Pumunta sa nilalaman

Eddie Villanueva

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Eduardo Villanueva)
Para sa pinuno ng Iglesya ni Kristo, tingnan ang Eduardo Villanueva Manalo.
Bro. Eddie C. Villanueva
Personal na detalye
Isinilang
Eduardo C. Villanueva

(1946-10-06) 6 Oktubre 1946 (edad 78)
Bocaue, Bulacan, Pilipinas
AsawaSis. Adoracion "Dory" Villanueva
AnakEduardo "Jon-Jon" Villanueva, Jr.
Emmanuel Joel Villanueva
Eleanor Joni Villanueva-Tugna
Edelisha "Jovi" Villanueva
TrabahoTagapanguna at Pangulo ng Jesus is Lord Church Worldwide
Telebanghelista
May-ari ng ZOE Broadcasting Network
May-akda
Tagapagsalita
Websitiobroeddie.ph

Si Eduardo Cruz Villanueva ay (ipinanganak 6 Oktubre 1946), higit na kilala sa pangalang Brother Eddie, ay isang telebanghelista at ang kasalukuyang tagapanguna at pangulo ng Jesus Is Lord Church Worldwide (JILCW) na isa sa pinakamalaking simbahan na nakasentro kay Kristo, nakasentro sa Bibliya, at lubos sa ebanghelyo.

Si Bro. Eddie ay dating komunista at ateista, radikal na aktibista, at parlamentaryanong nasa kalye na pinaglaban ang mga karapatan ng mga sektor na nabibigyan ng boses sa lipunan. Noong panahon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas at panahon ng batas militar sa Pilipinas, nakulong siya ng dalawang beses dahil sa paglaban kasama ang mga naapi para sa kanilang karapatan laban sa mga sindikato ng mga nag-aagaw ng lupa.

Naging kandidato siya sa pagkapangulo noong 2004 at 2010 na halalan sa Pilipinas[1][2] at naging kandidato sa pagka-senador[3][4] na lahat sa ilalim ng Partido Bangon Pilipinas. Nabigo siya maging Pangulo ng Pilipinas sa parehong halalan na nabanggit. Gayon din, natalo siya sa halalan ng 2013 at hindi naging isa sa mga senador ng Pilipinas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2010 Philippine Presidential Election | The Presidentiables Blog". 2010presidentiables.wordpress.com. Nakuha noong 2013-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "This time, Bro. Eddie targets Senate seat | Rappler.com". Rappler.com. Nakuha noong 2013-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ballaran, Jhoanna Paola. "Bro. Eddie Villanueva Running for Senator". Manilatimes.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-15. Nakuha noong 2013-09-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Eddie Villanueva to run for senator in 2013 | ABS-CBN News". Abs-cbnnews.com. Nakuha noong 2013-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.