Estasyon ng Lucena
Lucena | |||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||||||||||||||||
Lokasyon | Barangay 10, South City Proper Lucena, Quezon | ||||||||||||||||||||||||
Koordinato | 13°55′37.07″N 121°36′47.06″E / 13.9269639°N 121.6130722°E | ||||||||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||||||
Linya | Linyang Patimog ng PNR | ||||||||||||||||||||||||
Plataporma | Plataporma pagilid | ||||||||||||||||||||||||
Riles | 1, dagdag ang mga 4 na siding | ||||||||||||||||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | ||||||||||||||||||||||||
Akses ng may kapansanan | Oo | ||||||||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||||||||||||||||
Kodigo | LC | ||||||||||||||||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||||||||||||||||
Nagbukas | 1913 | ||||||||||||||||||||||||
Nagsara | 2006 | ||||||||||||||||||||||||
Muling itinayo | 2015 | ||||||||||||||||||||||||
Serbisyo | |||||||||||||||||||||||||
|
Ang estasyong Lucena ay isang hindi na ginagamit na estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR). Matatagpuan ito sa Barangay 10, Lucena, sa katimugang dulo ng kabayanan ng lungsod.
Ang estasyon ay dating isang pangunahing punto ng paghinto sa Pangunahing Linyang Patimog para sa mga serbisyong intercity ng PNR tulad ng Bicol Express at Mayon Limited hanggang sa pagsara ng linya noong 2006 pagkaraang sinira ng Bagyong Milenyo ang imprastraktura. Malapit ito sa Quezon Provincial Government Center, na tahanan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon, gayundin ang Perez Park at ang Lucena Fire Station. Di-kalayuan mula sa estasyon ay ang Pantalan ng Lucena, ang Paliparan ng Lucena at ang SM City Lucena.
Ang estasyong Lucena ay dati ring tahanan ng isang silungan (depot) ng PNR at ng mga pasilidad pampapanatili.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuksan ang estasyong Lucena noong Pebrero 10, 1913. Pinalaki ang estasyin noong 1938 kasama ang pagtatapos ng Pangunahing Linyang Patimog.
Ito ay ang dulo ng serbisyong Lucena Express noong 1930s.