Pumunta sa nilalaman

Gatas ng inahin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Eggnog)
Isang karton at isang baso ng eggnog mula sa Montreal, Canada, na tinatawag sa pangalan nito sa Pranses na lait de poule (literal na "gatas ng inahing manok").

Ang gatas ng inahing manok o eggnog, binabaybay ding egg nog sa Ingles (Pranses: lait de poule, literal na "gatas ng [inahing] manok"; Kastila: ponche de huevo, literal na "inuming panundol o pambutas na may itlog"; Katalan: llet de gallina, literal na "gatas mula sa [inahing] manok") ay isang uri ng produktong gawa sa gatas at maaaring may alak o serbesang hinaluan ng binating itlog ng manok[1] na sinangkapan din ng krema, asukal, at pinaglasa ng kanela at moskada. Hindi lahat ng ganitong inumin ay may alak o serbesa, o alkoholiko. Tanyag na inumin ito sa Estados Unidos at Canada, at kalimitang inumin tuwing may pagdiriwang o pagsasalu-salong nagaganap sa taglamig o tagniyebe, katulad ng Pasko at Bagong Taon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Eggnog, egg nog mula sa nog - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Inumin Ang lathalaing ito na tungkol sa Inumin ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.