Agrikultura sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Rice paddies in Balagtas, Bulacan.
Rice paddies in Balagtas, Bulacan.

Nagpapatrabaho ang agrikultura sa Pilipinas ng 27.7% ng manggagawang Pilipino magmula noong 2017, ayon sa Bangkong Pandaigdig.[1]

Bigas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Pilipinas ay ika-8 sa paggawa ng bigas sa mundo, na nananagot sa 2.8% ng pandaigidang produksyon ng bigas.[2] Naging pinakamalaking tagapag-angkat (exporter) ng bigas din ang Pilipinas noong 2010.[3] Noong 2010, halos 15.7 milyong metriko tonelada ng palay ang naaani.[4] Noong 2010, nag-ambag ang palay sa 21.86% ng kabuuang nadagdag na halaga (gross value added) sa agrikultura at 2.37% ng GNP.[5] Ang pagkasarili sa bigas ay umabot sa 88.93% noong 2015.[6]

Lumago nang malaki ang produksyon ng bigas sa Pilipinas mula dekada 1950. Nagparami sa naaani ang mga pinabuting uri ng bigas na nalinang noong Berdeng Rebolusyon, kabilang ang nagawa sa Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay na nakabase sa Pilipinas. Naparami rin ang naaani dahil sa dumaraming paggamit ng mga pataba. Tumaas ang balasak na produktibidad (average productivity) mula 1.23 metriko tonelada bawat ektarya noong 1961 patungo sa 3.59 metriko tonelada bawat ektarya noong 2009.[2]

Naparami nang malaki ang ani sa pamamagitan ng patabang foliar (Rc 62 -> 27% dagdag, Rc 80 -> 40% dagdag, Rc 64 -> 86% dagdag) batay sa mga Pambansang Balasak ng PhilRice.

Ipinapakita sa talahanayan sa ibaba ang ilan sa mga agrikulturang produkto ng bansa sa bawat rehiyon.[7]

Rehiyon Bigas Mais Niyog Tubo Pinya Pakwan Saging
Ilocos 1,777,122 490,943 39,463 19,512 197 26,936 43,164
Cordillera (CAR) 400,911 237,823 1,165 51,787 814 141 26,576
Lambak ng Cagayan 2,489,647 1,801,194 77,118 583,808 35,129 7,416 384,134
Gitnang Luzon 3,304,310 271,319 167,737 678,439 1,657 7,103 58,439
NCR 0 0 0 0 0 0 0
CALABARZON 392,907 64,823 1,379,297 1,741,706 88,660 2,950 96,306
MIMAROPA 1,081,833 125,492 818,146 0 448 3,192 168,299
Kabikulan 1,264,448 243,908 1,105,743 239,010 130,595 5,598 76,452
Kanlurang Kabisayaan 1,565,585 213,362 294,547 1,682,940 12,687 83,336 200,222
Rehiyon ng Pulo ng Negros 557,632 185,747 274,315 13,440,259 9,468 546 157,974
Gitnang Kabisayaan 269,801 101,333 274,069 241,573 998 1,161 126,220
Silangang Kabisayaan 955,709 91,145 1,165,867 179,363 7,186 670 227,223
Tangway ng Zamboanga 661,775 220,180 1,682,121 107 1,657 638 281,856
Hilagang Mindanao 725,120 1,216,301 1,851,702 3,065,463 1,468,386 2,024 1,832,173
Rehiyon ng Davao 441,868 224,100 2,246,188 208,743 26,880 1,070 3,455,014
Soccsksargen 1,291,644 1,239,275 1,159,818 680,383 794,334 2,132 1,159,091
Caraga 653,431 118,774 804,722 0 2,682 3,010 259,738
ARMM 488,215 673,036 1,393,168 113,343 921 80 531,048

Asukal[baguhin | baguhin ang batayan]

Hilaw na asukal na ginagawa sa isang kabyawan sa bansa.

Mayroong hindi bababa sa 19 lalawigan at 11 rehiyon na nagluluwal ng tubo sa Pilipinas. Nilalalaan ang 360,000 hanggang 390,000 ektarya sa produksyon ng tubo. Matatagpuan ang mga pinakamalaking tubuhan sa Rehiyon ng Pulo ng Negros, kung saan makikita ang 51% ng pinagtataniman ng tubo. Sinusundan ito ng Mindanao na nananagot sa 20%; 17% naman sa Luzon; 07% sa Panay; at 04% sa Silangang Kabisayaan.[8][8] Tinatantya na pagsapit ng 2012, ang industriya ay nagpapatrabaho sa 700,000 manggagawa sa tubuhan na nakakalat sa 19 lalawigan na nagluluwal ng asukal.[9]

Mas nauna pa ang pagtatanim ng tubo sa Pilipinas kaysa sa pakikipag-ugnayan sa mga Kastila.[10] Ang asukal ay naging pinakaimportanteng iniluwas sa agrikultura ng Pilipinas mula hulihan ng ikalabing-walong dantaon at gitna ng dekada 1970.[10] Noong dekada 1950 at 1960, higit sa 20 bahagdan ng kita ng mga iniluluwas ng Pilipinas ay nanggaling sa industriya ng asukal.[10] Mula 1913 hanggang 1974, tinamasa ng industriya ng asukal sa Pilipinas ang mga magagandang terminong pangkalakal sa Amerika, na may pantanging pribilehiyo sa protektadong at tinustusang Amerikanong merkado sa asukal.[10]

Niyog[baguhin | baguhin ang batayan]

Mahalaga ang papel ng niyog sa pambansang ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa mga numerong inilathala noong Disyembre 2015 ng Organisasyon sa Pagkain at Agrikultura ng mga Nagkakaisang Bansa, ang bansa ay nangunguna sa mundo sa paggawa ng niyog, nag-ani ng 19,500,000 tonelada noong 2015.[11] Kadalasan, nakatipon ang produksyon ng Pilipinas sa mga taniman ng katamtamang sukat.[12] Nakalaan ang 3.5 milyon ektarya sa produksyon ng niyog sa Pilipinas, na sumasakop sa 25 bahagdan ng kabuuang lupaing pang-agrikultura sa bansa.[13] Noong 1989, tinantya na mula 25 bahagdan hanggang 33 bahagdan ng populasyon ay bahagyang o lubusang nakadepende sa mga niyog para sa kani-kanilang hanapbuhay. Sa kasaysayan, naging sentro ng produksyon ng niyog ang mga rehiyon ng Timog Katagalugan at Kabikulan sa Luzon at ang Silangang Kabisayaan.[14] Noong dekada 1980, naging mahalagang rehiyon din ang Kanlurang Mindanao at Timog Mindanao sa pagluluwal ng niyog.[14]

Abaka[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Industriya ng Himaymay, nagbigay ang Pilipinas ng 87.4% ng abaka sa mundo noong 2014, na ipinagkita ng Pilipinas ng US$111.33 milyon.[15] Mas malaki pa rin ang pangangailangan kaysa sa suplay.[15] Nanggaling ang natitira mula sa Ecuador (12.5%) at Costa Rica (0.1%).[15] Nakagawa ang Kabikulan sa Pilipinas ng 27,885 metriko tonelada ng abaka noong 2014, ang pinakamalaki sa anumang rehiyon ng Pilipinas.[15] Inulat ng Programa ng Pagpapaunlad ng Kabukiran sa Pilipinas (PRDP) at Kagawaran ng Agrikultura na mula 2009-2013, 39% ang ambag ng Kabikulan sa paggawa ng abaka sa Pilipinas habang ang napakalaking 92% ay nagmumula sa Catanduanes. 24% ang ambag ng Silangang Kabisayaan, ang ikalawa sa paggawa, at sa rehiyon ng Davao, ang ikatlo sa paggawa, ay may 11% ng kabuuang produksyon. Halos 42 bahagdan ng kabuuang kargamento ng abaka mula sa Pilipinas ay napunta sa United Kingdom noong 2014, anupat ito ang nangunguna sa pag-aangkat.[15] Nag-angkat ang Alemanya ng 37.1 bahagdan o 7,755 metriko tonelada (MT) ng kalamnan ng abaka mula sa Pilipinas.[15] Tumaas ng 20 bahagdan ang benta ng abakang lubid noong 2014 tungo sa kabuuang 5,093 MT mula sa 4,240 MT, kung saan halos 68 bahagdan ang hawak ng Estados Unidos sa merkado.[15]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. http://data.worldbank.org/indicator/SL.AGR.EMPL.ZS?locations=PH
  2. 2.0 2.1 "2009 Crop Production Statistics" [Mga Estadistika ng Produksyon ng Pananim ng 2009]. FAO Stat (sa Ingles). FAO Statistics. Kinuha noong 30 March 2011.
  3. "Factbox - Top 10 rice exporting, importing countries" [Factbox - Pangunahing 10 bansa sa pagluwas at pag-angkat ng bigas]. Reuters (sa Ingles). Enero 28, 2011. Tinago mula orihinal hanggang Oktubre 15, 2014. Kinuha noong Marso 30, 2011.
  4. "Palay: Volume of Production by Cereal Type, Geolocation, Period and Year" [Palay: Dami ng Produksyon ayon sa Uri ng Binutil, Heolokasyon, Panahon at Taon]. CountrySTAT Database (sa Ingles). Bureau of Agricultural Statistics. Tinago mula orihinal hanggang Marso 20, 2011. Kinuha noong Marso 30, 2011.
  5. "Philippine economy posts 7.1 percent GDP growth". National Accounts of the Philippines. National Statistical Coordination Board. Tinago mula orihinal hanggang 2011-04-15. Kinuha noong 30 March 2011.
  6. Authority, Philippine Statistics. "Self-Sufficiency Ratio of Selected Agricultural Commodities" [Tagway ng Pagkasarili ng Napiling Paninda sa Agrikultura]. countrystat.psa.gov.ph (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang 2016-10-28. Kinuha noong 2016-10-28.
  7. "Philippine Statistics Authority: CountrySTAT Philippines" [Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas: CountrySTAT Pilipinas] (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang 2016-10-28. Kinuha noong 2016-10-28.
  8. 8.0 8.1 Master Plan For the Philippine Sugar Industry. Sugar Master Plan Foundation, Inc. 2010. pa. 7.
  9. Master Plan For the Philippine Sugar Industry [Plano Maestro para sa Industriya ng Asukal sa Pilipinas] (sa Ingles). Sugar Master Plan Foundation, Inc. 2010. pa. 4–6.
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 "History" [Kasaysayan] (sa Ingles). Kinuha noong Marso 17, 2015.
  11. Food And Agriculture Organization of the United Nations:
    Economic And Social Department: The Statistical Division
    [Organisasyon sa Pagkain at Agrikultura ng mga Nagkakaisang Bansa: Kagawaran sa Ekonomiya at Lipunan: Pang-estadistikang Paghahati] (sa Wikang Ingles). Naka-arkibo 2015-09-06 sa Wayback Machine.
  12. Hayami, Yūjirō; Quisumbing, Maria Agnes R.; Adriano, Lourdes S. (1990). Toward an alternative land reform paradigm: a Philippine perspective [Patungo sa alternatibong paradigma sa reporma sa lupa: isang Pilipinong pananaw] (sa Ingles). Ateneo de Manila University Press. pa. 108. ISBN 978-971-11-3096-1. Kinuha noong Nobyembre 15, 2011.
  13. "Philippines to launch coconut cluster" [Pilipinas, maglulunsad ng kumpulan ng niyog] (sa Ingles). Investvine.com. 2013-02-16. Kinuha noong 2013-02-22.
  14. 14.0 14.1 Ronald E. Dolan, ed. Philippines: A Country Study [Pilipinas: Isang Pag-aaral ng Bansa] (sa Wikang Ingles). Washington: GPO para sa Library of Congress, 1991.
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 15.4 15.5 15.6 "PH biggest abaca exporter | Malaya Business Insight" [PH pinakamalaking tagapagluwas ng abaka | Malaya Business Insight]. Malaya Business Insight (sa Ingles). Hunyo 15, 2015. Tinago mula orihinal hanggang Agosto 9, 2016. Kinuha noong Oktubre 8, 2016.