Buffalo wing

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Buffalo wing
Homemade buffalo wings.jpg
Isang tasang maanghang na Buffalo wings
Ibang tawagBuffalo chicken wings Chicken wings
CoursePampagana, pangunahing pagkain
LugarEstados Unidos
RehiyonBuffalo, New York
GumawaTeressa at Frank Bellissimo
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapManok, pamintang ccayenne at sarsang maanghang, mantikilya
Cookbook: Buffalo wing sa Wikibooks
  Mga midyang may kaugynayan sa Media: Buffalo wing sa Wikimedia Commons

Ang Buffalo wing ay isang lutò ng manok na nagmula sa Estados Unidos. Ito ay ang pakpak ng manok na karaniwang piniprito nang walang harina at pinapahiran ng siling labuyo na may sukà at mantikilya. Ito ay karaniwang hinahain nang mainit at nang may kasámang kintsay, karot at kesong bughaw o kaya ranch dressing bílang sawsawan.

Ang sukà na may siling labuyo at mantikilya o kayâ margarin ay ang sligang sangkap ng sawsawan na maaaring may mahina, katamtaman, o matinding anghang. Ang pakpak ng manok ay kadalasang binababad sa mantika kapag piniprito (pero minsan ito ay iniihaw o kayâ inihurno) hanggang sa ito ay magkulay-kape. Papatuluin ito pagkatapos, at saká ihahalo sa sarsa at liglig para lubusang mapahiran at mabalot ng sarsa.

Mayroong maraming salaysay kung paano naimbento ang Buffalo wing.


Pagluluto Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagluluto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.