Pumunta sa nilalaman

Gilberto Teodoro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gilbert Teodoro)
Gilberto C. Teodoro, Jr.
Si Gilberto Teodoro noong 2023.
Kalihim ng Tanggulang Bansa
Nasa puwesto
3 Agosto 2007 – 15 Nobyembre 2009
Nakaraang sinundanNorberto Gonzales
Sinundan niNorberto Gonzales
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
5 Hunyo 2023
Nakaraang sinundanUsec. Carlito Galvez Jr.
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Unang Distrito ng Tarlac
Nasa puwesto
30 Hunyo 1998 – 30 Hunyo 2007
Nakaraang sinundanJose Cojuangco Jr.
Sinundan niMonica Prieto-Teodoro
Personal na detalye
Isinilang (1964-06-14) 14 Hunyo 1964 (edad 60)
Maynila, Pilipinas
KabansaanPilipino
AsawaMonica Prieto-Teodoro
AnakJaime
Alma materPamantasang De La Salle
Unibersidad ng Pilipinas
Harvard Law School
TrabahoAbogado

Si Gilberto Eduardo Gerardo Cojuangco Teodoro Jr. PLH (ipinanganak 14 Hunyo 1964), mas kilala bilang Gilbert/Gibo,[1] ay ang dating kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas mula Agosto 2007 hanggang noong Nobyembre 2009. Siya ay nahalal bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2007, na kumakatawan sa Unang Distrito ng lalawigan ng Tarlac. Noong Marso 2009 ay ipinahayag niya ang pagnanais na tumakbo sa pagka-Pangulo ng Pilipinas noong Halalan ng Mayo 2010.

Siya ang nag-iisang anak nang dating tagapamahala ng Paseguruhan ng mga Manggagawa sa Pribadong Sektor Gilberto Teodoro Sr. at dating kasapi ng Batasang Pambansa na si Mercedes Cojuangco-Teodoro. Pamangkin din siya ni Eduardo Cojuangco Jr., tagapangulo ng San Miguel Corporation. [2]

Bukod sa pagiging kasapi ng Integrated Bar of the Philippines, UP Alumni Association, UP Law Alumni Association, Harvard Alumni Association at Harvard Law Alumni Association, lisensiyadong piloto din si Teodoro at Colonel sa Reserba ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Nagtapos ng elementarya at sekundarya si Teodoro sa Xavier School.

Si Teodoro ay nagtapos ng Batsilyer sa Komersyo mula sa Pamantasang De La Salle noong 1984. Taong 1989, nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan nagawaran siya ng Medalya ng Dekano sa Kahusayang Pang-Akademya. Nang taong ding iyaon, siya ay nanguna siya sa Philippine Bar exams.

Sa loob ng pitong taon, ginamit niya ang kanyang kakayanan bilang pribadong abogado sa EP Mendoza Law firm. Nag-aral siya sa Harvard Law School sa Cambridge, Massachusetts para sa kanyang Master of Laws at nagtapos noong 1997. Natanggap din siya sa State Bar ng New York nang taon ding iyon.

Karera sa politika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 1998 hanggang 2007 kinatawan siya ng Unang Distrito ng lalawigan ng Tarlac. Nanilbihan siya bilang Katulong na Pinuno ng Mayorya sa Ika-11 na Kongreso at pinuno ng mga kasapi ng Kapulungan na kasapi ng Nationalist People's Coalition. Kasapi rin siya ng mga kinatawan ng kapulungan sa Legislative-Executive Development Advisory Council.

Matapos ang kanyang tatlong termino pinalitan siya nang kanyang asawa na si Monica Prieto-Teodoro.

Kalihim ng Tanggulang Pambansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naitalaga si Teodoro bilang Kalihim ng Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa noong Agosto 2007 sa edad na 43, ang pinakabatang naupo sa posisyong iyon.

Kandidato sa pagkapangulo sa 2010

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Marso 2009 ipinahayag niya ang pagnanais na tumakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas sa darating na Halalan sa Mayo 2010.[3] Ilang buwan bago yun, umalis siya sa Nationalist People's Coalition para sumali sa nagsanib na partio ng administrasyon na Lakas-Kampi-CMD at isinama ang kanyang pangalan sa pagpipilian ng partido sa pagtakbo sa halalan sa 2010.

16 Setyembre 2009, sa pamamagitan ng sikretong botohan na mayroong 42-5 na pabor sa kanya, nang komitibang tagapagpaganap ng partidong Lakas-Kampi, siya ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng partido para sa darating na halalan, na nag-iwan sa katunggali niyang Tagapangulo ng MMDA Bayani Fernando. Ang pahayag na ginawa ng Kalihim-Heneral ng Lakas-Kampi Gabriel Claudio matapos ang ilang oras na deliberasyon.[4]

Pangulo ng Lakas-Kampi-CMD

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Nobyembre 20, inihayag ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pagbibitiw sa partido bilang Pangulo at inililipat na niya ang posisyon kay Teodoro[5].

Kalihim ng Tanggulang Bansa (2023 – kasalukuyan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hunyo 5, 2023, muling itinalaga si Teodoro bilang Kalihim ng Tanggulang Bansa ni Pangulong Bongbong Marcos, na pinalitan ng dating si Usec. Carlito Galvez Jr. sa posisyon (kung saan nagsilbi si Galvez bilang Defense Secretary sa isang officer-in-charge (OIC) na kapasidad mula noong Enero 9, 2023).[6]

Si Teodoro (kanan) at kalihim ng Tanggulang Bansa ng Estados Unidos na si Lloyd Austin III sa International Institute for Strategic Studies (IISS) habang ginaganap ang Shangri-La Dialogue sa Singapore, noong Hunyo 1, 2024.

Bilang Kalihim ng Tanggulang Bansa, si Teodoro Jr. ay nagkaroon ng matinding paninindigan laban sa mga paglusob ng mga Tsino sa karagatan ng Pilipinas. Inilarawan niya ang pagpasok ng Tsina sa karagatan ng Pilipinas na katulad ng pag-arte na parang mga ilegal na nakatira, o "squatters" sa mga kolokyal na termino ng Pilipinas.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Teodoro, Gilberto Jr Personal Information
  2. "Gilbert Teodoro: In His Uncle's Shadow". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-23. Nakuha noong 2009-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Palace cheers Teodoro’s plan to run in 2010
  4. Lakas-Kampi picks Gibô
  5. Philippine President Arroyo quits as ruling party head
  6. Geducos, Argyll Cyrus (Hunyo 5, 2023). "Marcos names Gibo Teodoro as defense chief". Manila Bulletin. Nakuha noong Hunyo 16, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Casilao, Joahna Lei (2023-10-18). "Teodoro to China on Pag-asa Island: 'Sila ang squatter'". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Jose Cojuangco, Jr.
Kinatawan, Unang Distrito ng Tarlac
1998–2007
Susunod:
Monica Prieto-Teodoro
Sinundan:
Norberto Gonzales
Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas
2007–kasalukuyan
Susunod:
'Nakaupo'