Araling Aprikano
- Huwag itong ikalito sa Araling Aprikana.
Ang araling Aprikano o araling pang-Aprika (Ingles: African studies) ay isang pag-aaral ng Aprika, natatangi na ang mga kultura at mga lipunan ng Aprika (na hindi kasang-ayon sa heolohiya, heograpiya, soolohiya, at iba pa). Ang larangan ay nagsasangkot ng pag-aaral ng kultura ng Aprika, kasaysayan ng Aprika (prekolonyal na Aprika, kolonisasyon ng Aprika, dekolonisasyon ng Aprika), antropolohiya ng Aprika (mga pangkat etniko ng Aprika at demograpiya ng Aprika), politika ng Aprika, ekonomiya ng Aprika (kadarahupan sa Aprika), mga wika ng Aprika, at relihiyon ng Aprika (relihiyong tradisyunal ng Aprika). Ang isang espesyalista sa araling Aprikano ay kadalasang tinatawag na Aprikanista. Isang susing pagtutuon ng disiplina ay ang siyasatin ang pang-estimolohiyang mga pagharap, mga teoriya at mga metodo sa mga disiplinang tradisyunal na ginagamit ang isang lenteng mapanuri na nagsisingit ng kaparaanan ng pag-alam at pagtukoy na nakatuon sa Aprika. Sa karaniwan, ang pag-aaral ng araling pang-Aprika ay nakatuon sa Aprikang sub-Saharano, dahil sa ang Hilagang Aprika ay itinuturing ng ilang mga dalubhasa bilang kabahagi ng mundong Arabo. Subalit ito ay isang bagay na pinagtatalunan sa loob ng disiplinang ito at ang mga debate hinggil sa katauhan ay nakatuon sa pagtulak ng mga paradigmong interdisiplinaryo nito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.