Pumunta sa nilalaman

Bagyong Fabian (2021)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
 Bagyong Fabian (In-fa) 
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 2 (Saffir–Simpson)
NabuoHulyo 16, 2021
NalusawHulyo 29, 2021
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 150 km/h (90 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 175 km/h (110 mph)
Pinakamababang presyur950 hPa (mbar); 28.05 inHg
Namatay6 (naiulat)
Napinsala$2 bilyon (2021 USD)
Apektado
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021

Ang Bagyong Fabian, (Pagtatalagang Pandaigdig: Bagyong In-fa) ay isang maulang bagyo sa Pilipinas ay ang ika-anim na bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na siyang nag papaigting sa hanging Habagat.[1]

Noong Hulyo 14 ang JTWC ay naka monitor sa isang namuong Low Pressure Area sa kanluran hilagang-kanluran ng Guam ay nakita sa lokasyong pi naboran sa mainit na temperatura, ang sistema ay nadebelop sa katamtamang wind shear, Hulyo 16 ang PAGASA ay sinabi na nag upgrade ang isang low pressure at naging isang ganap na tropikal depresyon na pumasok sa Philippine Area of Responsibility at ipinangalang Fabian ang ika anim na bagyong pumasok sa border ng Pilipinas.[2][3]

Ito ay namataan sa dulong sulok ng hilagang silangang Philippine Area of Responsibility at kumikilos sa direksyong kanluran, hilagang-kanluran at may tyansang tawirin ang Silangang Dagat Tsina at tumama sa lungsod ng Shanghai sa Tsina sa Hulyo 19, 2021.[4]

Kasaysayang meteorolohikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang galaw ni Bagyong Fabian (In-fa)

Sa kategoryang 2 sa loob ng tatlong araw sa Pilipinas ay nakaranas ang malawakang bansa sa walang tigil na pag ulan at nagdulot ng mga matinding pag baha dulot ng bagyong In-fa o Fabian dahil sa pinaigting na hanging Habagat kasama ang Bagyong Cempaka na nanalasa sa katimugang Tsina sa Hong Kong, Ang bagyong Fabian ay ang ika anim na bagyong pumasok sa Pilipinas, dahil sa pag hatak sa habagat ay patuloy ang paggalaw ng bagyo sa direksyong hilagang kanluran papuntang lalawigan ng Zhejiang at lungsod ng Shanghai.

Ang satellite na kuha sa bagyong Fabian (In-fa)

Habang na papanatili ang lakas ng bagyo ay patuloy na hinahatak nito ang "Habagat" na nanggaling sa timog kanluran ng Asya, dahil sa paginit ng temperatura ng Dagat Pilipinas na siyang nag papalakas sa bagyo, Hulyo 19 ng namataan ang bagyo sa isla ng Ryukyu sa Japan.

Pagaantabay at babala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakataas ang antas ng babalang asul o "Blue typhoon alert" sa lakas ng hangin 6 (44 km/h; 27 mph) sa loob ng 24 oras.[5]

Hanging Habagat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinalalakas at pinaiigting ng bagyong Fabian ang hanging Habagat na siyang naghihila sa direksyong timog kanluran, Makakaranas ang buong Pilipinas ng mga kalat-kalat na malalakas na ulan dulot sa pag hatak ng habagat, sa mga lalawigan/lungsod ng Sultan Kudarat, Timog Cotabato at Kalakhang Maynila ay niragasa ng malawakang baha dahil sa mga pag-ulan dala ng bagyong Fabian.[6]

Ang isla ng Ryukyu sa ka timogang bahagi ng Japan noong Hulyo 17 ay ipinaliwanag ang bagyo para balaan ang mga tao na ang bagyo ay papalapit sa kanilang isla, na may dala-dalang malalakas na ulan at hangin.

Literal sa Pilipinas kung mayroong mga bagyo ang dala ng hanging habagat na may kasamang malalakas na ulan, hangin at nagdudulot ng malawakang pag-baha, Ang Kalakhang Maynila ay madalas na nakakaranas na mataas na mga pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan, ay nagsanhi sa mga rehiyong Calabarzon, Mimaropa at Kanlurang Kabisayaan, Na dala-dala rin ng bagyong Cempaka na nasa bahagi ng Vietnam at Tsina.[7]

Ang Taiwan at Tsina ang malubhang matatamaan ni Fabian kaya't nagsagawa ang bansa ng paghahanda sa bagyo, nagsuspinde ng klase, trabaho, kanselado ang mga sasakyang pangdagat at panghimpapawid, Ang Taiwan ay nag labas ng warning dahil sa dulot ng "flash flood".

Ang China Meteorological Administration (CMA) ay nag labas ng asul na babala ng bagyo sa silangang rehiyon ng Tsina.

Nagkaroon ng sunod-sunod at naglalakihang alon sa ilang coastal areas sa bansang Japan sa karatig isla nito, At mga tuloy-tuloy na mga pag-ulan sa Minamidaitō and Kitadaitōjima noong Hulyo 19.

Hulyo 20-22 ay sunod-sunod na mga pag-ulan ang naranasan ng kabuuang Luzon maging ang Kamaynilaan sa mga nakalipas na araw, Calabarzon, Gitnang Luzon, Mimaropa at Kalakhang Maynila ang nakaranas ng hagupit ng "Habagat" dulot ng Bagyong In-fa (Fabian), Ang mga bayan/lungsod ng Naujan, Oriental Mindoro, Rosario, Cavite, Cainta, Rizal, Taytay, Rizal at Maynila ay nakaranas ng mataas at matinding baha sa loob ng limang araw dahil sa walang tigil na buhos ng ulan.

Ilang mga roadways, mainroads at highways ay nagkaroon ng matinding trapik dahil sa taas ng baha noong Hulyo 21.

Nakapagtala ng mataas na bolyum ng ulan ang bagyong (In-fa, Fabian) sa Henan at Zhengzhou, nag-iwan ang bagyo ng 12 na patay dulot ng baha sa subway, ang malakas na bagyong In-fa na pinagsamang bagyong Cempaka ay nag iwan ng matinding pag-baha sa mga lalawigan.

Sinundan:
Emong
Mga bagyo sa Pasipiko
Fabian
Susunod:
Gorio