Alpha Centauri
Ang Alpha Centauri (α Centauri, α Cen; kilala rin sa tawag na Rigel Kent /ˈraɪdʒəl ˈkɛnt/) ay ang pinakamaliwanag na bituin sa katimugang konstelasyon ng Centaurus, at ang pangatlong pinakamaliwanag na bituin sa panggabing langit.[1][2] Makikita ang sistema ng Alpha Centauri sa 1.34 parsec o 4.37 sinag-taon mula sa Araw, kaya ito ang naging pinakamalapit na sistemang pangbituin sa Sistemang Solar.[3] Bagamat nakikita ito ng mga matang walang instrumento bilang isang bituin, sa katotohanan, ang Alpha Centauri ay isang sistemang dalawahang bituin (na may designasyong Alpha Centauri AB o α Cen AB) na kung saan ang kanilang pinagsamang nakikitang magnityud na −0.27 ay nakatulong upang maging pangatlong pinakamaliwanag na bituin na nakikita sa Mundo pagkatapos ng magnityud na −1.46 ng Sirius at magnityud na −0.72 ng Canopus.
Ang Alpha Centauri C o Proxima Centauri ay ika-3 bituin nitong sistemang pangbituin at pinakalapit na bituin sa ating Araw. 4.24 sinag-taon ang distansiya sa ating Araw at 0.2 sinag-taon sa Alpha Centauri AB. May relasyong grabidad ito sa Alpha Centauri AB.
May di pa kompirmadong planetang terestriyal na Alpha Centauri Bb na lumilibot sa Alpha Centauri B.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Our Local Galactic Neighborhood Naka-arkibo 2015-11-07 sa Wayback Machine., NASA
- ↑ Into the Interstellar Void, Centauri Dreams
- ↑ Söderhjelm, Staffan (1999). "Visual binary orbits and masses post Hipparcos". Astronomy and Astrophysics. 341 (1): 121–40. Bibcode:1999A&A...341..121S.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga koordinado: 14h 39m 36.4951s, −60° 50′ 02.308″
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.