Fidel V. Ramos
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Fidel V. Ramos | |
---|---|
Ika-12 Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika | |
Nasa puwesto 30 ng Hunyo 1992 – 30 ng Hunyo 1998 | |
Pangalwang Pangulo | Joseph Ejercito Estrada |
Nakaraang sinundan | Corazon C. Aquino |
Sinundan ni | Joseph Ejercito Estrada |
Personal na detalye | |
Isinilang | 18 Marso 1928 Lingayen, Pangasinan, Pilipinas |
Yumao | 31 Hulyo 2022 | (edad 94)
Partidong pampolitika | Lakas-Christian Muslim Democrats |
Asawa | Amelita Martinez |
Trabaho | Militar |
Si Fidel Valdez Ramos (18 Marso 1928 – 31 Hulyo 2022) ay ang ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).Siya ay kauna unahang protestanting pangulo
Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981.
Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.
Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang siya noong 18 Marso 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae. Ang dating pangulong Fidel V. Ramos ay pumanaw noong Hulyo 31, 2022.
Karerang militar
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ni Ferdinand Marcos na ikalawang pinsan ni Ramos. Si Ramos ang namuno sa Philippine Constabulary o PC na sa panahong ito ay ang pangunahing serbisyo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nagsisilbing pambansang kapulisan noong 1972 nang ipataw ni Marcos ang Martial Law. Ito sumusugpo sa komunismo at mga kaguluhan sa bansa. Sinasabing si Ramos bilang chief ng PC at isa sa mga nagpapatupad ng Martial Law ay responsable sa pagdakip ng mga kalabang pampolitika ni Marcos, mga aktibista, mga nagpoprotesta, mga komunista at mediang bumabatikos kay Marcos. Gayunpaman, sinasabing siniguro ni Ramos na mapoprotektahan ang mga karapatan ng mga nabilanggo sa ilalim ng Martial Law.
Si Ramos ay naging kandidato bilang bagong Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1981 ngunit pinili ni Marcos si Fabian Ver na maging chief of staff nito. Si Ramos ay hinirang na vice-chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1982. Si Ramos ay naging acting chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1985 ngunit si Ver ay muling ibinalik bilang chief of staff matapos na mapawalang sala ito sa kaso ng pagpatay kay Ninoy Aquino.
Himagsikang People power
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Pebrero 22 1986, si Ramos ay kasama ni Enrile na nagprotesta laban sa sinasabing pandaraya ni Ferdinand Marcos sa snap election laban kay Corazon Aquino. Inurong nila ang kanilang pagsuporta kay Marcos at sumuporta kay Corazon Aquino. Ang pamilya Marcos ay napilitang lumikas sa Hawaii, Estados Unidos dahil sa 1986 people power at si Aquino ang naging pangulo ng bansa.
Chief of Staff ng Sandatahang Lakas at Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ni Aquino, si Ramos ay hinirang na Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Siya ay kalaunang hinirang ni Aquino na Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol. Sa panahong ito, hinawakan ni Ramos ang mga operasyong militar na sumugpo sa 9 na pagtatangkang coup laban sa pamahalaan ni Aquino.
Bilang Pangulo (1992–1998)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ramos ay tumakbo at nagwagi sa 1992 halalan ng pagkapangulo.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na programang repormang tinatawag na "Philippines 2000" na naglalayong baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na pinapatakbo ng pamilihan.[1] Sa ilalim ng pamumuno ni Ramos mula 1992 hanggang 1998, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.1 porsiyento.[2] Tinangka ng administrasyong Ramos na akitin ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng mga reporma sa batas at piskal na nagpapanatili sa mga sahod na mababa at nagpapalawig ng sonang nagpoproseso ng pagluluwas. Ang mga kasuotan at elektronics ay bumubuo ng 50 porsiyento ng mga pagluluwas ng Pilipinas. Binuwag ni Ramos ang mga monopolyo at ginawang pribado ang mga mahahalagang industriya. Gaya ni Corazon Aquino, umutang si Ramos mula sa IMF upang bayaran ang utang pandayuhan ng Pilipinas. Sinasabing ang paglago ng utang pandayuhan ng Pilipinas ay kawalang kakayahan ng pamahalaan na lumikom ng mga buwis at ang Pilipinas ay may pinakamataas na rate ng pagtakas sa pagbabayad ng buwis sa Asya. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakasalalay pa rin sa 4.2 milyong mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa na nagpapadala ng kanilang sahod sa Pilipinas. Ang mas maraming mga Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa kesa sa buong sektor ng pagmamanupaktura sa Pilipinas. Noong 1996, ang GNP rate ay 7.2 porsiyento at ang GDP at 5.2 porsiyento. Ang implasyon ay bumagsak sa 5.9 porsiyento mula sa 9.1 porsiyento noong 1995. Ang Krisis sa Pananalapi ng Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Ang deficit ng Pilipinas noong 1998 ay umabot ng P49.981 bilyong mula sa surplus na P1.564 bilyon noong 1997. Ang piso ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar mula P29.47 kada dolyar.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinundan: Fabian Ver |
Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas 1986–1988 |
Susunod: Renato De Villa |
Sinundan: Rafael M. Ileto |
Kalihim ng Tanggulang Pambansa 1988–1991 |
Susunod: Renato De Villa |
Sinundan: Corazon Aquino |
Pangulo ng Pilipinas 1992–1998 |
Susunod: Joseph Estrada |