Beysbol sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008
Ang beysbol sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing gaganapin sa loob ng labing-isang araw simula Agosto 13 at magtatapos na may medalya sa huling laro sa Agosto 23. Lahat ng mga laro ay magaganap sa Parang Pambeysbol ng Wukesong, isang pansamantalang lugar ng pagdadausan na itinayo sa Sentrong Pangkultura at Palakasan ng Wukesong ng Beijing. Ang Olimpikong beysbol ay nananaligsa ng mga kalalakihan lamang; ang mga kababaihan naman ay nagpapapligsahan sa magkatulad na palakasan ng sopbol.
Ang kaganapang ito ay maaaring maging huling kaganapan sa beysbol sa kasaysayan ng Olimpiko, na bumoto ang Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko na alisin ang beysbol sa programa sa Olimpikong 2012.[1] Kasabay sa sopbol at iba pang palakasan, ang beysbol ay isasaalang-alang muli ukol sa pagsasama sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016 sa pagpupulong ng IOC sa Oktubre 2009.[2]
Ito rin ang unang pagkakataon na ang bagong tuntuning hindi karaniwan ng IBAF ay opisyal na nagkabisa.[3] Nanalo ang Timog Korea ng gintong medalya sa isang 3-2 tagumpay na huling laro laban sa Kyuba
Ayos ng paligsahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga walong kuponan ay maglalaban sa paligsahang Olimpiko ng sopbol, at ang paligsahan ay binubuo ng dalawang yugto. Ang yugto ng paunang laro ay sumusunod sa isang anyo ng yugtong dominiko, kung saan ang bawat ng mga kuponan ay naglalaro sa lahat ng mga ibang kuponan nang isang beses. Sumunod nito, ang unang apat na kuponan ay nagpapauna sa isang yugto ng pag-aalis na humahantong sa mga palarong pantanso at panggintong medalya.