Emperador Taizong ng Tang
Emperador Taizong ng Tang | |
---|---|
Kapanganakan at kamatayan: | 28 Enero 598 | –10 Hulyo 649 (edad 51)
Apelyido: | Li (李) |
Bigay na pangalan: | Shimin (世民) |
Mga petsa ng pamumuno: | Setyembre 4, 626–Hulyo 10, 649 |
Dinastiya: | Tang (唐) |
Pangalan ng templo: | Taizong (太宗) |
Pangalan pagkamatay: (short) |
Wen Huangdi (文皇帝) |
Maikling pangalan pagkamatay: (full) |
Wen Wu Dasheng Daguang Xiao Huangdi[1] 文武大聖大廣孝皇帝 [ Listen (tulong·impormasyon)] |
Pangkalahatang paunawa: Nasa kalendaryong Juliano ang mga petsang ibinigay dito]]. Hindi sila nasa proleptikong kalendaryong Gregoryano. |
Si Emperador Taizong ng Tang (Tsino: 唐太宗; pinyin: Táng Tàizōng, Wade-Giles: T'ai-Tsung, Enero 28, 598 – Hulyo 10, 649), pangalang personal: Lǐ Shìmín (Tsino: 李世民) ay ang pangalawang emperador ng Dinastiyang Tang ng Tsina, na namuno mula 626 hanggang 649. Sa kanyang paghihikayat sa kanyang amang si Li Yuan (kalaunang naging Emperador Gaozu) upang mag-aklas laban sa pamumuno ng Dinastiyang Sui sa Taiyuan noong 617 at nasundan ng pananagumpay laban sa ilan sa kanyang pinakamahahalagang mga katunggali, pangseremonyang itinuring siya bilang kasamang tagapagtatag ng dinastiya, kasama ni Emerador Gaozu.[2]
Karaniwang itinuturing siya bilang isa sa pinakadalikang emperador, kung hindi bilang totoong pinakadakila, sa lahat ng mga emperador sa kasaysayan ng Tsina. Sa kabuoan ng nalalabing kasaysayan ng mga Intsik, itinuturing ang paghahari ni Emperador Taizong bilang mainam na huwaran laban sa sukatang pamantayan para sa lahat ng iba pang mga emperador, at ang kanyang "Paghahari ni Zhen Guan" ("Reign of Zhen Guan" sa Ingles, Tsinong payak: 贞观之治/ Tsinong tradisyonal: 貞觀之治) ay itinuturing bilang ginintuang panahon ng kasaysayan ng Tsina at nangangailangan ng pag-aaral para sa hinaharap na mga prinsipe ng korona. Sa panahon ng kanyang paghahari, uminam ang kabuhayan at militar sa Tsina ng Dinastiyang Tang. Mahigit sa isang daang taon pagkalipas ng kanyang kamatayan, nagtamasa ang Tsina ng Dinastiyang Tang ng kapayapaan at kasaganaan. Sa panahon ng pamumuno ni Taizong, ang Tang ang pinakamalaki at pinakamalakas na bansa sa mundo. Sakop nito ang buong teritoryo ng pangkasaluyang Tsina at karamihan ng Gitnang Asya. Ito ang naglatag ng pundasyon para sa pamumunong Xuanzong, na itinuturing na pinakadakilang yugto ng panahon sa Tsina.
Noong 630, ipinadala ni Emperador Taizong ang kanyang heneral na si Li Jing laban sa Silanganing Tujue—na dating sinukuan ni Tang—na nagdulot ng pagkagapi at pagkahuli ng Jiali Khan Ashina Duobi nito at pagwasak ng kapangyarihan ng Silanganing Tujue. Ito ang nakapagdulot sa Tang upang maging nangingibabaw na kapangyarihan sa Silangan at Gitnang Asya, at, sa kalaunan, ginamit ni Tang ang pamagat na Tian Kehan ("Makalangit na Khan").[3]
Hindi mapagbalatkayo o prankang rasyonalista si Emperador Taizong, bilang paglaban sa mga dugong bughaw ng panahong iyon, na bukas na nagtatawa sa mga pamahiin at inangking mga tanda ng kalangitan, at binago niya ang mahahalagang mga rito upang mapawi ang hirap sa mga gawain sa pagsasaka o agrikultura[4]. Ayon sa Intsik na historyador ng makabagong panahon na si Bo Yang, nagkamit ng kadakilaan si Emperador Taizong sa pamamagitan ng pagtanggap ng kritisismo o mga puna na maaaring hindi matatanggap ng iba at sa pamamagitan din ng hindi pag-abuso sa kanyang lubos na kapangyarihan (ginamit si Emperador Yang ng Sui bilang pangit na halimbawa), at sa pamamagitan pa rin ng pagtatalaga ng may kakayahang mga chancellor na sina Fang Xuanling, Du Ruhui, at Wei Zheng. Naglingkod din ang asawa ni Emperador Taizong na si Emperatris Zhangsun bilang kanyang may kakayahang katuwang o katulong sa gawain..[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Given in final version as of 754.
- ↑ New Book of Tang, tomo 13 [1] Naka-arkibo 2008-05-05 sa Wayback Machine. Naging tiyak ang katayuan sa pagsapit ng pagkakatatag ng Katimugang Tang, na umangkin ng pagmamana ng pamanang Tang, habang kinilala ang katayuang ito ng emperador na tagapagtatag ng Katimugang Tang na si Emperor Liezu (Li Bian) sa pamamagitan ng pagturing kina Emperador Gauzu at Emperador Taizong, kasama ang kanyang ama-amahang si Xu Wen, bilang mga tagapagtatag ng kanyang estado. Tingnan ang Zizhi Tongjian, tomo 282.
- ↑ Zizhi Tongjian, tomo 249.
- ↑ CHofC, tomo 3, p. 189.
- ↑ Bo Yang, Outlines of the History of the Chinese, tomo 2, pp. 495-499.