Estasyong daangbakal ng Vito Cruz

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
 Vito Cruz 
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
PNR Vito Cruz renovated.jpg
Labas ng estasyong Vito Cruz
Estadistika ng estasyon
DireksiyonSouth Luzon Expressway pgt. Karugtong ng Pablo Ocampo Street
San Andres, Maynila
Mga koordinado14°34′1.56″N 121°0′10.14″E / 14.5671000°N 121.0028167°E / 14.5671000; 121.0028167Mga koordinado: 14°34′1.56″N 121°0′10.14″E / 14.5671000°N 121.0028167°E / 14.5671000; 121.0028167
Linya Linyang Patimog
EstrukturaNasa lupa
PlatapormaMga platapormang pagilid
Riles2
Iba pang impormasyon
Binuksan1975
Itinayo muli1990, 2009
AksesibilidadHandicapped/disabled access
KodigoVTC
Pagmamay-ari ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Tutuban
Metro Commuter
patungong Alabang o Calamba

Ang Vito Cruz ay isang estasyon ng Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, ang estasyon na ito ay nasa lupa (at grade). Matatagpuan ang estasyon sa kanto ng Karugtong ng Kalye Pablo Ocampo (dating Karugtong ng Vito Cruz) at South Luzon Expressway sa San Andres, Maynila, malapit sa hangganan ng lungsod at Makati.

Ang Vito Cruz ay ang ikawalong estasyon patimog mula sa Tutuban at ang huling estasyon na pisikal na matatagpuan sa loob ng Maynila.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Labas ng Estasyong Vito Cruz noong 2006, bago ang pagsasaayos.

Kasama ang Buendia, ang Vito Cruz ay binuksan noong Nobyembre 24, 1975 bilang bahagi ng ikawalumpu't-tatlong Anibersaryo ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas.

Mga kalapit na pook-palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Malapit ang estasyon sa mga institusyong pangedukasyon tulad ng pangunahing kampus ng Pamantasang Arellano, Pamantasang De La Salle Maynila, De La Salle–College of Saint Benilde at Dalubhasaan ng Santa Escolastica. Di-kalayuan mula sa estasyon ay ang Sementeryong Timog ng Maynila at ang dating Santa Ana race track na ngayon ay kinalalagyan ng inuusbong na Circuit Makati.

Mga kawing pantransportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Mapupuntahan ang estasyong Vito Cruz gamit ang mga dyipning dumadaan sa ruta ng Kalye Zobel Roxas, gayundin ang mga bus sa South Luzon Expressway. Matatagpuan sa tapat ng estasyon sa Kalye Zobek Roxas ang isang himpilan para sa mga traysikel ng Barangay San Antonio, habang ipinabababa rin ng mga sasakyang de-padyak na nakabase sa Barangay Palanan at Maynila ang kanilang mga mananakay sa estasyon.

Pagkakaayos ng Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang paparating na 2540 + 4 EMU 203 sa estasyong Vito Cruz.
L1
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←)
Plataporma B PNR Metro Commuter patungong Alabang (→)
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L1 Lipumpon/
Daanan
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Pamantasang Arellano, Pamantasang De La Salle Maynila, De La Salle-College of Saint Benilde, Dalubhasaan ng Santa Escolastica

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]