Pumunta sa nilalaman

Ctenophora

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ctenophore)

Ctenophora
Temporal na saklaw: Kambriyano – Kamakailan.
"Ctenophorae" mula sa Kunstformen der Natur ni Ernst Haeckel, 1904
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Subregnum: Eumetazoa
Kalapian: Ctenophora
Eschscholtz, 1829
Klase

Tentaculata
Nuda

Ang Ctenophora (play /tɪˈnɒfərə/; ctenophore, /ˈtɛnəfɔər/ or /ˈtnəfɔər/ kung isahan, at hindi binabanggit ang titik c sa maramihan man o isahan mang anyo; buhat sa Griyegong κτείς kteis 'suklay' at φέρω pherō 'buhat', 'bitbit', o 'pasan'; na karaniwang nakikilala bilang mga halayang suklay o gulamang suklay) ay isa sa mga lapi na bumubuo sa kahariang Animalia. Ang mga ito ay isang phylum ng mga hayop na namumuhay sa mga katubigang pangkaragatan sa buong mundo. Ang kanilang kakaibang tampok na mga katangian ay ang mga "suklay", mga pangkat ng cilia na ginagamit nila sa paglangoy, at sila ang pinakamalalaking mga hayop na lumalangoy sa pamamagitan ng cilia - ang mga adulto ng samu't saring mga espesye ay sumasaklaw ng mula mangilan-ngilang mga milimetro hanggang sa 1.5 metro (59 pul) ang laki. Katulad ng mga cnidaria, ang mga katawan nila ay binubuo ng isang masang parang gulaman, na may isang patong ng mga selula sa labas at isa pang gumuguhit sa panloob na puwang. Sa mga ctenophore, ang mga saping ito ay may lalim na katumbas ng dalawang mga selula, habang ang sa mga cnidaria (cnidariano) ay isang selula lamang ang taas o lalim. Ang mga ctenophore ay kahawig ng mga cnidaria sa pagkakaroon ng desentralisadong (hindi sentralisado) lambat ng nerbiyo sa halip na mayroong isang utak. Ilang mga may-akda ang nagsasama-sama ng mga ctenophore at ng mga cnidaria sa loob ng isang phylum na tinatawag na Coelenterata, dahil ang dalawang pangkat ay kapwa nakasalalay sa daloy ng tubig na lumalagos sa puwang ng katawan para sa pagtunaw ng pagkain (dihestiyon) at paghinga (respirasyon). Ang pagpapataas ng kamalayan o pagkakaalam ng mga pagkakaibang ito ang naghihikayat sa mas kamakailang mga may-akda na uriin ang mga ito sa loob ng magkahiwalay na phyla (dalawang magkahiwalay na mga phylum).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.