Asadal
Asadal | |
Hangul | 아사달 |
---|---|
Hanja | 阿斯達 |
Binagong Romanisasyon | Asadal |
McCune–Reischauer | Asadal |
Sa alamat at kasaysayan ng Korea, ang Asadal ang naging kabisera ng Gojoseon. Inaakalang maaaring nasa Manchuria, Hwanghae o Pyongyang ang mismong Asadal. Ang Samguk Yusa ang kauna-unahang gawang pangkasaysayang Koreano nakapag-salaysay ng tungkol doon, na nagbanggit sa Aklat ng Wei. Binaggit din sa Samguk Yusa patungkol sa Go Gi, na ang kabisera ni Dangun ay nasa Pyongyang. Ngunit ipinapakita sa mga kamakailang pag-aaral na mayroong higit sa isa pang lungsod na may pangalang Pyongyang na nasa pinakahilagang bahagi ng Manchuria. Ang Pyongyang na kasalukuyang punong lungsod ng Hilagang Korea ay ang katimugang kapilas (counterpart) nito, sa kadahilanang pangkaraniwan sa panahong iyon na pangasiwaan ng isang emperador ang dalawang kabisera at mamuno sa dalawang palasyo. Ganoon pa man, inaakalang nasa bandang Manchuria ang tunay na Asadal na ngayon ay nasa pangalan sa Wikang Tsino.
Sanggunian at kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lee, Peter H & Wm. Theodore De Bary. Sources of Korean Tradition, page 5-6. Columbia University Press, 1997.
- Naver Encyclopedia[patay na link] (sa Koreano)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.