Pumunta sa nilalaman

Ana, Reyna ng Gran Britanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Anne ng Dakilang Britanya)
Ana
Obra ni Michael Dahl, 1705
Reyna ng Inglaterra, Eskosya and Irlandiya (iba pa...)
Panahon 8 Marso 1702 – 1 Mayo 1707
Britaniya 23 Abril 1702
Sinundan William III
Reyna ng Kalakhang Britanya at Irlandiya (iba pa...)
Panahon 1 Mayo 1707 – 1 Agosto 1714
Sumunod George I
Asawa Prinsipe George ng Dinamarca
Anak Prinsipe William, Duke ng Gloucester
Lalad Kabahayan ng Stuart
Ama James II & VII
Ina Anne Hyde
Kapanganakan 6 Pebrero 1665(1665-02-06)
Palasyo ni San James, Westminster
Kamatayan 1 Agosto 1714(1714-08-01) (edad 49)
Palasyo ng Kensington, Middlesex
Libingan 24 Agosto 1714
Westminster Abbey
Lagda
Pananampalataya Simbahan ng Inglaterra

Si Ana (6 Pebrero 1665 – 1 Agosto 1714)[n 1] ay naging Reyna ng Inglaterra, Eskosya at Irlandiya noong 8 Marso 1702, sa ilalim ng Batas ng Samahan, ang dalawa sa mga realmo niya na Inglaterra at Eskosya ay nagsanib upang maging isang estadong soberano na tinawag na Kalakhang Britanya. Ipinagpatuloy niya ang pagiging Reyna ng Kalakhang Britanya at Irlandiya hanggang siya ay sumakabilang buhay.

Ipinanganak si Ana sa ilalim ng paghahari ng kanyang tiyuhin na si Carlos II, na kung saan wala siyang lehitimong mga anak, ang ama niyang si James II ang una sa pagmana sa trono. Ang pagiging Romano Katoliko niya ay hindi nagustuhan ng mga Ingles, kaya naman hinabilin ni Carlos na palakihing Anglikana si Ana. Tatlong taon matapos niyang humalili kay Carlos, Pinatalsik si James sa Rebolusyong Maluwalhati ng 1688. Matapos nito, ang kapatid ni Ana na si Maria at ang asawa nitong si William ang naging hari at reyna ng Inglaterra, Eskosya at Irlandiya bilang Maria II at William III. Nagkaroon ng sigalot sa pagitan nila Maria at Ana dahil sa mga di-pagkakaunawaan sa mga pamamahala ng pananalapi ni Ana at hindi na sila nagkasundo muli hanggang sa mamatay si Maria. Ipinagpatuloy ni William ang pagiging monarko hanggang sa sarili niyang kamatayan noong 1702, na kung saan humalili na si Ana bilang Reyna ng Inglaterra, Eskosya at Irlandiya.

Bilang reyna, pinaburan ni Ana ang mga banayad na pulitikong Tory, na mas nagpapakalat ng mga Anglikanong pagtingin niya kaysa sa mga kalaban nilang mga Whigs. Lumakas ang mga Whigs habang nagaganap ang Digmaan sa Paghalili ng mga Espanyol, hanggang karamihan sa kanila ay pinaalis ni Anne noong 1710. Ang pagkakaibigan nila Sarah Churchill, Dukesa ng Marlborough ay naging di-maganda dahil sa mga pagkakaibang pulitikal.

Si Ana ay pineste ng malubhang kalusugan sa buhay niya. Mula nang sumapit ang tatlumpung taon ng kanyang pamumuhay, naging lampa siya at tumaba ng lubusan. Kahit na labimpitong beses niyang sinubukan ang pagkakaroon ng anak nila ng asawa niyang si Prinsipe George ng Dinamarca, namatay siya ng walang namuhay na supling, kaya naman siya na ang tumapos sa linya ng mga Stuart bilang monarko ng bagong Kalakhang Britanya at Irlandiya. Siya ay pinalitan ng kayang ikalawang pinsan niyang si George I ayon sa Atas ng Paninirahan 1701. Si George ang unang hari sa ilalim ng bagong kabahayan ng Hanover.

  1. All dates in this article are in the Old Style Julian calendar used in Great Britain throughout Anne's lifetime, except that years are assumed to start on 1 January rather than 25 March, which was the English New Year.