Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Vito Cruz (LRT)

Mga koordinado: 14°33′48.51″N 120°59′40.85″E / 14.5634750°N 120.9946806°E / 14.5634750; 120.9946806
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vito Cruz
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonAbenida Taft (malapit sa Kalye Pablo Ocampo), Malate, Maynila
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaSide platforms
Riles2
Ibang impormasyon
KodigoVC
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 1, 1984
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Ang Estasyong Vito Cruz ng LRT ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Vito Cruz. Nagsisilbi ang estasyon para sa Malate sa Maynila at matatagpuan sa kanto ng Abenida Taft at Kalye Pablo Ocampo (na dating tinawag na Calle Vito Cruz). Ipinangalan ang estasyon mula sa dating pangalan ng Kalye Pablo Ocampo. Ang Vito Cruz naman ay galing sa pangalan ng dating alcalde mayor ng Pasay noong mga 1871.

Nagsisilbi bilang panlabing-anim na estasyon ang estasyong Vito Cruz para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at panlimang estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt.

Kilala ang Estasyong Vito Cruz sa hindi karaniwang mataas na bilang ng mga nagtatangkang magpapakamatay. Bilang tugon, ang LRTA ay nagpataw ng "speed limit" (takdang tulin) sa mga treng papasok sa mga estasyon (tulad ng Vito Cruz) upang ihadlang ang bilang ng mga matagumpay na pagpapatiwakal.

Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang estasyon ay malapit sa mga kilalang pook tulad ng hugnayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mga pook-pamilihan ng Harrison Plaza at University Mall, at Rizal Memorial Sports Complex, kung saan ginanap ang ilan sa mga laro ng mga nakaraang Palaro ng Timog Silangang Asya. Malapit din sa estasyong ito ang hugnayan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP), kung saan matatagpuan ang Pangunahing Gusali ng CCP, Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas (PICC), Tanghalan ng Katutubong Sining, Sentrong Pampelikula ng Maynila at Harbour Square. Malapit din sa estasyon ang ilang institusyong pangedukasyon, tulad ng pangunahing kampus ng Pamantasang Arellano, Pamantasang De La Salle, De La Salle–College of Saint Benilde, at Dalubhasaan ng Santa Escolastica.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Humihinto ang mga bus na dumadaan sa rutang Taft Avenue, mga taksi, dyipni, at traysikel sa estasyon at paligid nito. Ilan sa mga paroroonan, tulad ng Dalubhasaan ng Santa Escolastica, ay nasa walking distance mula sa estasyon. Mayroon din isang estasyon ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas na may katulad na pangalan, subalit malayo ito at nangangailangan ng pagkokomyute mula sa estasyon.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2
Mga batalan
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan De La Salle University, De La Salle–College of Saint Benilde, University Mall

14°33′48.51″N 120°59′40.85″E / 14.5634750°N 120.9946806°E / 14.5634750; 120.9946806