Pumunta sa nilalaman

Wikang Arameo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Aramaya)
Huwag itong ikalito sa Amhariko, ang opisyal na wika ng Etiyopiya.
Arameo
ܐܪܡܝܐ / ארמיא / 𐡀𐡓𐡌𐡉𐡀
Arāmāyā
Distribusyong
heograpiko:
Mesopotamya, Levant, Mabungang Gasuklay, Northern Arabia
Klasipikasyong lingguwistiko:Afro-Asiatiko
Mga subdibisyon:
Arāmāyā in Syriac Esṭrangelā script
Alpaberong Syriac-Aramaiko
Wikang Hebreo (kaliwa) at Wikang Aramaiko (kanan) ng Tanakh, 1299 CE,Bodleian Library

Ang wikang Arameo o wikang Aramaiko ay isang wikang Semitiko na sinalita sa Aram na lumitaw noong ca. 1000 BCE. Ang Alpabetong Aramaiko ay binatay sa Alpabetong Phoenicio at nagmula sa mga silangang rehiyon ng Aram. Dahil dahil sa migrasyon na Arameo pasilangan, ang mga kanluraning labas na sakop ng Asirya ay naging bilingual na gumagamit ng parehong Wikang Akkadiyo at Aramaiko. Nang sakupin ng hari ng Imperyong Neo-Asirya na si Tiglath-Pileser III ang mga lupaing Arameo sa kanluran ng Ilog Eufrates, ang Aramaiko ang naging ikalawang opisyal na wika ng Imperyong Neo-Asirya at buong pumalit sa wikang Akkadiyo. Mula 700 BCE, ang wikang Aramaiko ay lumaganap sa lahat ng direksiyon. Ang iba't ibang dialekto ay lumitaw sa Asirya, Babilonya, Levant at Ehipto. Noong 600 BCE, ang haring Cananeo na si Adon ay gumamit ng wikang Aramaiko upang sumulat sa paraon ng Sinaunang Ehipto. Sa pananakop ng Imperyong Akemenida sa Mesopotamya sa ilalim ni Dario I, ang Aramaiko ay ginamit na wika ng isinusulat na pakikipagtalastasan sa pagitan ng iba't ibang rehiyon sa buong imperyo.

Ebolusyon ng wikang Aramaiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon kay Klaus Beyer (1929–2014):[1]

Ayon kay Joseph Fitzmyer (1920–2016):[2]

Recent periodization of Aaron Butts:[3]

Aramaikong Biblikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Aramaiko pamBibliya ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Tanakh:

Ang Aramaiko ng Bibliya ay isang pinaghalong dialekto.

Mga Ebanghelyo ng Bagong Tipan at Hesus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinaniwalaan ang wikang Aramaiko ang wika na sinalita ni Hesus ng dialektong Galilea batay sa mga salitang Aramaiko gaya ng Talitha cumi na binanggit ni Hesus sa Ebanghelyo ni Marcos (Marcos 6:41), na may kahulugang "Ineng, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka." gayundin ang mga salitang Ephphatha (Ἐφφαθά),Abba (Ἀββά[ς]), Raca (Ρακά), Mammon (Μαμωνάς), Rabbuni (Ραββουνί),Maranatha (Μαραναθά), Eli, Eli, lema sabachthani (Ἠλί, Ἠλί, λεμὰ σαβαχθανί), isang tuldok o isang kudlit (Ἰῶτα ἓν ἢ μία κεραία),Korban (Κορβάν),Sikera (Σίκερα),Hosanna (Ὡσαννά), Boanerges (Βοανηργές),Cephas (Κηφᾶς), Thomas (Θωμᾶς),Tabitha (Ταβιθά), Gethsemane (Γεθσημανῆ), Golgotha (Γολγοθᾶ),Gabbatha (Γαββαθᾶ),Akeldama (Ἀκελδαμά), Bethesda (Βηθεσδά). Ito ang ebidensiya na nakikita ng mga iskolar na ang mga Ebanghelyo ng Bagong Tipan ay orihinal na isinulat sa Griyegong Koine dahil kinailangan nilang isalin ang mga salitang Aramaiko sa Griyego upang maintindihan ng mga mambabasang Griyego.

Wika ni Adan, ng Talmud, Targum, at Zohar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Babilonyong Talmud (Sanhedrin 38b), ang wikangn Aramaiko ang wika ni Adan na unang tao. Ito rin ang wika ng Targum na saling Aramaiko ng Tanakh. Ito rin ang wika ng Herusalem Talmud, Babilonyong Talmud at Zohar

Bilang sagradong wika sa Kristiyanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ilang mga anyo ng Aramaiko ay itinuturing na sagrado o banal na wika at ginagamit sa liturhiya sa Kristiyanismong Syriac, Asiryong Simbahan ng Silangan, Kaldeong Katolikong Simbahan, Simbahang Maronite at Mga Kristiyano ni Santo Tomas sa Kerala, India.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Beyer 1986.
  2. Fitzmyer 1997, pp. 60–63.
  3. Butts 2019, pp. 224–25.

WikaBibliyaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika, Bibliya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.