Estasyon ng Vito Cruz ng LRT

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
 Vito Cruz 
Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila
Vito Cruz2.JPG
Estadistika ng estasyon
Direksiyon Taft Avenue (malapit sa Pablo Ocampo Street), Malate, Maynila
Linya Unang Linya ng LRT
Plataporma Side platforms
Riles 2
Iba pang impormasyon
Binuksan Disyembre 1, 1984
Kodigo VC
Pagmamay-ari ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC)
Pangasiwaan ng Magaan na Riles Panlulan (LRTA)
Mapa
Unang Linya ng LRT
aprobadong
pagpapahaba
North Avenue  MRT-3 
Roosevelt
Balintawak
North Luzon
Expressway
Malvar
Monumento
5th Avenue
R. Papa
Abad Santos
Blumentritt  PNR 
Tayuman
Bambang
Doroteo Jose  MRT-2 
Carriedo
Ilog Pasig
Central Terminal
United Nations
Pedro Gil
Quirino
Vito Cruz
Gil Puyat
Libertad
EDSA  MRT-3 
Silungan
Baclaran
Redemptorist
planadong pagpapahaba
Manila International AirportNinoy Aquino International Airport
Asia World
Ninoy Aquino
Dr. Santos
Manuyo Uno
Las Piñas
Zapote
Talaba
Niog
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
toward Roosevelt
LRT-1
toward Baclaran

Ang Estasyong Vito Cruz ng LRT ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Vito Cruz. Nagsisilbi ang estasyon para sa Malate sa Maynila at matatagpuan sa kanto ng Abenida Taft at Kalye Pablo Ocampo (na dating tinawag na Calle Vito Cruz). Ipinangalan ang estasyon mula sa dating pangalan ng Kalye Pablo Ocampo. Ang Vito Cruz naman ay galing sa pangalan ng dating alcalde mayor ng Pasay noong mga 1871.

Nagsisilbi bilang panlabing-anim na estasyon ang estasyong Vito Cruz para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at panlimang estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt.

Kilala ang Estasyong Vito Cruz sa hindi karaniwang mataas na bilang ng mga nagtatangkang magpapakamatay. Bilang tugon, ang LRTA ay nagpataw ng "speed limit" (takdang tulin) sa mga treng papasok sa mga estasyon (tulad ng Vito Cruz) upang ihadlang ang bilang ng mga matagumpay na pagpapatiwakal.

Mga kalapit na pook-palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang estasyon ay malapit sa mga kilalang pook tulad ng hugnayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mga pook-pamilihan ng Harrison Plaza at University Mall, at Rizal Memorial Sports Complex, kung saan ginanap ang ilan sa mga laro ng mga nakaraang Southeast Asian Games. Malapit din sa estasyong ito ang hugnayan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP), kung saan matatagpuan ang Pangunahing Gusali ng CCP, Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas (PICC), Tanghalan ng Katutubong Sining, Sentrong Pampelikula ng Maynila at Harbour Square. Malapit din sa estasyon ang ilang institusyong pangedukasyon, tulad ng pangunahing kampus ng Pamantasang Arellano, Pamantasang De La Salle, De La Salle–College of Saint Benilde, at Dalubhasaan ng Santa Escolastica.

Mga kawing pangpanlalakbay[baguhin | baguhin ang batayan]

Humihinto ang mga bus na dumadaan sa rutang Taft Avenue, mga taksi, dyipni, at traysikel sa estasyon at paligid nito. Ilan sa mga paroroonan, tulad ng Dalubhasaan ng Santa Escolastica, ay nasa walking distance mula sa estasyon. Mayroon din isang estasyon ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas na may katulad na pangalan, subalit malayo ito at nangangailangan ng pagkokomyute mula sa estasyon.

Pagkakaayos ng Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

L2
Mga batalan
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Gilid ng batalan, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan De La Salle University, De La Salle–College of Saint Benilde, University Mall

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga koordinato: 14°33′48.51″N 120°59′40.85″E / 14.5634750°N 120.9946806°E / 14.5634750; 120.9946806