Kape
Uri | Karaniwang mainit, maaaring kasinlamig ng yelo |
---|---|
Bansang pinagmulan | Yemen[1] |
Ipinakilala | Ika-15 siglo |
Kasangkapan | Sinangag na buto ng kape |
Ang kape ay isang inumin na hinahanda mula sa mga nilutong butil ng halamang kape. Kulay-dilim, mapait, at medyo maasido, nakapagpapasigla sa mga tao ang kape, pangunahin dahil sa nilalamang kapeina nito. Ito ang pinakamabentang inuming mainit sa pandaigdigang merkado.[2]
Pinaghihiwalay ang mga butil ng mga bunga ng halamang kape upang makayari ng mga hilaw na berdeng butil ng kape. Sinasangag ang mga butil at ginigiling hanggang pinong-pino na tipikal na ibinababad sa mainit na tubig bago salain, na bumubuo sa isang tasa ng kape. Karaniwan itong inihahain nang mainit, ngunit karaniwan din ang kape na pinalamig o kon-yelo. Maaaring ihain at itanghal ang kape sa samu't saring paraan (hal. espresso, kapeterang Pranses, caffè latte, o dinelatang kape na nilaga na). Karaniwang idinaragdag ang asukal, kapalit ng asukal, gatas, at krema upang mawala ang pait o gawing mas masarap ang lasa.
Kahit kinakalakal na ang kape sa buong mundo ngayon, mayroon itong mahabang kasaysayan na may malapit na kaugnayan sa mga tradisyon ng pagkain sa may Dagat Pula. Lumilitaw ang pinakaunang mapagtitiwalaang ebidensya ng pag-iinom ng kape sa modernong anyo sa modernong-panahong Yemen sa timog Arabia sa kalagitnaan ng ika-15 siglo sa mga dambanang Sufi, kung saan unang sinangag at nilaga ang mga butil ng kape sa paraang kahawig sa paghahanda nito ngayon.[3] Nakuha ang mga butil ng kape ng mga Yemeni mula sa Kabundukang Etiyopiyano sa pamamagitan ng mga intermedyaryong Somali sa mga baybayin, at nilinang sa Yemen. Pagsapit ng ika-16 na siglo, umabot ang inumin sa ibang bahagi ng Gitnang Silangan at Hilagang Aprika, at sumunod ang pagkalat sa Europa.
C. arabica at C. robusta ang dalawang pinakatinatanim na halamang kape.[4] Nililinang ang mga halamang kape sa mahigit 70 bansa, lalo na sa mga rehiyong malapit sa ekwador: Kaamerikahan, Timog-silangang Asya, subkontinenteng Indiyo, at Aprika. Kinakalakal ang berdeng, di-sangag na kape bilang kalakal pang-agrikultura. Napakalaki ang industriya ng kape sa mundo na naghalagang $495.50 bilyon pagsapit ng 2023.[5] Sa parehong taon, Brasil ang nanguna sa pagtatanim ng butil ng kape, na bumubuo sa 35% ng ani ng mundo, sinundan ng Biyetnam at Kolombiya. Kahit umaabot ang benta ng kape ng bilyun-bilyong dolyar sa buong mundo, nabubuhay sa kahirapan ang karamihan ng mga mangkakape. Tinukoy rin ng mga kritiko ng industriya ng kape ang negatibong epekto nito sa kapaligiran at ang paghahawan sa lupa para sa pagtatanim ng kape at paggamit nito ng tubig.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hango ang salitang kape sa café ng wikang Kastila,[6] na hango sa caffe ng wikang Italyano, na hango sa kahve (قهوه) ng wikang Turko, na hango naman sa qahwah (قَهْوَة) ng wikang Arabe.[7] Pinaniwalaan ng mga leksikograpo ng Medyebal Arabe na 'alak' o 'bino' ang etimolohiya ng qahwah, dahil sa natatanging madidilim na kulay nito, at hinango sa pandiwang qahiya (قَهِيَ), 'walang gana'.[8] Malamang na 'ang maitim' ang kahulugan ng qahwah, na tumutukoy sa timpla o sa butil; hindi qahwah ang pangalan ng butil, na kilala sa Arabe bilang bunn at būn naman sa mga wikang Kusyita. Nagkaroon din ang mga wikang Semitiko ng ugat na qhh, 'madilim na kulay', na naging natural na pagtatalaga para sa inumin. Kabilang sa mga kognado nito ang Ebreong qehe(h) ('mapurol') at Arameong qahey ('magbigay ng mapaklang lasa').[8] Ngunit ikonekta ito ng mga etimolohista sa isang salita na nangangahulugang "alak", ipinapalagay rin na mula ito sa rehiyon ng Kaffa ng Etiyopiya.[9]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga maalamat na salaysay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming mga anekdotal na kuwento tungkol sa pinagmulan ng kape na walang ebidensya. Sa isang karaniwang alamat na ikinekuwento palagi, unang naobserbahan ni Kaldi, isang Etiyopiyanong pastol ng kambing noong ika-9 na siglo, ang halamang kape matapos makita ang kanyang kawan na pinasigla sa pangunguya sa halaman.[3] Hindi lumitaw itong alamat bago ang 1671, unang ikinuwento ni Antoine Faustus Nairon, isang Maronitang propesor ng mga wikang Oryental at awtor ng isa sa mga unang nalimbag na tratado na nakalaan sa kape, De Saluberrima potione Cahue seu Cafe nuncupata Discurscus (Roma, 1671), na nagpapahiwatig sa malamang na isang apokripa ang kuwento.[10][11][3] Inuukol naman ng isa pang alamat ang pagtuklas ng kape kay isang Sheikh Omar. Nagugutom matapos ipinatapon mula sa Mokha, nakahanap si Omar ng mga beri. Pagkatapos niyang subukan na nguyain at ibusa, pinakuluan ang mga ito ni Omar, na nagbunga ng likido na nagpasigla at nagpasustento sa kanya.[12]
Pagkalat sa kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumitaw ang pinakaunang kapani-paniwalang ebidensya ng pag-iinom ng kape o kaalaman tungkol sa punong kape noong kalagitnaan ng ika-15 siglo sa mga salaysay ni Ahmed al-Ghaffar sa Yemen,[3] kung saan unang ibinusa at ibinru ang mga butil ng kape sa paraang magkahawig sa paraan kung paano ito inihahanda ngayon. Ipinanggising ang kape ng mga Sufi para manatiling gising sa mga kanilang ritwal sa relihiyon.[13] Nag-iiba ang mga salaysay sa pinagmulan ng halamang kape bago ito lumitaw sa Yemen. Mula Etiyopiya, maaaring ipinakilala ang kape sa Yemen sa pagkakalakal nito sa may Dagat Pula.[14] Inukol ng isang salaysay si Muhammad Ibn Sa'd sa paghahatid ng inumin sa Aden mula sa mga baybayin ng Aprika,[15] sinasabi naman ng mga ibang paunang salaysay ni si Ali ben Omar ng ordeng Shadhili ng mga Sufi ang unang nagpakilala ng kape sa Arabya.[15][16]
Itinala ni Ibn Hajar al-Haytami, isang iskolar ng Islam noong ika-16 na siglo, sa kanyang mga sulat na may nabuong inumin na tinawag na qahwa na inihanda mula sa isang puno sa rehiyong Zeila sa Sungay ng Aprika.[13] Iniluwas ang kape mula Etiyopiya pa-Yemen ng mga Somaling mangangalakal mula sa Berbera at Zeila sa Somaliland ng modernong panahon, na nakuha mula sa Harar at mula sa interyor ng Abisinya. Ayon kay Kapitan Haines, na naging kolonyal na administrador ng Aden (1839–1854), nag-angkat dati ang Mokha ng hanggang dalawang katlo ng kanilang kape mula sa mga mangangalakal mula sa Berbera bago ang kalakalan ng kape ng Mokha ay sinakop ng Aden na kontrolado ng mga Britano noong ika-19 na siglo. Pagkatapos noon, iniluwas karamihan ng kapeng Etiyopiyano patungo sa Aden sa pamamagitan ng Berbera.[17]
Pagsapit ng ika-16 na siglo, dumating ang kape sa mga iba pang bahagi ng Gitnang Silangan at Hilagang Aprika.[18] Ipinuslit ang mga unang butil ng kape palabas ng Gitnang Silangan ni Sufi Baba Budan mula Yemen patungo sa Indiya sa panahong iyon. Bago noon, pinakuluan o kung hindi man ay istinerilisa ang lahat ng iniluwas na kape. Inilalarawan si Baba Budan sa mga litrato bilang nagpuslit ng pitong butil ng kape sa pagbigkis ng mga ito sa kanyang dibdib. Unang itinanim ang mga halaman mula sa mga ipinuslit na binhi na ito sa Mysore.
Noong 1583, inilarawan ni Leonhard Rauwolf, isang Alemanong mediko, nang ganito ang kape pagkatapos bumalik mula sa sampung-taong paglalakbay sa Malapit na Silangan:
Isang inuming kasing-itim ng tinta, kapaki-pakinabang laban sa maraming sakit, lalo sa mga sakit sa tiyan. Iniinom ito ng mga konsumidor sa umaga, tapatan, sa isang tasang porselana na ipinapasa-pasa at pinag-iinuman ng bawat isa ng tasang puno. Binubuo ito ng tubig at ng prutas mula sa isang palumpong na tinatawag na bunnu.
— Léonard Rauwolf, Reise in die Morgenländer (sa Aleman)
Dahil sa lumalagong kalakalan ng Venecia, Hilagang Aprika, at Gitnang Silangan (Imperyong Otomano noon), maraming kalakal ang nadala, kabilang dito ang kape, sa daungan ng Venecia. Mula sa Venecia, ipinakilala ito sa iba pang bahagi ng Europa. Mas tinanggap ang kape matapos itong ituring na inuming Kristiyano ni Papa Clemente VIII noong 1600, sa kabila ng mga apela na pagbawalan ang "inuming Muslim". Binuksan ang unang kapihan sa Europa sa Venecia noong 1647.[19]
Bilang angkat-kolonyal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kompanyang Olandes ng Silangang Indiya ang unang nag-angkat ng kape nang malawakan.[20] Kalaunan, nagpatanim ang mga Olandes sa Java at Ceylon.[21] Naganap noong 1711 ang unang luwas ng kapeng Indones mula sa Java patungo sa Olandes.[22]
Sa pagsisikap ng Kompanya sa Silangang Indiya, sumikat din ang kape sa Inglatera. Sa entrada sa talaarawan noong Mayo 1637, itinala ni John Evelyn ang pagtitikim sa inumin sa Oxford, Inglatera, kung saan ito idinala ng isang mag-aaral ng Kolehiyong Balliol mula sa Creta na ipinangalang Nathaniel Conopios ng Kreta.[23][24] Umiiral pa rin ngayon ang Queen's Lane Coffee House ng Oxford, na itinatag noong 1654. Ipinakilala ang kape sa Pransiya noong 1657 at sa Austriya at Polonya pagkatapos ng Digmaan ng Viena ng 1683, kung kailan nakumpiska ang kape mula sa suplay ng mga natalong Turko.[25]
Noong dumating ang kape sa Hilagang Amerika noong panahong Kolonyal, hindi ito pumatok masyado sa una kumpara sa Europa, dahil nanatiling mas sikat ang mga inuming nakakalasing. Noong Digmaang Mapanghimagsik, tumaas nang labis ang demand para sa kape na itinago ng mga negosyante ang kanilang napakakulang na suplay at itinaas nila nang todo ang mga presyo; naging sanhi rin ito ng nabawasang suplay ng tsaa mula sa mga negosyanteng Briton,[26] at naging resolusyon ng maraming Amerika ang pag-iiwas sa pag-iinom ng tsaa kasunod ng Piyesta ng Tsaa sa Boston ng 1773.[27] Pagkatapos ng Digmaan ng 1812, kung kailan pinutol nang pansamantala ang akses sa mga angkat na tsaa, naging mas mahilig sa kape ang mga Amerikano.
Noong ika-18 siglo, humina ang pagkonsumo ng kape sa Britanya, napalitan ng pag-iinom ng tsaa. Mas madaling ihanda ang tsaa at naging mas mura dahil sa pananakop ng mga Briton sa Indiya at ang industriya ng tsaa roon.[28] Noong Panahon ng Layag, ang mandaragat na nakasakay sa mga barko ng Marino Real ng Britanya ay gumawa ng halinhan ng kape sa pagtutunaw ng sunog na tinapay sa mainit na tubig.[29]
Nagdala si Gabriel de Clieu, isang Pranses, ng halamang kape sa teritoryang Pranses na Martinika sa Karibe noong d. 1720,[30] kung saan nagmula ang karamihan sa nililinang na kapeng arabica sa mundo. Lumago ang kape sa klima at ipinarating sa Kaamerikahan.[31] Nilinang ang kape sa Saint-Domingue (Haiti na ngayon) mula 1734, at pagsapit ng 1788 nagsuplay ito ng kalahati ng kape ng mundo.[32] Naging salik ang mga kondisyon ng pagtatrabaho ng mga alipin sa mga plantasyon ng kape sa malapit nang sumunod na Rebolusyon ng Haiti. Hindi kailanman nakabangon nang lubusan ang industirya ng kape roon.[33] Muling nabuhay ito nang saglit noong 1949 noong naging ikatlong pinakamalaking tagaluwas ng kape sa mundo ang Haiti, ngunit mabilis itong humina pagkatapos noon.
Maramihang paggawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Samantala, ipinakilala ang kape sa Brasil noong 1727, ngunit hindi sumigla ang kultibasyon nito hanggang sa kanilang kalayaan noong 1822.[34] Pagkatapos ng panahong ito, mararami ang kinalbong kagubatan para sa mga taniman ng kape, una sa may Rio de Janeiro at kalaunan sa may São Paulo.[35] Mula sa halos walang luwas ng kape noong 1800, ang Brasil ay naging importanteng prodyuser sa rehiyon noong 1830, at naging pinakamalaking prodyuser sa mundo pagsapit ng 1852. Noong 1910–1920, iniluwas ng Brasil ang halos 70% ng kape sa mundo, 15% ang iniluwas ng Kolombya, Guwatemala, at Benesuwela, at mas mababa pa sa 5% ang iniluwas ng Lumang Mundo.[36]
Nag-umpisang magtanim ng kape ang maraming bansa sa Gitnang Amerika sa huling kalahati ng ika-19 na siglo, at halos kasangkot lahat sa malawakang pagpapaalis at pagsasamantala ng mga katutubong tao.[kailangan ng sanggunian] Humantong ang malupit na kalagayan sa maraming paghihimagsik, kudeta, at madugong panunupil sa mga magsasaka.[37] Kosta Rika ang kapansin-pansing eksepsiyon, kung saan humadlang ang kakulangan sa manggagawa sa pagbubuo ng mga malalaking sakahan. Nabawasan ang kaguluhan noong ika-19 at ika-20 siglo dahil sa mas maliliit na sakahan at mas makapantay na kondisyon.[38]
Natumbasan ang mabilis na pagtaas ng produksiyon ng kape sa Timog Amerika noong ikalawang kalahati ng ika-19 na siglo ng pagtaas sa pagkonsumo sa mga bansang maunlad, lalo na sa Estados Unidos, kung saan hindi lang mataas ang antas ng paglaki ng populasyon, dumoble rin ang konsumpsiyon kada tao mula 1860 hanggang 1920. Kahit hindi Estados Unidos ang pinakamalakas na bansa sa pag-iinom ng kape noong panahong iyon (halos katumbas o mas malakas pa ang pagkonsumo kada tao ng Belhika, Olanda at mga bansang Nordiko noon), dahil sa sobrang laki nito, ito ang naging pinakamalaking konsyumer ng kape sa mundo pagsapit ng 1860, at, pagsapit ng 1920, halos kalahati ng kape na naprodyus sa buong mundo ay nainom sa Amerika.[36]
Naging mabiling pananim ang kape para sa maraming bansang umuunlad. Mahigit isang daang milyong tao sa mga bansang umuunlad ang umaasa sa kape bilang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kita. Naging pangunahing luwas at pundasyo ng ekonomiya ng mga bansang Aprikano tulad ng Uganda, Burundi, Rwanda, at Etiyopiya,[39] pati na rin ang maraming bansa sa Gitnang Amerika.
Biolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilang espesye ng palumpong sa genus Coffea ang nagmumunga ng mga beri na pinagkukunan ng kape. Coffea canephora (lalo na ang baryasyon na kilala bilang 'robusta') at C. arabica ang dalawang pangunahing espesye na nililinang para maibenta.[40] Katutubo ang C. arabica, ang pinakapinahahalagahang esepsye, sa timog-kanlurang paltok ng Etiyopiya at ang Talampas Boma sa timog-silangang Sudan at Bundok Marsabit sa Hilagang Kenya.[41] Katutubo ang C. canephora sa kanluran at gitnang Subsaharyanang Aprika, mula Guinea hanggang Uganda at timog Sudan.[42] Kabilang sa mga di-gaanong sikat na espesye ang C. liberica, C. stenophylla, C. mauritiana, at C. racemosa.
Nakauri ang lahat ng mga halamang kape sa pamilyang Rubiaceae. Lagi-lunting palumpong o puno ang mga ito na maaaring lumaki sa hanggang 5 m (15 tal) kapag hindi pinutulan. Matingkad na berde at makintab ang mga dahon, kadalasang may haba na 10–15 cm (4–6 pul) at lapad na 6 cm (2.4 pul), simple, buo, at magkasalungat. Nagsasama ang mga dahuntangkay ng magkasalungat na dahon sa pundasyon upang makabuo ng mga dahundahunang interpesyolar, isang katangian ng Rubiaceae. Biklatan ang mga bulaklak, at sabay-sabay namumukadkad ang mga kumpol ng mabagong puting bulaklak. Binubuo ng mababang obaryo ang hineseo, isa pang katangian ng Rubiaceae. Sinusundan ang mga bulaklak ng mga obalong beri na halos 1.5 cm (0.6 pul).[43] Kapag hilaw pa, kulay-berde ang mga ito, tapos dumidilaw kapag humihinog, tapos kumikrimson bago umitim kapag natuyo. Karaniwan, may dalawang binhi sa bawat beri, ngunit sa 5–10% ng mga beri[44] isa lang ang binhi; karakol o peaberry ang tawag sa mga ito.[45] Nahihinog ang mga bering Arabica pagkatapos ng anim hanggang walong buwan, habang siyam hanggang labing-isang buwan naman para sa robusta.[46]
Kadalasang nambubulo ng sarili ang Coffea arabica, kaya karaniwang pare-pareho ang mga punla at kaunti lamang ang pagkakaiba sa mga halamang magulang. Samantala, hindi ito kayang gawin ng Coffea canephora at C. liberica, at kailangan ng mambulo sa ibang halaman. Ibig sabihin nito na kailangang palaganapin sa behetatibong paraan ang mga anyo at hibrid na mapapakinabangan [47] Pagpuputol, paghuhugpong, at pag-uusbong ang mga karaniwang paraan ng behetatibong pagpaparami.[48] Sa kabilang dako, may malaking saklaw para mag-eksperimento sa paghahanap ng mga bagong lahi.[47]
-
Larawan ng halamang Coffea arabica at mga binhi nito
-
Mga bulaklak ng Coffea robusta
-
Puno ng Coffea arabica na namumulaklak
-
Mga beri ng Coffea arabica sa palumpong
Pagtatanim at produksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa tradisyonal na paraan ng pagtatanim ng kape, inilalagay ang 20 buto sa bawat butas sa simula ng tag-ulan. Sa pamamaraang ito, nasasayang ang 50% ng potensiyal ng mga binhi, dahil halos kalahati ang hindi sumisibol. May mas epektibong proseso ng pagtatanim ng kape, mula sa Brasil, kung saan ipinapalaki ang mga punla sa mga alagaan at itinatanim sa labas pagkatapos ng anim hanggang labindalawang buwan. Kadalasan, iniinterkrop ang kape sa mga ibang pananim na pagkain, tulad ng mais, bins, o palay sa mga unang taon ng pagtatanim habang nagiging pamilyar ang mga magsasaka sa mga kinakailangan nito.[43] Tumutubo ang mga halamang kape sa tiyak na lugar sa gitna ng mga tropiko ng Kanser at Kaprikorn.[49]
Pagsapit ng 2021, wala pang sintetikong kape na mabibili sa publiko ngunit naiulat na nakaprodyus ang ilang kompanyang pambiyoekonimya ng mga unang talaksan na lubos na magkatulad sa antas molekular at malapit nang gawing komersiyal.[50][51][52]
Mga baryasyon ng espesye
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa dalawang espesye na pangunahing itinatanim, mas mataas ang tingin sa kapeng arabika (mula sa C. arabica) kaysa sa kapeng robusta (mula sa C. canephora). Waring mapait at mas kaunti ang lasa ng kapeng robusta ngunit mas buo ang lasa kumpara sa arabika. Iyan ang mga dahilan kung bakit nagbubuo ang C. arabica ng halos tatlong-kapat ng itinatanim na kape sa buong mundo.[40] Mas mataas nang halos 40–50% ang nilalamang kapeina ng mga uring robusta kumpara sa arabika.[53] Dahil dito, ginagamit itong espesye bilang murang kapalit para sa arabika sa maraming komersiyal na timpla ng kape. Ginagamit ang de-kalidad na butong robusta sa mga tradisyonal na timpla ng Italyanong espresso para magkaroon ng buo-buong lasa at mas magandang bula sa ibabaw (kilala bilang crema).
Mga paraan ng paghahanda ng kape
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming paraan ng paghahanda ng kape, at hindi lahat ay dumaraan sa proseso ng brewing na siyang karaniwang ginagawa. Halimbawa ang kapeng Turko na tanyag sa mga bansa sa Gitnang Silangan. Ang pagkulo ng pinulbos na kape sa ibrik, isang natatanging lalagyan, ang paraan ng paggawa ng kapeng ito.
Ang pag-brew ng kape ay iba-iba rin, depende sa tradisyon ng isang bansa. Tanyag sa ngayon ang awtomatikong pagpatak na pag-brew, gamit ang mga panggawa ng kape (coffee maker). Kapuna-puna ang amoy kuryenteng lasa ng kape lalo na sa mga mumurahing awtomatikong panggawa ng kape.
Para sa mga mahihilig sa kape, mainam ang manu-manong paghanda ng kape. Nariyan ang paraang manwal na pagpatak, kung saan pinakukuluan muna ang tubig bago ibuhos ng dahan-dahan sa carafe. Mas mainam ito dahil kontrolado ng gumagawa ang kanyang kape. Sikat din ang French press o Coffee Plunger. Mas matapang at mas malasa ang nagagawa nitong kape dahil nasasama sa inumin ang langis at bango mula sa mga katas ng beans. Iyon nga lamang, hindi ganoon kalinaw at kalinis ang nagagawang kape gamit ang paraan na ito.
Sikat rin ang mga 'percolator at makinang pang-espresso na mas nakakagawa ng matapang na kape. Gumagamit ng kaparaanang vacuum ang espresso at makinang lalagyan ng mocha. Ang pinakasimpleng paggawa ng kape ay ibuhos ang mainit na tubig sa giniling na kape at hayaang lumubog ang mga ground.
Nariyan din ang madaliang kape (instant coffee), na maaaring pulbo o likido. Pero ang lasa nito, bagamat pwedeng dagdagan ang tapang, ay kulang sa aroma di tulad sa kapeng brewed.
Alternatibong kape
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaari ring gumawa ng inuming "kape" mula sa tinustang mga butil ng bigas (kapeng bigas).
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ * Ukers, William Harrison (1922). All About Coffee [Lahat Tungkol sa Kape] (sa wikang Ingles). Tea and Coffee Trade Journal Company. p. 5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)- Johns Hopkins University Studies in Historical and Political Science [Mga Pag-aaral ng Unibersidad ni Johns Hopkins ukol sa Agham Pangkasaysayan at Pampulitika] (sa wikang Ingles). Johns Hopkins University Press. 1967. p. 25.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Elzebroek, A. T. G. (2008). Guide to Cultivated Plants [Gabay sa Mga Nililinang na Halaman] (sa wikang Ingles). CABI. p. 7. ISBN 978-1-84593-356-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Johns Hopkins University Studies in Historical and Political Science [Mga Pag-aaral ng Unibersidad ni Johns Hopkins ukol sa Agham Pangkasaysayan at Pampulitika] (sa wikang Ingles). Johns Hopkins University Press. 1967. p. 25.
- ↑ "Global Hot Drinks Market Size, Share | Industry Trends Report, 2025" [Pandaigdigang Sukat at Bahagi ng Merkado ng Mga Maiinit na Inumin | Ulat sa Mga Uso sa Industriya, 2025]. www.grandviewresearch.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Weinberg & Bealer 2001, pp. 3–4
- ↑ "A Guide To Different Types Of Coffee Beans, Roasts & Drinks" [Isang Gabay sa Mga Iba't Ibang Uri ng Buto, Sangag & Inuming Kape] (sa wikang Ingles). 2021-08-13. Nakuha noong 2023-01-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "33+ Buzzing Coffee Industry Statistics [2023]: Cafes, Consumption, And Market Trends" [33+ Sabik na Estadistika sa Industriya ng Kape [2023]: Kapihan, Pagkonsumo, At Mga Uso sa Merkado]. Zippia (sa wikang Ingles). 2023-03-19. Nakuha noong 2023-12-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "kape - Diksiyonaryo". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 12 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "café". dle.rae.es (sa wikang Kastila). Nakuha noong 12 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Kaye, Alan S. (1986). "The Etymology of "Coffee": The Dark Brew" [Ang Etimolohiya ng Kape]. Journal of the American Oriental Society (sa wikang Ingles). 106 (3): 557–558. doi:10.2307/602112. ISSN 0003-0279. JSTOR 602112.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "coffee | Etymology, origin and meaning of coffee by etymonline". www.etymonline.com (sa wikang Ingles).
- ↑ Noted by H. F. Nicolai, Der Kaffee und seine Ersatzmittel: Volkshygienische Studie [Ang Kape at mga Kapalit Nito: Pag-aaral sa kalinisan ng mga taong-bayan] (sa wikang Aleman), (Brunswick, 1901) ch. 1 "Geschichtliches über den Kaffee" pa. 4 tala 1.
- ↑ Banesio, Fausto Naironio (1671). De saluberrima potione cahue, seu cafe nuncupata discursus Fausti Naironi Banesii Maronitae, linguae Chaldaicae, seu Syriacae in almo vrbis archigymnasio lectoris ad eminentiss. ... D. Io. Nicolaum S.R.E. card. . (sa wikang Latin). Typis Michaelis Herculis.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ukers, William (1935). All About Coffee [Lahat Tungkol sa Kape] (sa wikang Ingles). New York: Tea & Coffee Trade Journal Company. pp. 9–10.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 Houtsma, M. Th.; Wensinck, A. J.; Arnold, T. W.; Heffening, W.; Lévi-Provençal, E., mga pat. (1993). "Ḳawah". First Encyclopedia of Islam. Bol. IV. E.J. Brill. p. 631. ISBN 978-90-04-09790-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2022. Nakuha noong 11 Enero 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Souza 2008, p. 3.
- ↑ 15.0 15.1 Hattox, Ralph S. (1985). Coffee and coffeehouses: The origins of a social beverage in the medieval Near East [Kape at kapihan: Ang pinagmulan ng inuming pang-usapan sa medyebal na Silangang Malapit] (sa wikang Ingles). University of Washington Press. p. 14. ISBN 978-0-295-96231-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2022. Nakuha noong 6 Oktubre 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Burton, Richard F. (1856). First footsteps in East Africa [Mga unang yapak sa Silangang Aprika] (sa wikang Ingles). London: Longman. p. 78.
ali omar coffee yemen.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ R. J., Gavin (1975). Aden Under British Rule, 1839–1967 [Aden sa ilalim ng Pamamahalang Britano, 1839–1967] (sa wikang Ingles). C. Hurst & Co. Publishers. p. 53.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wild, Antony (2004). Coffee: A Dark History [Kape: Isang Madilim na Kasaysayan] (sa wikang Ingles). Fourth Estate. pp. 52–53. ISBN 978-1-84115-649-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History of Viennese coffee house culture" [Kasaysayan ng kulturang kapihan ng Viena]. www.wien.gv.at (sa wikang Ingles).
- ↑ Ukers, William H. (1922). "The Introduction of Coffee into Holland". All About Coffee [Lahat Tungkol sa Kape] (sa wikang Ingles). New York: Tea and Coffee Trade Journal. ISBN 978-0-8103-4092-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Setyembre 2010. Nakuha noong 12 Pebrero 2010.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dobelis, Inge N., pat. (1986). Magic and medicine of plants [Ang mahika at medisina ng halaman] (sa wikang Ingles). Pleasantville, NY: Reader's Digest. pp. 370–71. ISBN 978-0-89577-221-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fischer, Dieter. "History of Indonesian coffee" [Kasaysayan ng Kapeng Indones] (sa wikang Ingles). Specialty Coffee Association of Indonesia. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Agosto 2009. Nakuha noong 12 Pebrero 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Caffeine and plants prototype page". Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2022. Nakuha noong 23 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Diary of John Evelyn (various editions)
- ↑ Pendergrast 2001, p. 9.
- ↑ Pendergrast 2001, p. 39.
- ↑ (1) Adams, John (6 Hulyo 1774). "John Adams to Abigail Adams" [John Adams hanggang Abigail Adams]. The Adams Papers: Digital Editions: Adams Family Correspondence, Volume 1 (sa wikang Ingles). Massachusetts Historical Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2014. Nakuha noong 25 Pebrero 2014.
Naniniwala akong nakalimutan kong sabihin sa iyo ang isang Anekdota: Nang una akong dumating sa bahay, Dapit-hapon na, at 35 milya o higit pa akong nakasakay. "Ginang" sabi ko kay Gng. Huston, "kaayon ba ng kautusan na pawiin ng pagod na Manlalakbay ang kanyang sarili gamit ang Tasa ng Tsaa kung tapat itong napuslit o hindi nabayaran ng Buwis?"
"Hindi ginoo, ang kanyang sinabi, itinakwil namin ang lahat ng Tsaa sa Lugar na ito. Hindi ako makakagawa ng Tsaa, ngunit gagawan kita ng Kape." Alinsunod dito, umiinom ako ng Kape bawat Hapon mula noon at natitiisan ko. Dapat itakwil ng lahat ang Tsaa. Dapat masanay ako, at mas mabuti habang mas maaga. (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
(2) Stone, William L. (1867). "Continuation of Mrs. General Riedesel's Adventures". Mrs. General Riedesel: Letters and Journals relating to the War of Independence and the Capture of the Troops at Saratoga (Translated from the Original German) [Gng. General Riedesel: Mga Lihim at Tala ukol sa Digmaan ng Kalayaan at Pagbihag ng mga Tropa sa Saratoga (Isinalinwika mula sa Orihinal na Aleman)] (sa wikang Ingles). Albany: Joel Munsell. p. 147. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Setyembre 2015. Nakuha noong 27 Hunyo 2015.Lumambot ang kanyang puso, at nag-alok siya ng tinapay at gatas. Gumawa ako ng tsaa para sa amin. Matagal na kaming tinitingnan ng babae, dahil gustung-gusto ito ng mga Amerikano; ngunit ipinangako nila na hindi na ito iinumin, dahil naging sanhi ng digmaan ang sikat na buwis sa tsaa. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Sa Google Books. Tandaan: Si Fredricka Charlotte Riedesel ang asawa ni Heneral Friedrich Adolf Riedesel, komandante ng lahat ng tropang Aleman ang Indiyano sa kampanya ni Heneral John Burgoyne sa Saratoga at Amerikanong bilanggo ng digmaan noong Rebolusyong Amerikano.
(3) Heiss, Mary Lou; Heiss, Robert J. (2007). "A History of Tea: The Boston Tea Party". The Story of Tea: A Cultural History and Drinking Guide [Ang Kuwento ng Tsaa: Isang Kasaysayan ng Kultura at Gabay sa Pag-iinom] (sa wikang Ingles). Clarkson Potter/Ten Speed. pp. 21–24. ISBN 978-1-60774-172-5. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Oktubre 2015. Nakuha noong 18 Nobyembre 2015.{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) At Google Books.
(4) Zuraw, Lydia (24 Abril 2013). "How Coffee Influenced The Course of History" [Paano Inimpluwensiyahan ng Kape Ang Takbo ng Kasaysayan] (sa wikang Ingles). NPR. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2014. Nakuha noong 25 Pebrero 2014.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
(5) DeRupo, Joseph (3 Hulyo 2013). "American Revolution: Stars, Stripes—and Beans" [Rebolusyong Amerikano: Mga Bituin, Guhit-Guhit—at Bins]. NCA News. National Coffee Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2014. Nakuha noong 25 Pebrero 2014.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
(6) Luttinger, Nina; Dicum, Gregory (2006). The coffee book: anatomy of an industry from crop to the last drop [Ang aklat ng kape: anatomiya ng isang industriya mula pananim hanggang huling patak] (sa wikang Ingles). The New Press. p. 33. ISBN 978-1-59558-724-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Agosto 2022. Nakuha noong 18 Nobyembre 2015 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pendergrast 2001, p. 13.
- ↑ Fremont-Barnes, Gregory (2005). Nelson's Sailors [Mga Manlalayag ni Nelson] (sa wikang Ingles). Osprey Publishing. p. 24. ISBN 978-1-84176-906-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2015. Nakuha noong 18 Nobyembre 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lacour, Auguste (1855). Histoire de la Guadeloupe 1635–1789 [Kasaysayan ng Guadeloupe 1635–1789] (sa wikang Pranses). Bol. 1. Basse-Terre, Guadeloupe. p. 235ff. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ Pendergrast 2001, p. 14.
- ↑ Pendergrast, Mark (2010). Uncommon Grounds: The History of Coffee and How It Transformed Our World. Basic Books. p. 17. ISBN 978-0-465-02404-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Oktubre 2015. Nakuha noong 18 Nobyembre 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pendergrast 2001, p. 16.
- ↑ Pendergrast 2001, p. 19.
- ↑ Pendergrast 2001, pp. 20–24.
- ↑ 36.0 36.1 "The production and consumption of coffee" [Ang produksiyon at pagkonsumo ng kape] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Setyembre 2015. Nakuha noong 26 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pendergrast 2001, pp. 33–34.
- ↑ Pendergrast 2001, pp. 35–36.
- ↑ Cousin, Tracey L. (Hunyo 1997). "Ethiopia Coffee and Trade". American University. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Mayo 2015. Nakuha noong 18 Pebrero 2016.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 40.0 40.1 "Botanical Aspects" [Mga Aspetong Botanikal] (sa wikang Ingles). London: International Coffee Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Marso 2009. Nakuha noong 4 Enero 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "ICO" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ Anthony F, Berthaud J, Guillaumet JL, Lourd M. "Collecting wild Coffea species in Kenya and Tanzania" [Pagkokolekta ng mga ligaw na espesye ng Coffea sa Kenya at Tansaniya]. Plant Genetic Resources Newsletter (sa wikang Ingles). 69 (1987): 23–29.
- ↑ van der Vossen, H. A. M. sa Clifford & Wilson 1985 , pa. 53
- ↑ 43.0 43.1 Duke, James A. (1983). "Coffea arabica L" (sa wikang Ingles). Purdue University. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Pebrero 2010. Nakuha noong 4 Enero 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Feature Article: Peaberry Coffee". Acorns. 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 7, 2010. Nakuha noong 4 Enero 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hamon, S.; Noirot, M.; Anthony, F. (1995). "Developing a coffee core collection using the principal components score strategy with quantitative data" [Pagbubuo ng saligang koleksiyon ng kape gamit ang estratehiya ng pag-iiskor sa mga pangunahing sangkap na may kuwantitatibong datos] (PDF). Core Collections of Plant Genetic Resources (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2009. Nakuha noong 4 Enero 2010.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pradeepkumar, T.; Kumar, Pradeep (2008). Management of Horticultural Crops: Vol.11 Horticulture Science Series: In 2 Parts [Pag-aasikaso sa Mga Pananim na Hortikultural: Bol. 11 Serye ng Agham Hortikultura: Sa 2 Bahagi] (sa wikang Ingles). New India Publishing. pp. 601–. ISBN 978-81-89422-49-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2015. Nakuha noong 27 Hunyo 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 47.0 47.1 Wilson, K. C. sa Clifford & Wilson 1985 , mga pa. 158.
- ↑ Wilson, K. C. sa Clifford & Wilson 1985 , mga pa. 161–62.
- ↑ "Major coffee producers" [Mga pangunahing prodyuser ng kape]. National Geographic (sa wikang Ingles). 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Setyembre 2015. Nakuha noong 25 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lavars, Nick (20 Setyembre 2021). "Lab-grown coffee cuts out the beans and deforestation" [Sa tubong-lab na kape, wala nang butil at pagkakalbo ng gubat]. New Atlas (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2021. Nakuha noong 18 Oktubre 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sustainable coffee grown in Finland – | VTT News" [Sustenableng kapeng itinanim sa Pinlandiya – | VTT News]. vttresearch.com (sa wikang Ingles). 15 Setyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Oktubre 2021. Nakuha noong 18 Oktubre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Eco-friendly, lab-grown coffee is on the way, but it comes with a catch" [Paparating na ang makakalikasan, tubong-lab na kape, ngunit may problema]. The Guardian (sa wikang Ingles). 16 Oktubre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Oktubre 2021. Nakuha noong 26 Oktubre 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Belachew, Mekete (2003). "Coffee" [Kape]. Sa Uhlig, Siegbert (pat.). Encyclopaedia Aethiopica (sa wikang Ingles). Bol. 1. Wiesbaden: Harrassowitz. p. 763.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)