Aisai
Aisai 愛西市 | |||
---|---|---|---|
Mula taas pababa: Gusaling panlungsod nf Aisai; taniman ng lotus ng Morikawa; tanawin ng distrito ng Saya mula sa himpapawid noog 1987; | |||
| |||
Kinaroroonan ng Aisai (nakatampok nang kulay rosas) sa Prepektura ng Aichi | |||
Mga koordinado: 35°9′10″N 136°43′41.6″E / 35.15278°N 136.728222°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Chūbu (Tōkai) | ||
Prepektura | Aichi | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 66.70 km2 (25.75 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Oktubre 1, 2019) | |||
• Kabuuan | 61,320 | ||
• Kapal | 920/km2 (2,400/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
- Puno | Podocarpaceae | ||
- Bulaklak | Nelumbo nucifera | ||
Bilang pantawag | 0567-26-8111 | ||
Adres | Yoneno 308,Inaba-cho, Aisai-shi, Aichi-ken 496-8555 | ||
Websayt | Opisyal na websayt |
Ang Aisai (愛西市 Aisai-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019[update], may tinatayang populasyon na 61,320 katao ang lungsod sa 23,451 mga kabahayan,[1] at kapal ng populasyon na 919 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 66.70 square kilometre (25.75 mi kuw). Kasapi ng Alyansa para sa Malusog na mga Lungsod (AFHC) ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang Aisai.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong panahong Edo, ang lugar ng kasalukuyang Aisai ay pinamunuan ng angkang Yokoi, mga katiwala ng Owari Tokugawa ng Nagoya. Noong panahong Meiji, binuo sa lugar na ito ang ilang mga nayong pinamamahala ng Distrito ng Kasai at Distrito ng Kaito, Prepektura ng Aichi, na kalaunan ay naging Distrito ng Ama sa panahong Taishō.
Itinatag ang lungsod ng Aisai noong Abril 1, 2005, bunga ng pagsasanib ng mga bayan ng Saya at Saori at mga nayon ng Hachikai at Tatsuta.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Aisai ay matatagpuan sa pambaybaying mga kapatagan ng kanlurang bahagi ng Prepektura ng Aichi, kahangga ang Prepektura ng Gifu sa kanluran. Mayroon itong maigsing hangganan ng Prepektura ng Mie sa timog-kanluran. Dumadaloy sa lungsod ang Ilog Kiso at ang Ilog Nagara.
Kalapit na mga munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Prepektura ng Aichi
- Prepektura ng Mie
- Prepektura ng Gifu
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Datos ng klima para sa Aisai (1981–2010) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 16.5 (61.7) |
19.3 (66.7) |
24.3 (75.7) |
29.1 (84.4) |
33.6 (92.5) |
36.8 (98.2) |
39.0 (102.2) |
40.3 (104.5) |
37.9 (100.2) |
31.8 (89.2) |
25.2 (77.4) |
22.0 (71.6) |
40.3 (104.5) |
Katamtamang taas °S (°P) | 8.6 (47.5) |
9.6 (49.3) |
13.3 (55.9) |
19.4 (66.9) |
23.8 (74.8) |
27.2 (81) |
30.9 (87.6) |
32.8 (91) |
28.6 (83.5) |
22.8 (73) |
16.9 (62.4) |
11.4 (52.5) |
20.4 (68.7) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 3.9 (39) |
4.6 (40.3) |
8.0 (46.4) |
13.7 (56.7) |
18.4 (65.1) |
22.4 (72.3) |
26.0 (78.8) |
27.4 (81.3) |
23.5 (74.3) |
17.4 (63.3) |
11.5 (52.7) |
6.2 (43.2) |
15.2 (59.4) |
Katamtamang baba °S (°P) | −0.1 (31.8) |
0.3 (32.5) |
3.3 (37.9) |
8.5 (47.3) |
13.7 (56.7) |
18.5 (65.3) |
22.5 (72.5) |
23.6 (74.5) |
19.6 (67.3) |
12.9 (55.2) |
6.8 (44.2) |
1.9 (35.4) |
10.9 (51.6) |
Sukdulang baba °S (°P) | −7.8 (18) |
−8.5 (16.7) |
−7.5 (18.5) |
−0.8 (30.6) |
4.7 (40.5) |
12.0 (53.6) |
16.2 (61.2) |
15.8 (60.4) |
10.6 (51.1) |
2.0 (35.6) |
−1.7 (28.9) |
−6.0 (21.2) |
−8.5 (16.7) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 55.0 (2.165) |
73.2 (2.882) |
138.6 (5.457) |
150.6 (5.929) |
180.1 (7.091) |
224.0 (8.819) |
221.8 (8.732) |
144.5 (5.689) |
228.2 (8.984) |
127.4 (5.016) |
92.1 (3.626) |
50.6 (1.992) |
1,686.3 (66.39) |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 149.1 | 158.0 | 186.5 | 196.3 | 191.9 | 152.5 | 169.9 | 205.8 | 159.4 | 164.8 | 154.9 | 148.8 | 2,037.1 |
Sanggunian: Japan Meteorological Agency (JMA)[3] |
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[4] tuluy-tuloy ang pagbabago ng populasyon ng Aisai sa nakalipas na 30 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1960 | 38,629 | — |
1970 | 48,104 | +24.5% |
1980 | 61,337 | +27.5% |
1990 | 63,143 | +2.9% |
2000 | 65,597 | +3.9% |
2010 | 64,981 | −0.9% |
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilala ang Aisai sa paggawa nito ng maaaring kaining ugat ng lotus. Ang ibang pangunahing mga produktong pampananakahan ay luya, presas, kamatis, at ang paggawa ng sake.
Talasnaggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Aisai City official statistics (sa Hapones)
- ↑ Alliance for Healthy Cities official home page
- ↑ "Aisai 1981-2010". JMA. Nakuha noong Hulyo 11, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Aisai population statistics
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Aisai City official website (sa Hapones)
- May kaugnay na midya ang Aisai, Aichi sa Wikimedia Commons