Pumunta sa nilalaman

Bersa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Collard green)
Huwag itong ikalito sa berso.
Bersa
Brassica oleracea var. palmifolia.
EspesyeBrassica oleracea
Pangkat ng kultibarPangkat Acephala
PinagmulanHindi alam
Mga kasapi ng pangkat ng kultibarMarami, at may ilang nakikilala sa ibang mga katawagan.

Ang mga bersa, lunting kolardo, o kales[1] (Ingles: collard greens; Kastila: berza o col (pati sa ibang mga bansang nagsasalita ng Espanyol; Galego: verza) ay ang sari-saring mga kultibar na may maluluwag na mga dahon ng Brassica oleracea (Pangkat Acephala), ang kaparehong mga uri na pinagmulan ng repolyo at ng brokoli. Pinatutubo ang mga halamang ito dahil sa angkin nitong malalaki, maiitim, at nakakaing mga dahon. Pangunahing ginagamit din itong palamuting halaman sa mga halamanan sa Brasil (tinatawag doon na couve), Portugal (kilala bilang couve-galega), Katimugang Estados Unidos, maraming mga bahagi ng Aprika, Montenegro (kilala bilang Raštan), Espanya, at sa Kashmir (kilala bilang haak). Tinatawag itong kovi o kobi sa Kabo Berde. Nagmula ang pangalan nito sa Ingles na collard mula sa Angglo-Saksong colewort o colewyrt na may ibig sabihing ("halamang repolyo"). Kinaklasipika ang mga ito sa katulad na pangkat ng mga kultibar ng mga kale at mga lunti ng tagsibol.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Collard - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

HalamanPagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.