Pumunta sa nilalaman

Cerezo Osaka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Cerezo Osaka (セレッソ大阪, Seresso Ōsaka) ay isang koponan ng putbol sa bansang Hapon, na kasalukuyang kasama sa ligang J.League.[1] Ang pangalan ng koponan na Cerezo (Kastila para sa puno ng seresa) ay ang opisyal na bulaklak din ng lungsod ng Ōsaka, ang seresang namumulaklak.[2] Ang opisyal na tahanan para sa koponan ay ang lungsod ng Osaka at lungsod ng Sakai.[3]

Nagsimula ang koponan noong 1957 na orihinal na tinatawag bilang Yanmar Diesel at kompanyang koponan ng Yanmar.[4][5][6] Ang koponan din na ito ay orihinal na tagapagtatag ng Japan Soccer League (JSL) na nabuwag na ngayon.[7][8] Sa kabuuang apat na titulo sa ligang Hapon sa kredito nito, ito ang tagapagtaguyod ng JSL hanggang 1990 nang una itong umalis at sumali sa dating Japan Football League (JFL) noong 1992.[9]

Noong 1993, ang koponan ay naging Osaka Football Club Ltd., at kinuha ang pangalang Cerezo pagkatapos ng isang pampublikong patimpalak.[10][11] Ang pangalang cerezo ay seresa sa wikang Kastila na siyang opisyal na bulaklak ng Osaka, ang seresang namumulaklak.[2] Noong 1994, nanalo sila ng kampeonato sa JFL at umangat ang ranggo sa J1 League noong 1995.[7][10] Sumabay rin ito sa pagpasok nila sa finals o pagtatapos ng Emperor's Cup (Kopa ng Emperador) ngunit natalo sila Bellmare Hiratsuka.[12]

Pinaalis ang Cerezo mula sa J1 at J2 ng tatlong beses ngunit kasalukuyan silang naglalaro para sa ligang J1 League.[13] Nakapangatlong puwesto ang koponan nang natapos ang season ng 2017.[14] Nang kaparehong taon, nanalo sila ng J.League YBC Levain Cup, ang unang pangunahing titulo para sa Cerezo Osaka.[15] Ang huling laro nila noong 2017 ay laban sa Kawasaki Frontale.[15]

Noong 1 Enero 2018, nanalo ang Cerezo Osaka ng Emperor's Cup, ang kanilang ikalawang pangunahing titulo.[16] Kalaban nila ang Yokohama F. Marinos sa tunggalian na ito at nanalo ang Cerezo Osaka sa puntos na 2-1.[16] Sa sumunod na buwan, sa 10 Pebrero 2018, nanalo sila sa Fuji Xerox Super Cup at naging kalaban nila ang Kawasaki Frontale muli.[17] Pakalipas ng mga taon, pinalitan nila ang pangalan ng korporasyon mula sa Osaka Soccer Club, Co. Ltd. tungo sa Cerezo Osaka Co., Ltd.[18]

Pangunahing tahanan, kulay, uniporme, kalaban at maskot

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Amagasaki Yanmar Diesel Ground ay ang isa sa mga lugar kung saan nagsasanay ang Cerezo Osaka.

Sa mga lungsod ng Osaka at Sakai sa bansang Hapon ang kanilang pangunahing tahanan.[3] Naglalaro ang koponan sa Istadiyum ng Kincho, kasama ang ilang malalaking mga laro na ginaganap sa Istadiyum ng Nagai ng Yanmar.[19] Nagsasanay ang koponan sa Liwasang Pampalakasan ng Minami Tsumori Sakura sa Pulong Pampalakasan ng Maishima, at sa Amagasaki Yanmar Diesel Ground.[20][21]

Rosas ang kulay ng koponang Cerezo, tulad ng kulay ng ng pamumulakak ng seresa na kung saan nakabatay ang pangalan nito.[13] Asul-marino at itim ang kombinasyong kulay nila.[22] May mga logo ng kanilang isponsor na nakalagay sa kanilang uniporme.[23] Noong panahon na Yanmar Diesel pa sila na naganap noong huling bahagi ng dekada 1970 hanggang kalagitnaan ng dekada 1980, lahat ng uniporme ay kulay pula na nagpapaalala ng Deportivo Toluca.[24]

Ang pinakamalaking katunggali ng Cerezo Osaka ay ang kasamang koponan nito na Gamba Osaka.[25] Tinutukoy na Osaka derby ang paglalaban ng Cerezo Osaka at Gamba Osaka.[26] Isang hayop na lobo ang maskot ng koponan na may pangalang Lobby. Si Madama Lobina naman ang isa pang maskot nila na ina ni Lobby.[27]

Tala bilang kasapi ng J.League

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Season Dib. Kop. Pos.[28] Pagdalo/G[29] J.League Cup[28] Emperor's Cup[28] ACL[28]
1995 J1 14 8 12,097 Ikalawang yugto
1996 J1 16 13 8,229 Yugto ng patanggal Ikaapat na yugto
1997 J1 17 11 9,153 Yugto ng patanggal Ikaapat na yugto
1998 J1 18 9 9,864 Yugto ng patanggal Ikatlong yugto
1999 J1 16 6 10,216 Ikalawang yugto Ikaapat na yugto
2000 J1 16 5 13,548 Ikalawang yugto Sangkapat na pagtatapos
2001 J1 16 16 11,857 Unang yugto Pagtatapos
2002 J2 12 2 7,952 Ikaapat na yugto
2003 J1 16 9 13,854 Yugto ng patanggal Pagtatapos
2004 J1 16 15 14,323 Yugto ng patanggal Ikaapat na yugto
2005 J1 18 5 17,648 Sangkapat na pagtatapos Kalahating-pagtatapos
2006 J1 18 17 13,026 Sangkapat na pagtatapos Ikaapat na yugto
2007 J2 13 5 6,627 Ikaapat na yugto
2008 J2 15 4 10,554 Ikaapat na yugto
2009 J2 18 2 9,912 Ikalawang yugto
2010 J1 18 3 15,026 Yugto ng patanggal Ikaapat na yugto
2011 J1 18 12 14,145 Sangkapat na pagtatapos Kalahating pagtatapos Sangkapat na pagtatapos
2012 J1 18 14 16,815 Sangkapat na pagtatapos Sangkapat na pagtatapos
2013 J1 18 4 18,819 Sangkapat na pagtatapos Ikaapat na yugto
2014 J1 18 17 21,627 Sangkapat na pagtatapos Sangkapat na pagtatapos Ikalabing-anim na yugto
2015 J2 22 4 12,232 Unang yugto
2016 J2 22 4 12,509 Ikatlong yugto
2017 J1 18 3 20,970 Nagwagi Nagwagi
2018 J1 18 7 18,542 Sangkapat na pagtatapos Ikaapat na yugto Yugto ng patanggal
Mga daglat
  • Kop. = Bilang ng mga koponan
  • Pos. = Posisyon sa liga
  • Pagadalo/G = Karniwang pagdalo sa liga

Mga manlalaro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasalukuyang pangkat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Huling naisapanahon noong 11 Hulyo 2019.[30]

Tandaan: Ipinapahiwatig ng mga watawat ang pambansang koponan na binibigay kahulugan ng patakaran sa pagiging karapat-dapat ng FIFA. Maaring higit sa isa ang kabansaan hindi pang-FIFA na mayroon ang isang manlalaro.

Blg. Posisyon Manlalaro
1 Japan GK Kentaro Kakoi
2 Japan DF Riku Matsuda
3 Japan MF Yasuki Kimoto
4 Japan DF Kota Fujimoto
5 Japan MF Naoyuki Fujita
6 Argentina MF Leandro Desábato
7 Japan MF Kota Mizunuma (kasamang-kapitan)
8 Japan MF Yoichiro Kakitani (kasamang-kapitan)
9 Japan FW Ken Tokura
10 Japan MF Hiroshi Kiyotake (kapitan)
11 Brazil MF Souza
13 Japan FW Toshiyuki Takagi
14 Japan DF Yusuke Maruhashi
15 Japan DF Ayumu Seko
16 Japan FW Eiichi Katayama
19 Japan FW Ryuji Sawakami
20 Brazil FW Bruno Mendes (hiniram mula sa Deportivo Maldonado)
Blg. Posisyon Manlalaro
21 South Korea GK Kim Jin-hyeon (kasamang-kapitan)
22 Croatia DF Matej Jonjić
23 Japan DF Tatsuya Yamashita
24 Australia FW Pierce Waring
25 Japan MF Hiroaki Okuno
27 Japan GK Kenta Tanno
28 Japan FW Motohiko Nakajima
29 Japan DF Kakeru Funaki
30 Japan MF Musashi Oyama
32 Japan MF Atomu Tanaka
34 Japan FW Hiroto Yamada
36 Japan MF Toshiki Onozawa
38 Japan MF Masataka Nishimoto (kapitang U-23)
39 Japan MF Mitsuru Maruoka
40 Japan FW Mizuki Ando
45 Japan GK Shu Mogi
51 Japan MF Jun Nishikawa (itinalaga bilang natatanging manlalaro)

Nahiram na mga manlalaro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Huling naisapanahon noong 11 Hulyo 2019.[31]

Tandaan: Ipinapahiwatig ng mga watawat ang pambansang koponan na binibigay kahulugan ng patakaran sa pagiging karapat-dapat ng FIFA. Maaring higit sa isa ang kabansaan hindi pang-FIFA na mayroon ang isang manlalaro.

Blg. Posisyon Manlalaro
17 Japan MF Takaki Fukumitsu
26 Japan MF Daichi Akiyama (sa Montedio Yamagata)
31 Japan FW Towa Yamane (sa Zweigen Kanazawa)
South Korea GK Ahn Joon-soo (sa Kagoshima United FC)
Japan GK Takumi Nagaishi (sa Renofa Yamaguchi FC)
Japan GK Honoya Shoji (sa Oita Trinita)
Blg. Posisyon Manlalaro
Japan DF Reiya Morishita (sa Tochigi SC)
Japan MF Hinata Kida (sa Avispa Fukuoka)
Japan MF Taiga Maekawa (sa Avispa Fukuoka)
Japan MF Hirofumi Yamauchi (sa FC Machida Zelvia)
Japan FW Takeru Kishimoto (sa Tokushima Vortis)

Pangkat na nasa baba ng 23 taong gulang o under-23

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Huling naisapanahon noong 2018.[32]

Tandaan: Ipinapahiwatig ng mga watawat ang pambansang koponan na binibigay kahulugan ng patakaran sa pagiging karapat-dapat ng FIFA. Maaring higit sa isa ang kabansaan hindi pang-FIFA na mayroon ang isang manlalaro.

Blg. Posisyon Manlalaro
33 Thailand FW Tawan Khotrsupho (hiniram ng BG Pathum United)
35 Thailand MF Phongrawit Jantawong (hiniram ng BG Pathum United)
37 Japan DF Temma Nomura
41 Japan MF Nagi Matsumoto
42 Japan FW Shota Fujio
43 Japan DF Ryuya Nishio
Blg. Posisyon Manlalaro
44 Japan DF Taiyo Shimokawa
46 Japan GK Teruki Origuchi
47 Japan GK Go Kambayashi
48 Japan MF Takaya Yoshinare
49 Japan DF Kaito Hayashida
50 Japan MF Riyon Tori

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Cerezo Osaka News and Scores - ESPN". ESPN.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Club Guide Profile, Link sa opisyal na impormasyon ng koponan. (sa ingles)
  3. 3.0 3.1 "CLUBS & PLAYERS : J.LEAGUE.JP". J.LEAGUE.JP JAPAN PROFESSIONAL FOOTBALL LEAGUE (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-03-29. Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Cerezo Osaka lift J-League Cup". France 24 (sa wikang Ingles). 2017-11-04. Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. "THE YANMAR SOCCER STORY". YANMAR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Horne, John; Manzenreiter, Wolfram (2013-01-11). Japan, Korea and the 2002 World Cup (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1-135-14021-2.{{cite book}}: CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Cerezo Osaka|Sponsorship Activities|THE YANMAR SOCCER STORY". YANMAR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. "Japan Soccer | JapanVisitor Japan Travel Guide". www.japanvisitor.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. "セレッソ大阪オフィシャルウェブサイト | Cerezo OSAKA". セレッソ大阪オフィシャルウェブサイト | Cerezo OSAKA (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  10. 10.0 10.1 "Cerezo Osaka". www.jsoccer.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  11. "Cerezo Osaka". Footy at Dawn (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)[patay na link]
  12. "Bellmmare takes Japan's Emperor's Cup". UPI (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  13. 13.0 13.1 "Cerezo Osaka". jsoccer.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. McKirdy, Andrew (2018-01-31). "J. League teams gearing up for early season start" (sa wikang Ingles). Japan Times. Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 "Cerezo claim first title with Levain Cup victory" (sa wikang Ingles). Japan Times. 2017-11-04. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-08-05. Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 "Cerezo Osaka win Emperor's Cup to seal AFC Champions League 2018 berth". the-afc.com (sa wikang Ingles). 2018-01-01. Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Cerezo down Frontale in season-opening Super Cup" (sa wikang Ingles). Japan Times. 2018-02-10. Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  18. "NH Foods - Company History". nipponham.co.jp (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Stadium Information, Link sa mga istadiyum (sa wikang Ingles)
  20. "Maishima Sports Island". osaka-info.jp (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. セレッソ大阪スポーツクラブ, 子どものサッカースクール |. "子どものサッカースクール | セレッソ大阪スポーツクラブ". 子どものサッカースクール | セレッソ大阪スポーツクラブ (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2019-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)[patay na link]
  22. "Cerezo Osaka 2013 Mizuno Home and Away Football Shirts". footballshirtculture.com. Nakuha noong 2019-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "2019 Cerezo Osaka Jersey | Japan Soccer Jersey Store" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  24. "I went to the "Yanmar Museum" where I can experience many experiences such as tractors, construction machines, boat and roof medaka". GIGAZINE (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  25. Gibson, Alan (2014-04-11). "The story behind the Osaka derby | Goal.com". www.goal.com. Nakuha noong 2019-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  26. 大阪観光局© (2018-01-29). "Osaka footBall". OSAKA-INFO (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  27. セレッソ大阪とは (sa wikang wikang Hapones). Cerezo Osaka. Nakuha noong 17 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  28. 28.0 28.1 28.2 28.3 "Cerezo Osaka - Cup history". www.transfermarkt.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  29. "Cerezo Osaka - Change in attendance figures". www.transfermarkt.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  30. "Player/Staff List" (sa wikang Hapones).
  31. "ニュース". セレッソ大阪HP (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 4 Marso 2018. Nakuha noong 10 Enero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Cerezo Osaka U23 - Club profile". www.transfermarkt.cz (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)