Bundok Natib
Bundok Natib | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 1,253 m (4,111 tal)[1] |
Heograpiya | |
Lokasyon | Bataan, Pilipinas |
Rehiyon | PH-BAN |
Magulanging bulubundukin | Kabundukan ng Zambales |
Heolohiya | |
Edad ng bato | Pliocene to Pleistocene[1] |
Uri ng bundok | Kompositong Bulkan-Caldera |
Arko/sinturon ng bulkan | Kanlurang Bataan |
Huling pagsabog | Di matiyak, tinatayang mula Pleistocene to Holocene |
Ang Bundok Natib ay isang di-aktibong bulkan at caldera na matatagpuan sa lalawigan ng Bataan sa kanlurang Luzon. Ang bulkan ay sumasakop sa hilagang bahagi ng Tangway ng Bataan. Ang mga bundok at mga nakapalibot dito ay isang protektadong lugar, unang ipinahayag noong 1945, bilang Bataan National Park.[2][3]
Mga Aktibidad ng Bulkan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang kasaysayan ng pagsabog ang Bundok Natib. Ayon sa pag-aaral noong 1991 ng (Panum at Rayem), pinapalagay na huling pumuputok ang bulkan noong panahon ng Holocene hanggang Pleystosin.[1] Sa isa pang naunang pag sasaliksik noong 1971 ng (Ebasco Services) ito ay pumutok sa pagitan ng 69,000 + / - 27,000 taong gulang.[1] Ayon sa pag-aaral ni Dr Kevin Rodolfo ng Department of Earth and Environmental Sciences mula sa University of Illinois sa Chicago, nagkaroon pinakahuling pagsabog ang Bundok Natib sa pagitan ng 11,000 at 18,000 taon na ang nakakaraan matapos pag-aralan ang isang sinaunang-panahong pyroclastic flow mula sa ang bulkan papasok sa Subic Bay sa lalawigan ng Zambales.[4]
Sa kasalukuyan ang aktibidad ng Bundok Natib ay pinag-aaralan sa limang maiinit na lugar ng bulkan. Ang maiinit na batis sa Natib caldera ay ang Asin,[1] Mamot, Tigulangin, Uyong at Batis ng Paipit. Ang maiinit na batis ay may temperatura mula 30-56°C, ito ay may mabagal na daloy at may matatagpuang bahagyang alkaline sa tubig nito.[5]
Itinala ng ng Suriang Pilipino ng Bulkanolohiya at Sesmolohiya ang Bundok Natib ng bilang isang posibleng aktibong bulkan.[5]
Heolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karamihan sa mga batong matatagpuan sa Natib ay biotite, hornblende, andesite, hinahalintulad din ang daloy ng dacite at dacitic tuffs sa Bundok Mariveles, sa katimugang bahagi ng Tangway ng Bataan.[5][6]
Ang Natib ay bahagi ng kanlurang Sinturong Mabulkan ng Bataan kung saan kabilang ang aktibong Bundok Pinatubo.[7]
Tignan Din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Natib". Global Volcanism Program. Smithsonian Institution. Nakuha noong 2008-12-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Protected Areas in Region 3" Naka-arkibo 2014-01-09 sa Wayback Machine.. Protected Areas and Wildlife Bureau of the Philippines. Retrieved on 2012-02-21.
- ↑ Mt. Natib" Naka-arkibo 2011-02-04 sa Wayback Machine.. Bataan...Raging Peninsula. Retrieved on 2012-02-21.
- ↑ Cherry (2012-02-03). "Preserve Mt. Natib of Bataan". MyBataan.com. Retrieved on 2012-02-21.
- ↑ 5.0 5.1 5.2 "Natib" Naka-arkibo 2011-10-05 sa Wayback Machine.. Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Retrieved on 2012-02-21.
- ↑ "Mariveles" Naka-arkibo 2011-10-05 sa Wayback Machine.. Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Retrieved on 2012-02-21.
- ↑ "Pinatubo Volcano" Naka-arkibo 2009-01-29 sa Wayback Machine.. Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Retrieved on 2012-02-21.