Pumunta sa nilalaman

Bibimbap

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bibimbap
Dolsot bibimbap
Pangalang Koreano
Hangul비빔밥
Hanjawala
Binagong Romanisasyonbibimbap
McCune–Reischauerpibimpap

Ang Bibimbap ay isang tanyag na luto ng Korea. Ang salita ay nangangahulugan na literal na "halo-halong bigas". Bibimbap ay sinisilbi sa isang mangkok na nilalaman nito ay mainit-init na bigas, na sa ibabaw ng namul (ginisa at tinimplahang gulay) at gochujang (chili pepper paste o pagkit ng maanghang na paminta). Isang hilaw o pritong itlog at hiwang karne ay karaniwang mga karagdagan. Ang mga laman ng Bibimbap ay hinalo lamang bago kumain. Ito ay maaaring sinisilbi alinman sa malamig o mainit.

Ang mga gulay na karaniwang ginagamit sa mga bibimbap ay hiniwang pahaba na mga pipino, mu (daikon), mga kabute, doraji (ugat ng bulaklak na kuliling, at gim, pati na rin ang espinaka, talbos ng balatong, at gosari (mga tangkay ng bracken pako). Maaaring idagdag ang dubu (tokwa), maaring sariwa o iginisa, o ang isang dahon ng litsugas. Ang manok o pagkaing-dagat ay maaaring ipalit din para sa karne ng baka.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wikibooks
Wikibooks
Ang Wikibooks Cookbook ay may artikulo hinggil sa

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]