Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Carriedo

Mga koordinado: 14°35′56.40″N 120°58′52.89″E / 14.5990000°N 120.9813583°E / 14.5990000; 120.9813583
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong Carriedo ng LRT)
Carriedo
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Estasyong Carriedo noong Hunyo 2020, sa gitna ng pandemya ng COVID-19
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonAbenida Rizal, pgt. Kalye Carriedo
Santa Cruz at Quiapo, Maynila
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaGilid ng plataporma
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaBiyadukto
Ibang impormasyon
KodigoCA
Kasaysayan
NagbukasMayo 12, 1985
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Baclaran

Ang Estasyong Carriedo ng LRT (Ingles: Carriedo LRT station) ay isang estasyon sa Manila LRT (Unang Linya ng LRT). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Carriedo. Matatagpuan ito sa distrito ng Santa Cruz sa Maynila. Ipinangalan ang estasyon sa Kalye Carriedo na malapit sa estasyon. Ito ang tanging estasyon sa buong sistema ng LRT na may habong na bubong (canopy roof).

Ang estasyong Carriedo ay ang unang estasyon sa hilaga ng Ilog Pasig. Ito rin ang pansampung estasyon para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Roosevelt at ang panlabing-isang estasyon para sa mga treng patungo sa Baclaran.

Malapit ang estasyon sa ilang mga tanyag na pook-palatandaan ng Maynila, tulad ng Simbahan ng Quiapo, Kalye Escolta, Plaza Lacson, at Kalye Ongpin. Malapit din ito sa Liwasang Gubat ng Arroceros, Liwasang Bonifacio, at Sentral na Tanggapan ng Koreo ng Maynila, gayundin ang Pamantasang FEATI.

Sa ilalim ng train port ng estasyon ay isang basiyong espasyo na ginamit bilang isang lokasyon para sa isang detour sa The Amazing Race Asia 2.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa kinaroroonan ng estasyong Carriedo na malapit sa mga distrito ng Santa Cruz, Binondo at Quiapo, ang estasyon ay pinagsisilbihan ng maraming mga uri ng pampublikong transportasyon. Humihinto sa estasyon at paligid nito ang mga bus na nagsisilbi sa rutang Abenida Taft at mga malalapit na ruta, mga dyipni, taksi, sasakyang de-padyak at kalesa. Lubusang ginagamit ang mga kalesa at sasakyang de-padyak sa Binondo, dahil sa mga makikipot na kalye ng distrito.

Pagkakaayos ng estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L3
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, Isetann Carriedo
L1 Daanan Pamantasang FEATI


14°35′56.40″N 120°58′52.89″E / 14.5990000°N 120.9813583°E / 14.5990000; 120.9813583