Pumunta sa nilalaman

Dicaeum dayakorum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Dicaeum dayakorum
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Orden: Passeriformes
Pamilya: Dicaeidae
Sari: Dicaeum
Espesye:
D. dayakorum
Pangalang binomial
Dicaeum dayakorum

Ang Dicaeum dayakorum (Ingles: spectacled flowerpecker, lit. 'nasasalaminang ibong namumupog ng bulaklak') ay isang bagong uri ng ibong natagpuan ng mga siyentipiko sa mga kagubatan ng Borneo noong Hunyo 2009. Natagpuan itong namumupog o tumutuka (nanginginain) ng mga namumulaklak na miseltow sa bahaging Malaysia ng Borneo. Nasaksihan ito ng isang pangkat ng mga biyologo, kasama ang mga biyologong mula sa Pamantasan ng Leeds ng Inglaterang si David Edwards at isang ekologong tropikal na si Richard Webster. Wala pa itong pangalang pang-agham o siyentipikong pangalan dahil kakaunti pa lamang ang nalalaman hinggil sa ibong ito.[1][2]

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa itong maliit na ibong namumupog ng bulaklak, na abo ang kulay at may puting mga guhit. Kasinlaki ito ng isang ibong nasa pamilyang Troglodytidae, na kilala sa Ingles bilang wren at sa Kastila bilang chochín (chochines kapag maramihan). Tinawag na "nasasalaminan" o spectacled (sa diwang "tila may suot na salamin") ang ibon dahil mayroon itong mga puting marka sa paligid ng mga mata, pati na sa tiyan at sa dibdib.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Reuters. "Spectacled flowerpecker" bird found in Borneo, scientificamerican.com, 13 Enero 2010, napuntahan noong 15 Enero 2010.
  2. 2.0 2.1 Walton, Doreen, tapag-ulat na pang-agham. New bird species found in rainforests of Borneo, BBC News, news.bbc.co.uk, 14 Enero 2010, napuntahan noong 15 Enero 2010.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Larawan ng nasasalaminang ibong namumupog ng bulaklak, mula sa newsimg.bbc.co.uk

Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.