Pumunta sa nilalaman

Kontrobersiya sa pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBN

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa ABS-CBN shutdown)
Kontrobersiya sa pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBN
Kilala rin bilangPaghinto sa brodkast ng ABS-CBN
Dahilan
  • Mga kontrobersiya sa pagsasahimpapawid ng patalastas noong panahon ng halalan ng 2016
  • Ipinaparatang na paglabag sa natapos na prangkisa sa pagbrodkast
  • Mga iilang sa pagpapatrabaho[1]
  • Pagkamamamayang Amerikano ni Eugenio Lopez III[1]
  • Mga Philippine depository receipts[1]
  • Ukol sa 50-taong hangganan ng mga prangkisa[2]
  • Pagbabalik ng ABS-CBN sa pamilyang Lopez pagkatapos ng batas militar
  • ABS-CBN TV plus box at KBO pay-per-view[1]
  • ABS-CBN at AMCARA[3][4]
  • Pagkabigong gawing regular ang kanilang mga empleyado[1]
  • Pag-iwas sa buwis[1]
  • Pag-uulat na may kinikilingan[1]
  • Hindi naaangkop na nilalaman ng programa[1]
  • Political meddling[1]
Mga sangkot
Kinalabasan
  • Napaso noong 4 Mayo 2020 ang prangkisa sa pagbrodkast ng ABS-CBN, habang pinagtatalakay ang prangkisa ng Kongreso mula noong ika-26 ng Mayo
  • Nagbigay sa ABS-CBN ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon ng kautusang tumigil at huminto, na nagpatigil sa mga operasyong pambrodkast nito noong Mayo 5
  • Naghain ng mga petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang ABS-CBN Corporation noong ika-7 ng Mayo, na balak ipawalang-bisa ang kautusang tumigil at huminto ng NTC
  • Inilabas ng Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon at ni Taga-usig Panlahat Jose Calida ang dalawang alyas na kautusang tumigil at huminto sa ABS-CBN TV Plus at Sky Direct, na nagpatigil sa mga operasyon noong Hunyo 30
  • Bumoto ang Kapulungan ng Kinatawan, lalo na ang Komite sa Lehislatibong Prangkisa, ng 70-11 upang tanggihan ang aplikasyong pamprangkisa ng ABS-CBN.[5][1]

Tumutukoy ang kontrobersiya sa pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBN sa 'di-pagpapanibago ng prangkisang pambatas ng ABS-CBN,[6][7] isa sa mga pinakamatanda at pinakamakaimpluwensiyang kalambatan ng midya (media network) sa Pilipinas.[8] Humantong ito sa pagkawalang-bisa ng prangkisa nito noong 4 Mayo 2020, at ang pansamantalang paghinto sa pag-brodkast ng kalambatan sa susunod na araw,[9] makatapos itong atasan ng Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon (NTC) sa bisa ng isang kautusang cease and desist ("tumigil at huminto") na may kinalaman sa pagkawalang-bisa ng mismong prangkisa.[6]

Mula 2014, humiling ang kalambatan sa pagpapanibago ng prangkisa nito sa bisa ng mga panukalang batas na nakabinbin sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ngunit hindi ito inaksiyunan ng Ika-16, 17 at 18 Kongreso ng Pilipinas.[6][7] Ibinandera ng mga grupong pangmidya sa Pilipinas,[7] at ng midya sa labas ng bansa,[6][9] ang kontrobersiya bilang isyu ng kalayaan ng pamamahayag dahil sa paulit-ulit na pagpuna ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kung saan may supermayorya ang kaniyang mga kaalyado sa magkaparehong kapulungan ng Kongreso,[10][11] sa pamamahayag ng brodkaster.[12] Dati rin niyang idineklara na hindi mapapanibago ang prangkisa nito.[13]

Ang paghinto sa pagbrodkast ng ABS-CBN ay ang kauna-unahang beses na naghinto ang pagbrodkast nito mula pa noong 1986, kung saan nagbukas muli ito makatapos itong isara noong 1972 sa panahon ng batas militar.[6] Nakabitin din ang seguridad ng 11,000 manggagawa ng ABS-CBN na mananatili ang kanilang mga trabaho habang panahon ng pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas.[6][9]

Pangangailangan ng prangkisa upang magpatakbo ng mga himpilan ng telebisyon at radyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa itinakda ng Batas Blg. 3846 o ang Radio Control Act, na itinakda noong 1932, kailangan ng mga kalambatang pambrodkast na kumuha ng prangkisang pambatas upang magpatakbo ng mga himpilan ng telebisyon at radyo, na karaniwang tumatagal ng 25 taon.[59] Huling binigyan ang ABS-CBN, na unang itinatag noong 13 Hunyo 1946 at unang nagbrodkast sa telebsyon noong 23 Oktubre 1953, ng 25-taong pagpapalawig ng prangkisa nito noong 30 Marso 1995 sa bisa ng Batas Republika Blg. 7966 (ngunit kalaunang ipinatupad mula 4 Mayo 1995). Napawalang-bisa ito noong 4 Mayo 2020, na pinatilihan ng Kagawaran ng Katarungan.[60]

Mga isyu sa kalayaan ng pamamahayag at demokrasya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinagmamalaki ang Pilipinas bilang bansang may "pinakamalaya at pinakamasiglang pamamahayag" sa Asya,[61][62][63] kung saan itinuturing na tagapagbantay[64] at “ika-apat na estado” ang midya, na nakatutulong sa pagpapanatili ng sistema ng kontrol at katatagan (checks and balances) na kinakailangan ng demokratikong pamamahala.[65][66]

Sa kabila nito, palaging niraranggo ang bansa bilang isa sa mga pinakamapanganib na bansa sa mundo para sa mga mamamahayag.[67][68][69] Noong Mayo 2020, bumaba ito sa ika-136 puwesto (sa 180 bansa) sa Pandaigdigang Talatuntunan ng Kalayaan ng Pamamahayag (World Press Freedom Index), mas mababa ng dalawang puwesto.[70]

Binatikos ang kautusan ng pagsasara ng mga grupong pangmidya at samahang panlipunan bilang kawalan ng demokrasya, malayang pagpapahayag at kalayaan sa pamamahayag.[71][72][73]

Naitala ng mga tagapagbantay sa midya tulad ng Reporters Without Borders,[74] Center for Media Freedom and Responsibility,[75] Amnesty International,[76] Photojournalists' Center of the Philippines (PCP), Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), at Consortium on Democracy and Disinformation (D&D)[77] ang pagtaas sa mga sari-spring uri ng pag-atake laban sa pamamahayag mula noong nailuklok ang administrasyong Duterte noong 2016 – kung saan naging mga partikular na tudlaan ang Philippine Daily Inquirer, Rappler, mga organisasyon sa midya na 'di-kumikinabang tulad ng Vera Files at Philippine Center for Investigative Journalism, at ABS-CBN dahil sa pagbabalitang mapamintas sa administrasyon.[77][67][78]

Nagpahayag ang karamihan sa mga tagapagbantay na ito[77] kung saan inilagay ang pagpapatigil sa pag-brodkast ng ABS-CBN sa kontesksto ng mapamaraang pag-atake laban sa kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas.[77][78] Inilagay din ito ng mga ilang grupo sa konteksto ng mga pag-atake at panggugulo na nakatuon sa mga nagbabatikos sa pamahalaan.[79][73]

Merkado ng ABS-CBN

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinikilala ang kalambatang pagbrodkast ng ABS-CBN bilang isa sa mga pinakamatanda at pinakamaimpluwensiyang kalambatan ng midya sa Pilipinas, na pinatatakbo ng pamilyang Lopez.[8] Nanggagaling ang halos 50 hanggang 60 porsiyento ng kabuuang taunang kita ng grupo sa pagbebenta ng oras sa pagsasahimpawid ng mga ari-arian nito sa telebisyon at radyo sa mga tagapatalastas. Nanggagaling ang natitirang kita mula sa panininda sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kanal nito sa telebisyong de-kable at pandaigdig, pati na rin ang mga operasyon ng over-the-top platform services, at isang sentro ng libangang pampamilya sa Taguig. Ayon sa Komisyon sa Kompetisyon ng Pilipinas, kinontrol ng ABS-CBN Corporation ang "halos sa pagitan ng 31% at 44%" ng kabuuang merkado sa telebisyon ng Pilipinas pagsapit ng 2020.[80]

Dating pagpapatigil ng brodkast sa ilalim ni Ferdinand Marcos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang pagpapatigil noong 2020, pinasara ang ABS-CBN noong Setyembre 23, 1972, noong inanunsyo ang batas militar sa ilalim ni Ferdinand Marcos at sinamsam ang mga istasyon ng telebisyon at radyo.[81][82] Nagtagal ang paghinto hanggang Hulyo 1986, noong nabawi ang mga nasamsam na istasyon at ibinalik ang mga prekuwensya sa ABS-CBN.

Sa loob ng 14 taong iyon, ipinagkaloob ang paggamit ng mga prekuwensya (maliban sa DZXL-AM, na ibinigay sa KBS/RPN bilang DWWW at ibinigay ang DZXL-TV sa National Media Production Center bilang DWGT-TV noong 1974) sa Banahaw Broadcasting Corporation (BBC) na pagmamay-ari ni Roberto Benedicto, isang katoto ni Marcos at may-ari ng plantasyon ng asukal, at inilunsad noong Nobyembre 4, 1973. Sa ilalim ng batas militar, nagbuo ang BBC ng monopolyong de facto kasama ng Kanlaon Broadcasting System/Radio Philippines Network (KBS/RPN), Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC, nakmit noong 1975), at pagmamay-ari ng pamahalaan na Government Television/Maharlika Broadcasting System (GTV/MBS). Nasamsam din ang punong-himpilan ng kumpanya, ang ABS-CBN Broadcasting Center, at muling pinangalanang Broadcast Plaza upang magsilbi bilang punong-himpilan ng BBC, KBS/RPN, GTV/MBS at, mula 1980, ang Bureau of Broadcasts (BB).[82][83]

Sa kalaunan, pinatasik si Marcos sa pamamagitan ng Rebolusyong EDSA ng Pebrero 1986. Ibinuwag ang BBC ng rebolusyonaryong pamahalaan na nangasiwa sa kalaunan at ibinalik angmga prekuwensya sa ABS-CBN noong Hulyo 1986 at ipinagpatuloy ang pagbobrodkast noong Setymbre 14, 1986.

Pag-rally ng suporta para sa ABS-CBN noong Hulyo 18, 2020

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 Cervantes, Filane Mikee (Hulyo 10, 2020). "Several issues led to denial of ABS-CBN franchise bid: House body". Philippine News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 10, 2020. Nakuha noong Hulyo 10, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cervantes, Filane Mikee (Mayo 26, 2020). "ABS-CBN didn't comply with franchise terms, laws: House leader". Philippine News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 11, 2020. Nakuha noong Hulyo 16, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Pulta, Benjamin (Pebrero 12, 2020). "Calida details ABS-CBN 'monopoly' practices in quo warranto suit". Philippine News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 14, 2020. Nakuha noong Hulyo 16, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Quismorio, Ellson (Hulyo 2, 2020). "Amcara signal comes from ABS-CBN tower, NTC tells House". Manila Bulletin. Nakuha noong Hulyo 16, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cervantes, Filane Mikee (Hulyo 10, 2020). "House panel junks ABS-CBN's bid for a 25-year franchise". Philippine News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 10, 2020. Nakuha noong Hulyo 10, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 Cabato, Regine (5 Mayo 2020). "Philippines orders its largest broadcaster off the air as nation fights virus". The Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Mayo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 "Congressional Franchises as a Weapon to Defeat a Free Press". Center for Media Freedom and Responsibility. 17 Hunyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Setyembre 2016. Nakuha noong 6 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Gomez, Jim (5 Mayo 2020). "Philippines Orders Leading TV Network to Shut Down as Watchdogs Accuse President of Muzzling Independent Media". Time (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Mayo 2020. Nakuha noong 7 Mayo 2020. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 Gutierrez, Jason (5 Mayo 2020). "Leading Philippine Broadcaster, Target of Duterte's Ire, Forced Off the Air". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 7 Mayo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Gutierrez, Jason (14 Mayo 2019). "Philippines Election: Duterte Allies Sweep Senate, Unofficial Results Indicate". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 7 Mayo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Corrales, Nestor (19 Hulyo 2019). "Palace on impeach raps: Duterte has supermajority in Congress" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Mayo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Philippines' top broadcaster ordered off air". BBC News (sa wikang Ingles). 5 Mayo 2020. Nakuha noong 7 Mayo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Aurelio, Julie M.; Inquirer Research (4 Disyembre 2019). "I'll see to it that you're out, President tells ABS-CBN". Inquirer.net. Nakuha noong 25 Enero 2020. "Your franchise will end next year. If you are expecting that it will be renewed, I'm sorry. You're out. I will see to it that you're out," he said, addressing ABS-CBN.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Padron:Cite act
  15. "House Bill No. 4997" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.00 16.01 16.02 16.03 16.04 16.05 16.06 16.07 16.08 16.09 Abad, Michelle. "TIMELINE: Duterte against ABS-CBN's franchise renewal". Rappler. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Ranada, Pia (Mayo 6, 2016). "Anti-Duterte ad by Trillanes riles up Duterte supporters". Rappler. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Cayetano gets TRO vs anti-Duterte ad". ABS-CBN News. Mayo 6, 2016. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "House Bill No. 4349" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Ranada, Pia (Marso 30, 2017). "Duterte tells 'rude' media: Beware of 'karma'". Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "House Bill No. 8163" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Duterte says he will object to renewal of ABS-CBN franchise". CNN Philippines. Nobyembre 9, 2018. Nakuha noong Mayo 7, 2020. Yung franchise ninyo, matatapos. But let me ask you questions first. Kasi ako talaga mag-object na marenew kayo.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "House Bill No. 00676" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 24.2 24.3 24.4 24.5 Lopez, Melissa Luz. "TIMELINE: ABS-CBN franchise". CNN Philippines. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "House Bill No. 3521" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "House Bill No. 3713" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "House Bill No. 3947" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Senate Bill No. 981 RENEWING THE FRANCHISE GRANTED TO ABS-CBN BROADCASTING CORPORATION". Agosto 28, 2019. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "House Bill No. 4305" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "House Bill No. 5608" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "House Bill No. 5705" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "House Bill No. 5753" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Rey, Aika (Disyembre 30, 2019). "Duterte to ABS-CBN: Better to sell the network". Rappler. Nakuha noong Mayo 7, 2020. Itong ABS, mag-expire ang contract ninyo. Magrenew kayo, ewan ko lang kung may mangyari diyan. Kung ako sa inyo, ipagbili 'nyo na 'yan{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Resolution No. 639" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Mercado, Neil Arwin (Pebrero 17, 2020). "Nearly 100 solons want House panel to now tackle ABS-CBN's franchise renewal". INQUIRER.NET. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. 36.0 36.1 36.2 36.3 36.4 Esguerra, Christian (Mayo 4, 2020). "TIMELINE: Will ABS-CBN get a new broadcast franchise?". ABS-CBN news. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "House Bill No. 6052" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "House Bill No. 6138" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Esguerra, Christian; Navallo, Mike (Pebrero 10, 2020). "Solicitor General questions ABS-CBN franchise before Supreme Court". ABS-CBN news. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Esguerra, Christian (Pebrero 10, 2020). "Quo warranto Calida's weapon of choice vs Duterte critics?". ABS-CBN news. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "House Bill No. 6293" (PDF). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Punzalan, Jamaine (Pebrero 14, 2020). "Speaker Cayetano: ABS-CBN franchise bills 'not that urgent'". ABS-CBN news. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Drilon seeks to extend ABS-CBN franchise to end of 2022". senate.gov.ph. Pebrero 17, 2020. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Domingo, Katrina (Pebrero 17, 2020). "Drilon files joint resolution extending ABS-CBN's franchise until 2022". ABS-CBN news. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "SolGen asks Supreme Court to issue gag order vs ABS-CBN". ABS-CBN news. Pebrero 18, 2020. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Dela Cruz, Divina (Marso 8, 2020). "ABS-CBN Franchise Timeline". Manila Times. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Esguerra, Christian (Marso 10, 2020). "NTC to lawmakers: ABS-CBN can continue broadcast on provisional authority". ABS-CBN news. Nakuha noong Mayo 7, 2020. May I assure this committee that barring a gross violation of its franchise of the NTC rules and regulations, the NTC will follow the latest advice of the DOJ (Department of Justice) and let ABS-CBN continue operations based on equity.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "WHO Director-General's opening remarks at the media briefing on COVID-19 - 11 Marso 2020". World Health Organization. Nakuha noong Mayo 7, 2020. WHO has been assessing this outbreak around the clock and we are deeply concerned both by the alarming levels of spread and severity, and by the alarming levels of inaction. We have therefore made the assessment that COVID-19 can be characterized as a pandemic.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Talabong, Rambo (Marso 12, 2020). "Metro Manila to be placed on lockdown due to coronavirus outbreak". Rappler. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "World Press Freedom Day". UNESCO. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 8, 2020. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Calida warns NTC against granting provisional authority to ABS-CBN". Rappler. Mayo 3, 2020. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Al S. Vitangcol III (2020-05-16). "SC bound to deny ABS-CBN petition". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  53. Robie de Guzman (2020-05-19). "SC directs NTC, Congress to answer ABS-CBN vs closure order". UNTV News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-25 – sa pamamagitan ni/ng Yahoo! News Philippines.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  54. Nakpil, Danielle (30 Hunyo 2020). "NTC stops broadcasts of Sky Direct, ABS-CBN's TV Plus channels in Metro Manila". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Hulyo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "READ: ABS-CBN Corp statement on the NTC order vs TV Plus channels". ABS-CBN News. Hunyo 30, 2020. Nakuha noong Hunyo 30, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "READ: Sky Cable Corp statement on NTC's cease and desist order". ABS-CBN News. Hunyo 30, 2020. Nakuha noong Hunyo 30, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Cervantes, Filane Mikee (10 Hulyo 2020). "House panel junks ABS-CBN's bid for a 25-year franchise". Philippine News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hulyo 2020. Nakuha noong 10 Hulyo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. Cervantes, Filane Mikee (10 Hulyo 2020). "Several issues led to denial of ABS-CBN franchise bid: House body". Philippine News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hulyo 2020. Nakuha noong 10 Hulyo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. ACWS-UBN v. NTC, 445 Phil. 621 (February 17, 2003).
  60. "ABS-CBN franchise to expire on May 4, 2020 – DOJ". CNN Philippines. Pebrero 24, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 5, 2020. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Tuazon, Ramon R. (2015). "The Print Media: A Tradition of Freedom". National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 10, 2019. Nakuha noong May 8, 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  62. "Our History". Philippine Center for Investigative Journalism. Nakuha noong Mayo 8, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. Johnson, Howard (Enero 17, 2018). "Why Rappler is raising Philippine press freedom fears". BBC News. Nakuha noong Mayo 8, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. Coronel, S. S. (2010), 'Corruption and the watchdog role of the news media.' In P. Norris (ed.), Public Sentinel: News Media and Governance Reform, 111–36.Washington, DC: World Bank.
  65. Flor, Alexander Gonzalez. The Fifth Theory of the Press (Tisis) (sa wikang Ingles).
  66. Quintos de Jesus, Melinda (Agosto 1, 2003). "The Philippine Press: A Study in Contrasts and Contradictions". Sa Severino, Rodolfo; Salazar, Lorraine Carlos (mga pat.). Whither the Philippines in the 21st Century?. Flipside Digital Content Company Inc. pp. 104–. ISBN 978-981-4517-58-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. 67.0 67.1 Hunt, Luke. "Duterte's Media War in the Philippines" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. Dancel, Raul (Nobyembre 2, 2018). "Philippines: Most dangerous place for journalists in Asia". The Straits Times. Nakuha noong Mayo 8, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  69. Bagayas, Samantha (Disyembre 21, 2018). "Philippines deadliest country for journalists in Southeast Asia – IFJ". Rappler. Nakuha noong Mayo 8, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. "2020 World Press Freedom Index: "Entering a decisive decade for journalism, exacerbated by coronavirus"". Reporters Without Borders. Nakuha noong Mayo 8, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. "A loss of democracy: NUJP chair hits NTC cease and desist order vs. ABS-CBN". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Mayo 5, 2020. Nakuha noong Mayo 9, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  72. Catajan, Maria Elena (Mayo 7, 2020). "Baguio groups show support for ABS-CBN". Sunstar (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 9, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  73. 73.0 73.1 "Press Freedom Further Restricted Amid Covid-19 Pandemic". PCIJ (sa wikang Ingles). Mayo 4, 2020. Nakuha noong Mayo 9, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  74. "RSF urges Philippine parliament to renew ABS-CBN network's franchise". Reporters without borders (sa wikang Ingles). Enero 30, 2020. Nakuha noong Mayo 8, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. "Closing down ABS-CBN: Above public need, the pleasure of the president!". Center for Media Freedom and Responsibility. Mayo 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. News, ABS-CBN. "Amnesty International calls ABS-CBN News shutdown 'dark day for media freedom'" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 8, 2020. {{cite news}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. 77.0 77.1 77.2 77.3 Serafica, Raisa. "Attack on all: Media groups show solidarity with ABS-CBN following closure order" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. 78.0 78.1 "Is Philippines muzzling free press amid coronavirus lockdown?". Deutsche Welle (sa wikang Ingles). Mayo 6, 2020. Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. "On World Press Freedom Day, groups wary of shrinking space for fundamental freedoms". Philstar. Mayo 3, 2020. Nakuha noong Mayo 9, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  80. Rivas, Ralf. "GMA may get 55% market share if ABS-CBN shuts down" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 7, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "Infographic: The day Marcos declared Martial Law". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 11, 2017. Nakuha noong Oktubre 26, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. 82.0 82.1 Francisco, Katerina (Setyembre 22, 2016). "Martial Law, the dark chapter in Philippine history". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 23, 2016. Nakuha noong Hunyo 29, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. Ricardo., Manapat (1991). Some are smarter than others : the history of Marcos' crony capitalism. New York: Aletheia Publications. ISBN 9719128704. OCLC 28428684.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)