Pumunta sa nilalaman

Bagyong Milenyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bagyong Milenyo (Xangsane)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 4 (Saffir–Simpson)
Bagyong Milenyo papalapit sa Pilipinas noong Setyembre 27
NabuoSetyembre 25, 2006
NalusawOktubre 2, 2006
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 155 km/h (100 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 230 km/h (145 mph)
Pinakamababang presyur940 hPa (mbar); 27.76 inHg
NamatayHindi bababa sa 312 sa kabuuan[1][2][3]
Napinsala$750 milyon (2006 USD)
ApektadoPilipinas, Tsina, Biyetnam, Kambodya, Thailand
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2006

Ang Bagyong Milenyo (pandaigdigang pangalan: Xangsane) ay isang bagyo na naka-apekto sa Pilipinas, Vietnam, at Thailand noong panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2006. Ang pandaigdigang bansag na Xangsane ay isinumite ng Laos at nangangahulugang "gadya" o "elepante".[4]

Ang tinahak ng Bagyong Milenyo (2006)

Nagumpisa ito noong Setyembre 25, 2006 nang mamatyagan ito sa loob ng lugar na pananagutan ng Pilipinas. Nagpalabas ang "Joint Typhoon Warning Center" ng abiso hinggil sa nabubuong unos na tinawag nilang Tropical Depression 18W.

Noong Setyembre 26, binansagan ng Japan Meteorological Agency ang bagyo bilang Xangsane. Ang Xangsane ay nangangahulugang elepante sa wikang Laos. Pagkalipas ng ilang oras, tinaguriang isang typhoon ang unos.

Tumama ang Bagyong Milenyo sa Samar noong Setyembre 27. Upang hindi magkasakuna, iniutos ng pamahalaan ng Pilipinas na huwag palayagin ang mga sasakyang dagat at huwag paliparin ang mga eroplano. Higit sa 3,500 ang hindi nakabiyahe. Ipinasara din ng pamahalaan ang mga tanggapang publiko at mga paaralan. Ito ay nag landfall sa mga bayan ng: Gamay, Northern Samar, Barcelona, Sorsogon, Castilla, Sorsogon, San Narciso, Quezon, Lucena, Calamba at sa Samal, Bataan.

Typhoon Storm Warning Signal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
PSWS LUZON BISAYAS
PSWS #3 Albay, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Kalakhang Maynila, Laguna, Pampanga, Rizal, Tarlac, Zambales Hilagang Samar, Silangang Samar
PSWS #2 Aurora, Marinduque, Kanlurang Mindoro, Silangang Mindoro,, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Romblon Kanlurang Samar
PSWS #1 Benguet, Ifugao, Mountain Province, Quirino, Pangasinan WALA
Isang pampasaherong bus sa EDSA-Magallanes na winasak ng isang natumbang billboard.

Ayon sa mga opisyal na datos, higit sa 76 katao ang namatay sa Pilipinas at may 69 tao ang nawawala. May 13,072 bahay ang nasalanta ng bagyo at 61,076 pamilya ang naapektuhan. Ang mga malakas na hangin ng Bagyong Milenyo ang dahilan ng pagbagsak ng mga poste ng kuryente at pagkasira ng telekomunikasyon. Nawalan ng kuryente sa mga rehiyon ng Bikol, Timog Katagalugan at Gitnang Luzon.

Umalis ang bagyo noong Setyembre 29 at nagtungong Vietnam kung saan nakapatay ito ng tatlong tao.

Sinundan:
Luis
Kapalitan
Mario
Susunod:
Neneng


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Typhoon, flood claim 71 lives in central Vietnam". ReliefWeb. Xinhua News Agency. 2006-10-06. Nakuha noong 2006-10-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Philippines still assessing damage from typhoon Xangsane". ReliefWeb. Agence France-Presse. 4 Oktubre 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2012. Nakuha noong 8 Oktubre 2006.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Typhoon death toll nears 250 in Vietnam, Philippines". ReliefWeb. Agence France-Presse. 3 Oktubre 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Disyembre 2012. Nakuha noong 8 Oktubre 2006.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. RSMC Tokyo - Typhoon Center. "List of names for tropical cyclones adopted by the Typhoon Committee for the western North Pacific Ocean and the South China Sea". Japan Meteorological Agency. Nakuha noong 2006-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)