Estasyon ng R. Papa
R. Papa | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | 3405 Karugtong ng Abenida Rizal pgt. Kalye Ricardo Papa, Brgy. Obrero, Tondo, Maynila 1013 | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nakaangat | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | RP | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Mayo 12, 1985 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Estasyong R. Papa ng LRT ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong R. Papa. Nagsisilbi ang estasyon sa distrito ng Tondo at matatagpuan ito sa Karugtong ng Abenida Rizal sa Barangay Obrero, Tondo. Ito ang unang estasyon sa Karugtong ng Abenida Rizal pahilaga at ang huling estasyon sa lungsod ng Maynila bago makapasok ng Caloocan.
Nagsisilbi bilang pang-anim na estasyon ang estasyong R. Papa para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pang-labing-anim na estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt.
Ipinangalan ang estasyon mula sa Kalye Ricardo Papa, na ipinangalan naman mula kay Heneral Ricardo Papa, Sr., na puno ng pulisya ng Maynila noong dekada-1960.[1]
Mga kalapit na palatandaang pook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malapit ang estasyon sa Sementeryong Tsino ng Maynila katulad ng estasyong Abad Santos ng LRT. Malapit din ito sa St. Pancratius Chapel at lumang Simbahan ng La Loma sa Sementeryong Katoliko ng La Loma, Mababang Paaralan ng Barrio Obrero at Mababang Paaralan ng Marulas sa kalapit na Maypajo, Caloocan.
Mga kawing pangpanlalakbay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring kumuha ng mga dyipni o taksi ang mga mananakay papuntang estasyong R. Papa. Humihinto rin malapit sa estasyon ang mga bus na dumadaan sa ruta ng Abenida Taft. May mga masasakay na traysikel sa labas ng estasyon.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L2 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Baclaran → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan |
L1 | Daanan | Sementeryong Tsino |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Sino nga ba si 'R. Papa' sa LRT station sa Maynila?". GMA News. Nakuha noong 4 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)