Abéché

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Abéché

أبشي
Pangunahing daanan ng Abéché
Pangunahing daanan ng Abéché
Abéché is located in Chad
Abéché
Abéché
Kinaroroonan sa Chad
Mga koordinato: 13°49′59″N 20°50′05″E / 13.83306°N 20.83472°E / 13.83306; 20.83472
Bansa Chad
RehiyonRehiyon ng Ouaddaï
DepartmentoOuara
Sub-PrepekturaAbéché
Taas
542 m (1,778 ft)
Populasyon
(2012)[1]
 • Kabuuan76,492
Sona ng orasUTC+1 (Central Africa)
 • Tag-init (DST)UTC+1 (not observed)

Ang Abéché (Arabe: أبشي, ʾAbishī) ay ang pang-apat na pinakamalaking lungsod ng Chad at ang kabisera ng Rehiyon ng Ouaddaï. Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Abéché. Nasa loob nito ang mga labi ng sinaunang kabisera, kasama ang mga palasyo, mosque, at puntod ng mga dating sultan.[2]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pamilihan ng Abéché noong 1918

Ginawang kabisera ang Abéché ng Sultanato ng Wadai noong dekada-1890, pagkaraang naubos na ang mga balon ng Ouara, ang dating kabisera. Noong 1909, sinalakay ng mga kawal ng Pransiya ang kaharian at nagtatag ng kampamento sa Abéché. Kinuha ng Pransiya ang kapanyarihan, at napilitang talikuran ng sultan ang trono. Sa panahong iyon, pinakamalaking lungsod ng Chad ang Abéché na may 28,000 katao, ngunit nabawas sa 6,000 katao noong 1919 ang populasyon dahil sa mga epidemya. Ibinalik ang sultanato sa utos ng pamahalaang Pranses noong 1935, at naging hari si Muhammed Ouarada, tagapagmana sa trono kasunod ng kaniyang ama.to the throne after his father became king.

Dating isa sa mga moog ng Arabong ruta ng kalakalan ng mga alipin, kilala ngayon ang Abéché sa kanilang pamilihan, moske, liwasan (ang Place de l'Indépendance) at para sa palasyo ng sultan. Mayroon ding mga paaralan, isang ospital at isang pamantasan ang Abéché, at isa ito sa mga pangunahing kampamento ng Armee Nationale du Tchad ANT. May isang maliit na paliparan (IATA: AEHICAO: FTTC), Airport ID: AE, na pinapatakbo mula pagsikat hanggang paglubog ng araw (SR-SS) na may mga lipad patungong pambansang kabisera na N'Djamena.

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Historical population
TaonPop.±%
1988 40,000—    
1993 54,628+36.6%
2008 78,191+43.1%
1988, 1993, at 2008[3]

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinaliligiran ang Abéché ng sabana at isa itong mahalagang sentro ng pangangalaga ng mga baka.[2] Isa sa mga industriya ng lungsod ang paggawa ng mga kumot na gawa sa buhok ng mga kamelyo.[2]

Transportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Patakbuhan ng paliparan

Mayroon itong mga pangunahing daan na nag-uugnay nito sa N'Djamena gayundin sa Sarh, at sa kalapit na bansang Sudan.[2] Pinaglilingkuran din ito ng Paliparan ng Abéché.

Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Nasa lungsod ang paaralang Lycee Franco-Arabe.[2]

Klima[baguhin | baguhin ang batayan]

Tanawin ng Abéché mula sa himpapawid

Pinakamainit ang Abéché sa mga pangunahing lungsod ng Chad.[4] Nakararanas ito ng 336 na araw sa isang taon na may mga temperaturang higit sa 32 °C (90 °F). Nasa kalagitnaan ng taon ang tag-ulan nito, mula Hunyo hanggang Setyembre. Ang mga pinakamainit na buwan ay mula Marso hanggang Hunyo. Ibinubukod ng Köppen-Geiger climate classification system ang klima ng lungsod bilang mainit na klimang medyo-tuyo (BSh). Isa ito sa mga pinakamainit na lungsod sa daigdig na may karaniwang araw-araw na pinakamataas na temperatura na higit sa 36 degrees Celsius, at karaniwang araw-araw na tamtaman ng mga 29 degrees Celsius.

Datos ng klima para sa Abéché
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Year
Average high °C (°F) 33.5
(92.3)
35.7
(96.3)
38.2
(100.8)
40.2
(104.4)
40.0
(104)
38.4
(101.1)
34.7
(94.5)
32.0
(89.6)
34.0
(93.2)
37.3
(99.1)
35.8
(96.4)
34.0
(93.2)
36.2
(97.2)
Daily mean °C (°F) 24.9
(76.8)
27.6
(81.7)
30.3
(86.5)
32.7
(90.9)
32.8
(91)
31.6
(88.9)
28.7
(83.7)
27.0
(80.6)
28.2
(82.8)
29.8
(85.6)
27.9
(82.2)
25.4
(77.7)
28.9
(84)
Average low °C (°F) 16.1
(61)
18.3
(64.9)
22.1
(71.8)
25.1
(77.2)
25.7
(78.3)
24.8
(76.6)
23.6
(74.5)
22.3
(72.1)
22.3
(72.1)
22.6
(72.7)
20.7
(69.3)
17.8
(64)
21.8
(71.2)
Average precipitation mm (inches) 0.0
(0)
0.0
(0)
0.1
(0.004)
3.2
(0.126)
12.1
(0.476)
34.6
(1.362)
98.1
(3.862)
166.2
(6.543)
53.4
(2.102)
5.1
(0.201)
0.1
(0.004)
0.0
(0)
372.9
(14.68)
Average precipitation days (≥ 0.1 mm) 0 0 1 2 4 6 12 14 7 2 1 0 49
Average relative humidity (%) 20 17 16 18 27 41 60 71 61 35 23 23 34
Mean monthly sunshine hours 316.2 291.2 300.7 300.0 313.1 300.0 254.2 226.3 261.0 306.9 312.0 319.3 3,500.9
Mean daily sunshine hours 10.2 10.4 9.7 10.0 10.1 10.0 8.2 7.3 8.7 9.9 10.4 10.3 9.6
Source #1: World Meteorological Organization[5]
Source #2: NOAA (sun and humidity),[6] Climate-Data.org, altitude: 544m (for mean temperatures)[7]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "World Gazetteer". Sininop mula sa orihinal noong 1 May 2013.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Hoiberg, Dale H., ed. (2010). "Abéché". Encyclopædia Britannica. I: A-ak Bayes (15th ed.). Chicago, Illinois: Encyclopædia Britannica Inc. p. 24. ISBN 978-1-59339-837-8.
  3. World Gazetteer: Chad Naka-arkibo 9 February 2012 sa Wayback Machine.
  4. "Chad Climate Index". Climate Charts. Sininop mula sa orihinal noong 18 July 2013. Hinango noong 27 October 2013.
  5. "World Weather Information Service–Abeche". World Meteorological Organization. Hinango noong June 24, 2015.
  6. "Abeche Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Hinango noong June 24, 2015.
  7. "Climate: Abéché - Climate graph, Temperature graph, Climate table". Climate-Data.org. Sininop mula sa orihinal noong 29 October 2013. Hinango noong 27 October 2013.

Mga koordinato: 13°49′59″N 20°50′05″E / 13.83306°N 20.83472°E / 13.83306; 20.83472