Pumunta sa nilalaman

Ang Dating Daan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ang Dating Daan: By Demand)
Ang Dating Daan
UriPananampalataya
Pinangungunahan ni/ninaEliseo Soriano
Daniel Razon
Josel Mallari
Mel Magdaraog
Luz Cruz
Danny Navales
(Mga Bisitang Nagtatanong)
Bansang pinagmulanPhilippines
WikaFilipino
Bilang ng kabanatan/a
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapDaniel S. Razon
ProdyuserMembers Church of God International
LokasyonIba-ibang lugar sa Pilipinas (for Philippine Broadcast)
Ayos ng kameramulticamera setup
Oras ng pagpapalabas2 oras
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanUNTV 37
Picture format480i SDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawid1983 (1983) –
kasalukuyan
Kronolohiya
Kaugnay na palabasItanong mo kay Soriano
Website
Opisyal

Ang Ang Dating Daan ay isang palatuntunang pangradyo at telebisyon na nagtatampok ng pagtalakay at pagsusuri ng mga usaping panrelihiyon Kristiyano. Kilalang host nito si Eliseo Soriano, ang Presiding Minister ng grupong Members Church of God International at host ng iba ang katulad na palatuntunan tulad ng Itanong Mo kay Soriano, Truth in Focus, Biblically Speaking, at Bible Guide.

Sinimulan ang palatuntunan noong taong 1980 sa estasyong pangradyo na DWWA at noong 1983 sa telebisyon sa IBC-13. Napatigil ito sa ere ng telebisyon subalit muling nagbalik noong mga huling yugto ng 1980. Ipinatigil din ito ng MTRCB dahil sa reklamo ng Iglesia ni Cristo ukol sa pagsabi ni Eliseo Soriano na ang kanilang samahan ay Iglesia ni Manalo. Subalit sa pagpasok ng dekada 1990, ito ay napanood sa mga himpilang IBC-13, ABS-CBN, TV5, (isang espesyal na kabanata lamang), RPN-9, SBN-21, RJTV-29, PTV-4 at sa kasalukyan sa UNTV-37.

Noong 2007, nakuha ng pooksapot ng Ang Dating Daan Naka-arkibo 2010-07-24 sa Wayback Machine. ang "Pinakatanyag na Sayt noong 2007" ("Most Popular Website of 2007") na dineklara nang ikalawang linggo ng Nobyembre 2007. Ang gantimpala ay ibinigay ng Philippine Web Awards.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]