Eupodophis
Eupodophis | |
---|---|
Fossil of Eupodophis descouensi | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Subklase: | |
Orden: | |
Suborden: | |
Sari: | Eupodophis Rage and Escuillié, 2000
|
Species | |
|
Ang Eupodophis ay isang ekstinknt na henus ng ahas na lumitaw sa panahong Huling Kretaseyoso. Ito ay may dalawang maliliit na mga likurang hita at itinuturing na isang anyong transisyonal sa pagitan ng mga butiki ng panahong Kretaseyoso at mga ahas na walang hita. Ang katangiang ito na inilarawang bestihiyal ay pinakamalamang na walang silbi sa Eupodophis.[1] Ang uring espesye(type species) na Eupodophis descouensi ay pinangalanan noong 2000. Ang spesipikong pangalan ay inialay sa naturalistang Pranses na si Didier Descouens.[2] Ang fossiladong specimen kung saan ang deskripsiyon ng uring espesye nito ay binatay ay may habang 85 cm (33.5 in) at tinatayang 92 milyong taon ang edad. Ito ay natagpuan sa batong apog ng panahong Cenomanian malapit sa bayan ng al-Nammoura sa Lebanon.[2][3]
Deskripsiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Eupodophis ay isang ahas na pang-dagat na nabuhay sa Karagatang Tethys. Ito ay may isang lateral na nasiksik na katawan at maikli at tulad ng sagwan na buntot. Ang mga vertebra at tadyang ng Eupodophis ay pachyostotiko o kumapal bilang pag-aangkop sa pamumuhay pang-dagat. Ang mga buto ng pelvis ay maliit at mahinang nakakabit sa bawat isa. Ang mga butong tarsal ay umiiral ngunit lumiit sa sukat at anyo. Ang mga metatarsal at phalange nito sa paa ay hindi umiiral. Ang kalansay na fossil ng Eupodophis ay sinuri gamit ang synchrotron mga x-ray sa European synchrotron radiation facility sa Grenoble, France.[1][4] Natukoy ng mga mananaliksik na ang likurang hita sa kalansay nito ay may habang 0.8 pulgada(inches) na may hindi mapapamaliang fibula, tibia at femur[1] Ang isang hita ay makikita sa surpasiyo ng fossil samantalang ang isa pa ay tago sa loob ng batong apog. Ang mga scan ay kinumpara sa mga tulad nito na kinuha sa mga hita ng mga nabubuhay na butiki kabilang ang Gila monster, Green Iguana, at ilang mga espesye ng monitor lizard.[5]
Bagaman ang mga likurang hitang ito ay napakaliit kumpara sa mga reptilyang may hita, ang mga likuang hita ng Eupodophis ay nag-aangkin ng halos parehong anatomiya sa mga modernong butiki. Ito ay nagmumungkahing ang mga buto ng Eupodophis ay lumiit sa sukat sa pamamagitan ng isang pagbabago sa rate ng paglago ng buto at hindi malaking mga pagbabagong anatomiko. Ang kawalan ng pagkapal sa alinmang dulo ng mga likurang hitang buto ay nagmumungkahing ang paglago ay tumigil sa mga hitang ito sa isang panahong sa buhay ng hayop na ito. Bagaman ang mga vertebra at tadyang ng Eupodophis ay pachyostotic at osteosclerotic (na nangangahulugang ang mga bahaging panlabas at panloob ng buto ay siksik), ang mga butong likurang hita ay nanatiling magaan. Ang pagiging magaang ito ay nakita rin sa mga buto ng mga butiking pang-lupain na nagmumungkahing ang mga hita ay hindi naging bahagi ng kabuuang pag-aangkop ng kalansay sa pamumuhay na pang-tubig.[5]
Paleobiolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkawala ng mga hita sa Eupodophis ay maaaring resulta ng mga pagbabago sa mga gene na Hox na tumutukoy sa pag-unlad ng mga spesipikong rehiyon ng katawan. Dahil ang mga gene na Hox ay nasasangkot sa pagtukoy ng mga spesipikong katangian ng aksiyal na kalansay, ang pagkawala ng mga hita ay magreresulta rin sa vertebrang serbikal(buntot) na malapit sa mga ito. Ang pagkawalang ito ay nakita sa Eupodophis at sa mga modernong ahas ngunit hindi sa mga butiking walang hita na maaaring higit na hindi karaniwan dahil ang ilang paktor maliban sa mga gene na Hox ay sangkot sa pagkawala ng mga hita. Ang pagkawala ng mga daliri sa mga likurang hita nito ay maaaring maipaliwanag ng isang mababang bilang ng mga selula sa hitang bud sa pag-unlad ng embryo.[5] Ang pagkawala ng mga harapang hita at pagliit ng mga likurang hita sa Eupodophis ay malamang na pag-aangkop sa paglangoy. Bagaman ang mga nabubuhay ngayong ahas ay karaniwang gumagamit ng tulad ng along paggalaw para sa paggalaw sa lupain, ang mga paikot ikot na galaw ay epektibong paraan rin sa paggalaw sa tubig. Ang mga malalaki at mahusay na umunlad na mga hita ay nagpapataas ng drag sa mga lumamalangoy na hayop kaya ang mga hita ng Eupodophis at iba pang mga sinaunang ahas ay maaaring naging bestihiyal upang makatipid sa enerhiya at gumawa sa paggalaw na mas maigi.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Fossilized Snake With Two Legs Found - Science - redOrbit". Nakuha noong 2008-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Ancient serpent shows its leg". BBC. Abril 10, 2008. Nakuha noong Abril 10, 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rage, J. C. & Escuillié, F. Un nouveau serpent bipède du Cénomanien (Crétacé). Implications phylétiques. C. R. Acad. Sci. Paris Earth Sci. 330, 513–520 (2000)
- ↑ Highfield, Roger (Abril 16, 2008). "Synchrotron X rays 'see' inside fossils - Telegraph". The Daily Telegraph. London. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-06-07. Nakuha noong 2008-04-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 Houssaye, A.; Xu, F.; Helfen, L.; Buffrénil, V. De; Baumbach, T; and Tafforeau, P. (2011). "Three-dimensional pelvis and limb anatomy of the Cenomanian hind-limbed snake Eupodophis descouensi (Squamata, Ophidia) revealed by synchrotron-radiation computed laminography". Journal of Vertebrate Paleontology. 31 (1): 2–7. doi:10.1080/02724634.2011.539650.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)