Pumunta sa nilalaman

Kaharian ng Tungning

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dinastiyang Shun)
Kaharian ng Tungning
東寧
Dōng Níng
1662–1683
Salawikain: 反清復明
"Tutulan ang Qing, ibalik ang Ming"
Kaharian ng Tungning sa Taiwan
Kaharian ng Tungning sa Taiwan
KabiseraTungtu
Karaniwang wikaHokkien, Hakka
PamahalaanMonarkiya
Hari ng Tungning 
• 1662–1682
Zheng Jing
• 1682–1683
Zheng Ke-Shuang
PanahonDinastiyang Qing
1 Pebrero 1662 1662
1683 1683
Populasyon
• 1664
140,000
• 1683
200,000
SalapiSalaping metal na tumbaga at pilak na tael na inilabas ng kaharian
Pinalitan
Pumalit
Taiwan sa ilalim ng kapangyarihang Europeo
Taiwan sa ilalim ng kapangyarihan ng Dinastiyang Qing

Ang Kaharian ng Tungning ay ang unang pamahalaang Tsinong Han na naghari sa Taiwan, sa pagitan ng 1661 at 1683. Isa itong maka-Dinastiyang Ming na kaharian, at itinatag ni Koxinga, makaraan ang pagkawasak ng kapangyarihan ng Ming na isinagawa ng mga Manchu. Anak na lalaki si Koxinga ng isang dating pirata o mandarambong na iniayon ang sarili bilang isang loyalistang maka-Dinastiyang Ming; umasa siyang maihahatid niya ang kaniyang mga hukbo sa Taiwan at gamitin ito bilang isang himpilan upang muling makuha ang punong-lupain ng Tsina para sa Dinastiyang Ming.

Ang Kaharian ng Tungning (Tsinong pinapayak: 东宁王国; Tsinong tradisyonal: 東寧王國; pinyin: Dōngníng Wángguó) ay paminsan-minsan ding tinatawag na Kaharian ng Zheng (Cheng) (Tsinong pinapayak: 郑氏王朝; Tsinong tradisyonal: 鄭氏王朝; pinyin: Zhèngshì Wángcháo) o ang Kaharian ng Yanping (延平王國). Tinawag ni Almirante Koxinga ang Taiwan bilang Tungtu/Dongdu. Sa mga kasaysayan sa kanluran tinawag itong Kaharian ng Taiwan,[1] at paminsan-minsang itinuring ang panahon ng paghahari bilang dinastiyang Koxinga.[2]


Kasaysayan ng Tsina
Kasaysayan ng Tsina
Kasaysayan ng Tsina
SINAUNA
Neolitikong Tsina c. 8500 - c. 2070 BCE
Dinastiyang Xia c. 2070 – c. 1600 BCE
Dinastiyang Shang 1600–1046 BCE
Dinastiyang Zhou c. 1046 – 256 BCE
  Kanluraning Zhou
  Silanganing Zhou
    Panahon ng Tagsibol at Taglagas
    Panahon ng Nagdirigmaang mga Estado
IMPERYAL
Dinastiyang Qin 221 BCE–206 BCE
Dinastiyang Han 206 BCE–220 CE
  Kanluraning Han
  Dinastiyang Xin
  Silanganing Han
Tatlong Kaharian 220–280
  Wei, Shu & Wu
Dinastiyang Jin 265–420
  Kanluraning Jin Labing-anim na Kaharian 304–439
  Silanganing Jin
Katimugan at Hilagaing mga Dinastiya 420–589
Dinastiyang Sui 581–618
Dinastiyang Tang 618–907
  ( Ikalawang Zhou 690–705 )
Limang Dinastiya at Sampung Kaharian
907–960
Dinastiyang Liao
907–1125
Dinastiyang Song
960–1279
  Hilagaing Song Kanluraning Xia
  Katimugang Song Jin
Dinastiyang Yuan 1271–1368
Dinastiyang Ming 1368–1644
Dinastiyang Qing 1644–1912
MAKABAGO
Republika ng Tsina 1912–1949
Republikang Bayan
ng Tsina
1949–kasalukuyan

Republika ng Tsina
(Taiwan) 1949–kasalukuyan


Tore ng Chihkan, tanggapan ni Koxinga makaraang siya ang pumalit sa dating himpilang Olandes.

Noong 1661, pinilit ni Koxinga ang isang paglapag sa Luerhmen (Tsinong pinapayak: 鹿耳门; Tsinong tradisyonal: 鹿耳門; pinyin: Lù'ěrmén), Taiwan. Sa kulang-kulang na isang taon, nabihag niya ang Kuta ng Zeelandia at nakipagkasundo sa isang tratado[3] kay Frederick Coyett, ang Olandes na gobernador, kung saan isinuko ng mga Olandes ang kuta at iniwan ang lahat ng mga mabubuting dala-dalahin at ari-arian ng Dutch East India Company. Bilang kapalit, lumisan ang lahat ng mga opisyal na Olandes, mga kawal, at mga sibilyan na dala ang mga pansariling mga pag-aari at kargamento pabalik sa Batavia, na nagwakas sa 38 taong pamamahalang kolonyal ng mga Olandes sa Taiwan. Nagpatuloy si Koxinga pagtutuon ng sarili sa pagtatayo ng Taiwan bilang isang kapakipakinabang na base na laban sa mga tagapagtangkilik ng Dinastiyang Qing, na may tangkang maibalik sa kapangyarihan ang Dinastiyang Ming.

Noong 1662, sa gulang na 39 taon, namatay si Koxinga dahil sa malaria, bagaman may mga hinalang namatay siya dahil sa biglang pagkawala sa sarili nang marinig ang pagkamatay ng kanyang ama sa ilalim ng Dinastiyang Qing. Pinalita siya ng kanyang anak na lalaking si Zheng Jing bilang pinuno ng Taiwan, na may namanang pamagat na Prinsipe ng Yanping.

Sa loob ng susuno na 19 na mga taon, sinubok ni Zheng Jing na makapagbigay ng sapat para sa lokal na mga naninirahan at muling isinaayos ang kanilang puwersang militar sa Taiwan. Madalas ang naging pakikipag-ugnayan sa Emperador ng Kangxi ng Dinastiyang Qing mula Tsina sa pamamagitan ng mga embahador. Sa pangingibabaw ng presyon mula sa Qing, nakibaka si Zheng Jing na maipagtanggol ang Xiamen, Quemoy at ang mga kapuluan ng Pescadores, na nawala rin sa kanyang mga kamay sa kalaunan sa loob ng mga taon, pangunahing dahil na sa maliliit niyang mga hukbo na hindi sapat para ipaglaban mula sa Qing. Sa panahon ng Pag-aalsa ng Tatlong mga Piyudatoryo, inilunsad ni Zheng Jing ang isang opensibo o pagsalakay sa pook ng Fujian. Sa pagtatapos ng pag-aalsa, nagtamo si Zheng ng isang mabigat na pagkagapi. Pagkalipas ng pagkatalo, nagbalik si Zheng sa Taiwan kung saan nagpakalunod siya sa alak at kababaihan, at namatay kaagad dahil sa isang karamdaman. Sa kanyang kamatayan, nahati sa dalawang pangkat ang kanyang mga heneral at mga ministro, na bawat isa ay sumusuporta sa isa sa kaniyang anak na lalaki bilang tagapagmana o kapalit. Makalipas ang ilang mga panloob ng pag-aalitan, ang kanyang bata at labindalawang taong gulang na anak na si Zheng Keshuang ang pumalit sa kanya bilang hari.

Noong 1683, pagkalipas ng Labanan ng Penghu, sumuko si Zheng Keshuang sa kahilingan ng Qing, at isinanib ang kanyang kaharian sa Dinastiya ng Qing bilang bahagi ng Lalawigan ng Fujian.

Umiral ang Kaharian ng Tungning ng mahigit sa 20 mga taon lamang, subalit sa mga pagiging kahanay nito sa pangkasalukuyang katayuang pampolitika ng Taiwan, nagpapatuloy itong humahawak ng isang halagang may maringal na kasagisagan.

Makaraan ang pagkatalo nito sa Digmaang Sibil ng Tsina noong 1949, umatras sa Taiwan ang Republika ng Tsina (ang ROC o Republic of China) na pinamumunuan ng Kuomintang, na iniwan ang Punong-lupain ng Tsina sa Partidong Komunista ng Tsina na sa kalaunan ay naglunsad ng Republikang Popular ng Tsina (ang People's Republic of China o PRC). Sa loob ng sumunod na ilang mga dekada, tumuon ng pansin ang Republika ng Tsina o ROC sa muling pagkuha sa punong-lupain, sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga himpilan o base sa pulo na malapit sa punong-lupain (halimbawa na ang Quemoy), katulad ng ginawa ni Koxinga at ng kanyang mga kaapu-apuhan.

Bagaman naging demokratisado na ang Republika ng Tsina at hindi na nakatuon lamang sa muling pagsakop sa punong-lupain, nananatiling hindi nagbabago ang kaayusang pampolitika at pangteritoryo. Sa ganitong kaso, mayroong malaking pagkakatulad sa pagitan ng kalagayan sa pagitan ng Dinastiyang Qing at ni Koxinga at ng pangkasalukuyang katayuan sa pagitan ng Republikang Popular ng Tsina at Republika ng Tsina.

Mayroon ang Kuomintang ng Republika ng Tsina, na hindi kagulat-gulat, ng pagkakatuon sa mga layunin ni Koxinga, iyon ang gamitin ang Taiwan bilang isang himpilan ng pagpapanumbalik ng kanilang pamahalaan sa Punong-lupain ng Tsina, kahanay ng kung paano nila tinatanaw ang kanilang mga sarili bilang mga tagapagtanggol ng Republika ng Tsina, at ang Taiwan bilang isang himpilan kung saan magmumula ang muling pagsakop sa punong-lupain. Pangkalahatan naman nakatuon ang Republikang Popular ng Tsina sa katotohanan si Koxinga ang nagpalaya sa Taiwan mula kolonyalismo ng mga Olandes para sa kapakanan ng inang-bayan, habang pinabababa naman o hindi binibigyan ng kahalagahan ang diwa ng katotohanang si Koxinga ang nakatuon sa pagpapatalsik ng pamahalaang nasa punong-lupain noong panahong iyon upang mapanumbalik ang kapangyarihan ng isang dating dinastiya.

  1. Kerr, George H. (1945) "Formosa: Island Frontier" Far Eastern Survey 14(7): pp. 80–85, p. 81
  2. ""Historical and Legal Aspects of the International Status of Taiwan (Formosa)" WUFI". Inarkibo mula sa orihinal noong 2001-05-13. Nakuha noong 2009-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. ""Koxinga-Dutch Treaty (1662)" Apendiks 1 hanggang Bullard, Monte R. (hindi pa nalalathala) Strait Talk: Avoiding a Nuclear War Between the U.s. and China over Taiwan Monterey Institute of International Studies". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-14. Nakuha noong 2009-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tsino.
Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Intsik.