyembre 26, 2013.
{{cite web}}
: Bawal ang italic o bold markup sa:|publisher=
(tulong)