Abéché
Abéché أبشي | |
---|---|
Mga koordinado: 13°49′59″N 20°50′05″E / 13.83306°N 20.83472°E | |
Bansa | Chad |
Rehiyon | Rehiyon ng Ouaddaï |
Departmento | Ouara |
Sub-Prepektura | Abéché |
Taas | 542 m (1,778 tal) |
Populasyon (2012)[1] | |
• Kabuuan | 76,492 |
Sona ng oras | UTC+1 (Central Africa) |
• Tag-init (DST) | UTC+1 (not observed) |
Ang Abéché (Arabe: أبشي, ʾAbishī) ay ang pang-apat na pinakamalaking lungsod ng Chad at ang kabisera ng Rehiyon ng Ouaddaï. Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Abéché. Nasa loob nito ang mga labi ng sinaunang kabisera, kasama ang mga palasyo, mosque, at puntod ng mga dating sultan.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginawang kabisera ang Abéché ng Sultanato ng Wadai noong dekada-1890, pagkaraang naubos na ang mga balon ng Ouara, ang dating kabisera. Noong 1909, sinalakay ng mga kawal ng Pransiya ang kaharian at nagtatag ng kampamento sa Abéché. Kinuha ng Pransiya ang kapanyarihan, at napilitang talikuran ng sultan ang trono. Sa panahong iyon, pinakamalaking lungsod ng Chad ang Abéché na may 28,000 katao, ngunit nabawas sa 6,000 katao noong 1919 ang populasyon dahil sa mga epidemya. Ibinalik ang sultanato sa utos ng pamahalaang Pranses noong 1935, at naging hari si Muhammed Ouarada, tagapagmana sa trono kasunod ng kaniyang ama.to the throne after his father became king.
Dating isa sa mga moog ng Arabong ruta ng kalakalan ng mga alipin, kilala ngayon ang Abéché sa kanilang pamilihan, moske, liwasan (ang Place de l'Indépendance) at para sa palasyo ng sultan. Mayroon ding mga paaralan, isang ospital at isang pamantasan ang Abéché, at isa ito sa mga pangunahing kampamento ng Armee Nationale du Tchad ANT. May isang maliit na paliparan IATA: AEH, ICAO: FTTC, Airport ID: AE, na pinapatakbo mula pagsikat hanggang paglubog ng araw (SR-SS) na may mga lipad patungong pambansang kabisera na N'Djamena.
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1988 | 40,000 | — |
1993 | 54,628 | +36.6% |
2008 | 78,191 | +43.1% |
1988, 1993, at 2008[3] |
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaliligiran ang Abéché ng sabana at isa itong mahalagang sentro ng pangangalaga ng mga baka.[2] Isa sa mga industriya ng lungsod ang paggawa ng mga kumot na gawa sa buhok ng mga kamelyo.[2]
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroon itong mga pangunahing daan na nag-uugnay nito sa N'Djamena gayundin sa Sarh, at sa kalapit na bansang Sudan.[2] Pinaglilingkuran din ito ng Paliparan ng Abéché.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa lungsod ang paaralang Lycee Franco-Arabe.[2]
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinakamainit ang Abéché sa mga pangunahing lungsod ng Chad.[4] Nakararanas ito ng 336 na araw sa isang taon na may mga temperaturang higit sa 32 °C (90 °F). Nasa kalagitnaan ng taon ang tag-ulan nito, mula Hunyo hanggang Setyembre. Ang mga pinakamainit na buwan ay mula Marso hanggang Hunyo. Ibinubukod ng Köppen-Geiger climate classification system ang klima ng lungsod bilang mainit na klimang medyo-tuyo (BSh). Isa ito sa mga pinakamainit na lungsod sa daigdig na may karaniwang araw-araw na pinakamataas na temperatura na higit sa 36 degrees Celsius, at karaniwang araw-araw na tamtaman ng mga 29 degrees Celsius.
Datos ng klima para sa Abéché | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 33.5 (92.3) |
35.7 (96.3) |
38.2 (100.8) |
40.2 (104.4) |
40.0 (104) |
38.4 (101.1) |
34.7 (94.5) |
32.0 (89.6) |
34.0 (93.2) |
37.3 (99.1) |
35.8 (96.4) |
34.0 (93.2) |
36.2 (97.2) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 24.9 (76.8) |
27.6 (81.7) |
30.3 (86.5) |
32.7 (90.9) |
32.8 (91) |
31.6 (88.9) |
28.7 (83.7) |
27.0 (80.6) |
28.2 (82.8) |
29.8 (85.6) |
27.9 (82.2) |
25.4 (77.7) |
28.9 (84) |
Katamtamang baba °S (°P) | 16.1 (61) |
18.3 (64.9) |
22.1 (71.8) |
25.1 (77.2) |
25.7 (78.3) |
24.8 (76.6) |
23.6 (74.5) |
22.3 (72.1) |
22.3 (72.1) |
22.6 (72.7) |
20.7 (69.3) |
17.8 (64) |
21.8 (71.2) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 0.0 (0) |
0.0 (0) |
0.1 (0.004) |
3.2 (0.126) |
12.1 (0.476) |
34.6 (1.362) |
98.1 (3.862) |
166.2 (6.543) |
53.4 (2.102) |
5.1 (0.201) |
0.1 (0.004) |
0.0 (0) |
372.9 (14.68) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) | 0 | 0 | 1 | 2 | 4 | 6 | 12 | 14 | 7 | 2 | 1 | 0 | 49 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 20 | 17 | 16 | 18 | 27 | 41 | 60 | 71 | 61 | 35 | 23 | 23 | 34 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 316.2 | 291.2 | 300.7 | 300.0 | 313.1 | 300.0 | 254.2 | 226.3 | 261.0 | 306.9 | 312.0 | 319.3 | 3,500.9 |
Arawang tamtaman ng sikat ng araw | 10.2 | 10.4 | 9.7 | 10.0 | 10.1 | 10.0 | 8.2 | 7.3 | 8.7 | 9.9 | 10.4 | 10.3 | 9.6 |
Sanggunian #1: World Meteorological Organization[5] | |||||||||||||
Sanggunian #2: NOAA (sun and humidity),[6] Climate-Data.org, altitude: 544m (for mean temperatures)[7] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "World Gazetteer". Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Mayo 2013.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Hoiberg, Dale H., pat. (2010). "Abéché". Encyclopædia Britannica. Bol. I: A-ak Bayes (ika-15th (na) edisyon). Chicago, Illinois: Encyclopædia Britannica Inc. p. 24. ISBN 978-1-59339-837-8.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ World Gazetteer: Chad Naka-arkibo 9 February 2012 sa Wayback Machine.
- ↑ "Chad Climate Index". Climate Charts. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hulyo 2013. Nakuha noong 27 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World Weather Information Service–Abeche". World Meteorological Organization. Nakuha noong Hunyo 24, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Abeche Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Hunyo 24, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Climate: Abéché - Climate graph, Temperature graph, Climate table". Climate-Data.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2013. Nakuha noong 27 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)