Pumunta sa nilalaman

Aklat ni Josue

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Book of Joshua)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ni Josue o Josue[1] ay ang ikaanim na aklat ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya. Nagmula ang pamagat ng librong ito sa pangalan ni Josue, ang humalili kay Moises bilang pinuno ng mga Israelita. Nanggaling ang pangalan Josue sa Hosea na dating tawag kay Josue. Pinalitan ni Moises ang Hosea ng pangalang Yehosua na nangangahulugang "ang Panginoon ang kaligtasan."[1]

Hindi natitiyak ang pangalan at katauhan ng sumulat sa Aklat ni Josue.[1]

Binubuo ang Aklat ni Josue ng tatlong mga bahagi:

  • Pagsakop sa Canan (1, 1-12, 24)
  • Paghahati ng Lupain (13, 1-21, 45)
  • Pagbabalik ng mga Lipi sa Kanluran at Pamamaalam ni Josue (22, 1-24, 33)

Nilalahad sa Aklat ni Josue ang pagkakabihag, pagkakahati, at pagkakasakop ng mga Israelita sa lupaing tinatawag na Canan, sa ilalim ni Josue. Nilalayon ng aklat na bigyan ng patunay ang pagiging matapat ng Diyos sa Israelita, na makakamtan nila ang Lupang Pangako, ang pamana sa kanila ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos, hindi magagapi ng mga Israelita ang mga bansang nasa Canan.[1]

Ayon sa mga iskolar ng Bibliya, ang pigurang si Moises ay hindi totoo at ang salaysay ng paglalakbay ng mga Israelita mula sa Ehipto patungo sa ilang hanggang sa Canaan ay hindi sinusuportahan ng mga ebidensiyang arkeolohikal.[2][3][4][5][6][7] Ayon sa mga iskolar, ang mga Israelita ay hindi galing sa Ehipto kundi nagmula sa Canaan. Gayundin, hindi inaayunan ng mga arkeologo ng Bibliya na sinakop ng mga Israelita ang Canaan gaya ng binabanggit sa Aklat ni Josue dahil walang ebidensiyang arkeolohikal na sumusuporta sa isang digmaan o pananakop. Ayon sa mga arkeologo, ang Canaan ay hindi tinirhan ng mga tao sa sinasabing panahon ng pananakop, pakikidigma at genocide(pagpatay ng buong lahi) ng mga Israelita sa mga mamamayan ng rehiyong ito.[2][8]

Kaugnayan kay Hesus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula sa pangalang Yehosua ni Josue ang pangalan Hesus. Bilang paghahambing, at ayon kay Msgr. Jose C. Abriol, katumbas ng "pananakop ni Josue sa Lupang Pangako" ang "pananakop ni Hesus sa daigdig" na naganap sa pamamagitan ng "Santa Iglesya, patungo sa Langit ng Bayan."[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Josue". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Deconstructing the walls of Jericho". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-21. Nakuha noong 2012-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.nytimes.com/2007/04/03/world/africa/03exodus.html
  4. Who Were the Early Israelites? by William G. Dever (William B. Eerdmans Publishing, Grand Rapids, MI, 2003)
  5. The Bible Unearthed by Neil Asher Silberman and Israel Finkelstein (Simon and Schuster, New York, 2001)
  6. "''False Testament''by Daniel Lazare (Harper's Magazine, New York, May 2002)". Harpers.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-11. Nakuha noong 2010-10-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Archaeology and the Hebrew Scriptures". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-08. Nakuha noong 2012-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Dever, William G. (2002). What Did the Biblical Writers Know and When Did They Know It?. Wm. B. Eerdmans Publishing Company. ISBN 0-8028-2126-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]