Pumunta sa nilalaman

DZRJ-TV

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa RJTV-29)
DZRJ-TV
Metro Manila
Lungsod ng LisensiyaMakati City
Mga tsanelAnalogo: 29 (UHF)
Dihital: DWCP-TV 22 (UHF) (ISDB-T test broadcast)
Virtual: 99.22 (LCN)
Tatak2nd Avenue on RJTV
IsloganYour Lifestyle and Entertainment Channel
Where Characters Get Delightfully Real.
Pagproprograma
Kaanib ng2nd Avenue
Pagmamay-ari
May-ariRajah Broadcasting Network
Mga kapatid na estasyon
DZRJ-AM, DZRJ-FM
Kasaysayan
ItinatagMayo 1993; 31 taon ang nakalipas (1993-05)
Kahulugan ng call sign
DZ
Ramon
Jacinto
(owner and founder of RBN, also taken from sister AM and FM radio stations)
Impormasyong teknikal
Lakas ng transmisor60 KW TPO
(500 kW ERP)
Mga link
Websaytwww.RJplanet.com

Ang RJTV 29 (DZRJ-TV) ay isang estasyon ng telebisyon sa UHF, na pagmamay-ari at ginagamit ng Rajah Broadcasting Network, Inc. na kung saan ay pagmamay-ari din ni Ramon "RJ" Jacinto. Ginagamit din ng Solar Entertainment Corporation bilang 2nd Avenue. Ang RJTV 29 ay pinapalabas sa lugar ng Kalakhang Maynila, at ito ay naka-base bilang ‘must carry basis’ sa lahat ng cable network. Ang studio nito ay matatagpuan sa Ventures I Bldg., Makati Ave. katabing Daang Hen. Luna, Lungsod ng MakatiAt ang transmisor nito ay matatagpuan sa Brgy. San Roque Purok 19, Daang San Lorenzo Ruiz, Lungsod ng Antipolo. Ang RJTV ay dating nag-eere 24 oras, ngunit nilimitahan ito mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi noong 22 Nobyembre 2012 dahil na din sa ipinalabas na kautusan mula sa NTC patungkol sa mga kanal na ginagamit ng ibang network.

Nag-umpisa ang test broadcast nito noong Abril 1993, at naging opsiyal ang telekast nito sa sumunod na buwan. Ang pormat ng kanal na ito noon ay halu-halong mga sesyon ng tugtugan, balitang lokal, usapan, at ang kauna-unahang Home TV shopping na programa.

Noong 1995, nagpalabas naman ito ng mga cartoon at animated na programa upang masubaybayan ng mga kabataan. Ngunit noong 1997, dahil na din sa mahigpit na kompetisyon laban sa Studio 23 at noo'y CTV-31 (na ngayo'y kilala bilang BEAM Channel 31 at isa din sa mga affiliator ng Solar Entertainment Corporation ngayon bilang Jack City), ang RJTV ay nag-focus na lang sa dati nitong mga programa.

Noong 1 Enero 2008, bilang tugon at resulta na din sa paggamit ng Solar Entertainment Corporation ng mga lokal/terestriyal na networks sa free TV, ang RJTV 29 ay nagsimulang ipalabas ang ilang programa ng 2nd Avenue, ngunit maaaring mabakante ang ilang programa nito para sa kanilang lokal na programa nila.

Nitong 9 Setyembre 2012, ang RJTV 29 ay pansamantalang nagsara sa ere kasabay din ng pagsara ng 3ABN/Hope Channel PHL 45. Napag-alaman na ang kanal na ito ay pansamantalang inaayos at ina-upgrade ang transmisor nito. Nagbalik din ito sa ere noong 21 Nobyembre 2012.

Nitong 2015, DZRJ-TV nagsimula sa ginamit ang Solar-owned transmitter tower matatagpuan malapit sa Nuestra Señora de la Paz Subdivision, Bo. Sta. Cruz, Antipolo City probinsya ng Rizal, pagbabahaging transmisyon na may Solar's subsidiary, Southern Broadcasting Network. Ito'y pakay ay sa magbigay na mas malinaw at mas mabuting signal reception at ay ginamit sa pagbobrodkast ng SBN at RJTV kapwa sa analog at digital.

Coverage areas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Mga Programa ng 2nd Avenue

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Dating Programa ng RJTV

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Himpilan ng RJTV

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Solar Entertainment