Pumunta sa nilalaman

Ginintuang Horda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gintong Horda)

Ang Ginintuang Horda (Mongol: Алтан Орд, romanisado: Altan Ord; Kasaho: Алтын Орда, Altın Orda; Tatar: Алтын Урда, Altın Urda) o Ulug Ulus - lit. “Dakilang Estado” sa Turko[1] ay isang kanato na orihinal na Mongol at sa kalaunan, naging Turko noong ika-13 dantaon at nagsimula bilang ang hilagang-kanlurang sektor ng Imperyong Mongol.[2] Sa pagkakawatak-watak ng Imperyong Mongol pagkatapos ng 1259, gumana ito bilang hiwalay na kanato. Nakilala din ito bilang ang Kanatong Kipchak o bilang ang Ulus ng Jochi.[3]

Pagkatapos ng kamatayan ni Batu Khan (ang tagapagtatag ng Ginintuang Horda) noong 1255, lumago ang kanyang dinastiya sa loob ng isang buong siglo, hanggang 1359, bagaman, ang intriga ni Nogai ang nagsulsol sa isang bahagiang digmaang sibil noong huling bahagi ng dekada 1290. Umabot sa rurok ang kapangyarihang militar ng Horda noong paghahari ni Uzbeg Khan (1312–1341), na nag-Islam. Sa tugatog ng Ginintuang Horda, lumawak ang teritoryo nito mula Siberia at Gitnang Asya hanggang sa ilang bahagi ng Silangang Europa mula sa mga bulubundukin ng Ural hanggang sa Danube sa kanluran, at mula sa Dagat Itim hanggang Dagat Kaspiyo sa timog, habang pinapalibutan ang Bulubundukin ng Kaukasya at ang mga teritoryo ng dinastiyang Mongol na kilala bilang Ilkanato.[3]

Nakaranas ang kanato ng marahas na panloob na pampolitikang kaguluhan na nagsimula noong 1359, bago ito sandaliang muling pinagkaisa (1381–1395) sa ilalim ni Tokhtamysh. Bagaman, agad-agad pagkatapos ng pagsalakay ni Timur, ang tagapagtatag ng Imperyong Timurida, noong 1396, nahati ang Ginintuang Horda sa maliliit na kanatong Tartaro na tuloy-tuloy na nanghina sa kapanyarihan. Noong simula ng ika-15 dantaon, nagsimulang gumuho ang Horda. Noong 1466, tinutukoy na ito bilang ang "Dakilang Horda." Sa loob ng teritoryo nito, umusbong ang ilang namamayaning kanato na nagsasalita ng Turko. Pinahintulutan ang mga panloob na pakikibaka na ito ang hilagang kampon na estadong ng Moskobiya na tanggalin ang sarili sa Pamatok na Tartaro sa Mahusay na Paninidigan sa Ilog Ugra noong 1480. Nakaligtas ang Kanatong Krimeano at ang Kanatong Kazakh, ang huling natitirang bahagi ng Ginintuang Horda, noong hanggang 1783 at 1847, ayon sa pagkakabanggit.

Ang pangalang Ginintuang Horda, na isang bahagiang hinaram na Ruso na Золотая Орда (Zolotája Ordá), na parang hiniram din sa Turko na Altan Orda, ay sinasabing inspirasyon mula sa isang Ginintuang kulay ng mga tolda ng mga Mongol na nabuhay noong panahon ng digmaan, o ang aktuwal na Ginintuang tolda na ginamit ni Batu Khan o Uzbek Khan,[4] o iginawad ng mga tributaryong Slabiko upang isalarawan ang malaking kayamanan ng kan. Nangangahulugan ang salitang Turko na orda na "palasyo", "kampo" o "punong himpilan," sa kasong ito, metonikong lumawak ang punong himpilan ng kan, na naging ang kabisera ng kanato, sa kanato mismo. Noon lamang ika-16 na dantaon na nagsimula ang nagsasalaysay na Ruso na tahasang gamitin ang katawagang "Ginintuang Horda" upang tukuyin itong partikular na sumunod sa kanato ng Imperyong Mongol. Ang unang kilalang paggamit sa katawagan, noong 1565, sa Rusong salaysay ng Kasaysayan ng Kazan, ay mailapat ito sa Ulus ng Batu (Ruso: Улуса Батыя), na nakasentro sa Sarai.[5][6] Sa kontemporaryong sulating Persyano, Armenyo at Muslim, at sa mga tala noong ikalabintatlo at ikalabing-apat na dantaon tulad ng Yuanshi at ang Jami' al-tawarikh, tinatawag ang kanato bilang ang "Ulus ng Jochi" ("lupain ng Jochi" sa Mongol), "Dasht-i-Qifchaq" (Kapatagang Qipchaq) o "Kanato ng Qipchaq" at "Comania" (Cumania).[7][8]

Ang silanganin o kaliwa (o "kaliwang kamay" sa opisyal na tumatangkilik sa Mongol na Persyanong sanggunian) ay tinutukoy bilang ang Bughaw na Horda sa mga Rusong salaysay at Puting Horda sa Timuridang pinagmulan (halimbawa: Zafar-Nameh). Kumiling na sinunod ng mga iskolar mula sa Kanluran ang pagpapangalan ng mga pinagmulang Timurida at tinawag ang kaliwa bilang ang Puting Horda. Ngunit tinawag ni Ötemish Hajji (fl. 1550), isang dalubhasa sa kasaysayan ng Khwarezm, ang kaliwa bilang ang Bughaw na Horda, at yayamang pamilyar siya sa tradisyong pasalita ng mga imperyong kanato, mukhang malamang na tama ang mga Rusong nagsasalaysay, at ang tinatawag ng kanato mismo ang kaliwa nito bilang ang Bughaw na Horda.[9] Tila ginagamit ng kanato ang katawagang Puting Horda upang tukuying ang kanan nito, na matatapuan sa tahanang kuta ni Batu sa Sarai at kinokontrol ang ulus. Bagaman, ang pagtatalagang Ginintuang Horda, Bughaw na Horda at Puting Horda ay hindi natatagpuan sa mga pinagmulan sa panahon ng Mongol.[10]

Pinagmulang Mongol (1225–1241)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang namatay si Genghis Khan noong 1227, hinati niya ang Imperyong Mongol sa kanyang apat na mga anak bilang mga appanage (lupaing binigay upang panustos sa kanyang kaanak), subalit nanatili ang Imperyo na nagkakaisa sa ilalim ng kataas-taasang kan. Panganay si Jochi ngunit namatay siya anim na buwan bago si Genghis. Ibinigay ang pinakakanlurang mga lupain na inokupa ng mga Mongol, na kabilang na kung saan Rusya at Kazakhstan na ngayon, sa mga panganay na lalaki ni Jochi, si Batu Khan, na sa kalaunan, naging pinuno ng Bughaw na Horda, at si Orda Khan, na naging pinuno ng Puting Horda.[11][12] Noong 1235, nagsimula si Batu kasama ang dakilang heneral na si Subutai ng isang pasalakay pakanluran, unang sinakop ang mga Bashkir at nagpatuloy tungo sa Bolga Bulgarya noong 1236. Mula doon, sinakop niya ang ilang katimugang kapatagan ng kasalukuyang Ukranya noong 1237, na pinuwersa ang maraming lokal na Cuman na umatras tungong kanluran. Nagsimula na ang kampanyang Mongol laban sa mga Kypchak at Cuman sa ilalim nina Jochi at Subutai noong 1216–1218 nang sumilong ang mga Merkit sa kanila. Noong 1239, napaalis ang isang malaking bahagi ng mga Cuman sa Tangway ng Krimeano, at ito ay naging isa sa mga appanage ng Imperyong Mongol.[13] Nakaligtas ang mga natirang Krimeanong Cuman sa bulubunduking Krimeano, at makikihalo din sila sa kalaunan sa ibang mga pangkat sa Krimea (kabilang ang mga Griyego, Godo, at Mongol) upang buuin ang Krimeanong Tartarong populasyon. Gumalaw tungo hilaga, nagsimula si Batu ng Mongol na pasalakay sa Rus' at ginugol ang tatlong taon upang pasukuin ang prinsipalidad ng dating Kievan Rus', habang gumalaw ang kanyang mga pinsan na sina Möngke, Kadan, at Güyük tungong timog sa Alania.

Mapagpasyang tagumpay ng Ginintuang Horda sa Labanan ng Mohi

Gamit ang pandarayuhan ng mga Cuman bilang kanilang casus belli, nagpatuloy ang mga Mongol sa kanluran, na nilusob ang Polonya at Unggarya, na humantong sa mga tagumpay ng Mongol sa mga labanan ng Legnica at Mohi. Bagaman noong 1241, namatay si Ögedei Khan sa kanyang tinubuang bayan na Mongolia. Tumalikod si Batu sa kanyang pagkubkob sa Vienna ngunit hindi nagbalik sa Mongolia, sa halip piniling manatili sa Ilog Bolga. Bumalik ang kanyang kapatid na si Orda upang makibahagi sa paghalili. Hindi na muling maglalakbay ang mga hukbong Mongol sa malayong kanluran. Noong 1242, pagkatapos umatras sa Unggarya, winasak ang Pest dulot nito, at pinasuko ang Bulgaria,[14] Itinatag ni Batu ang kabisera sa Sarai, na namuno sa mababang kahabaan ng Ilog Bolga, sa lugar ng kabisera ng Khazar na Atil. Daglian pagkatapos nito, nabigyan ang nakakabatang kapatid nina Batu at Orda, si Shiban, ng kanyang sariling malaking ulus sa silangan ng bulubundukin ng Ural sa mga ilog ng Ob at Irtysh.

Habang walang duda na pangkalahatang ginagamit ang wikang Mongol sa korte ni Batu, kakaunting teksto na sinulat sa teritoryo ng Ginintuang Horda ang nakaligtas, marahil dahil sa laganap na pangkalahatang kawalan ng kakayahan ng bumasa at sumulat. Sang-ayon kay Grigor'ev, sinulat ang yarliq o mga atas ng mga Kan, sa Mongol, pagkatapos sinalin sa wikang Cuman. Ang pagkakaroon ng Arabe-Mongol at Persyano-Mongol na mga diksyunaryo na pinetsahan noong gitna ng ika-14 na siglo at hinanda para sa paggamit ng Ehipsiyanong Sultanatong Mamluk ay minumungkahi na mayroong isang praktikal na pangangailangan para sa ganoong mga gawa sa kansilleriya na nangangasiwa ng pagsusulatan sa Ginintuang Horda. Samakatuwid, ang mga sulat na natanggap ng mga Mamluk - kung hindi nila sinulat - ay dapat naging sa Mongol.[14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The History and Culture of the Golden Horde (Room 6)" (sa wikang Ingles). The State Hermitage Museum, Sankt Petersburg. Nakuha noong 21 Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Perrie, Maureen, pat. (2006). The Cambridge History of Russia: Volume 1, From Early Rus' to 1689 (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 130. ISBN 978-0-521-81227-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Golden Horde". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). 2007. Also called Kipchak Khanate Russian designation for Juchi's Ulus, the western part of the Mongol Empire, which flourished from the mid-13th century to the end of the 14th century. The people of the Golden Horde were mainly a mixture of Turkic and Uralic peoples and Sarmatians & Scythians and, to a lesser extent, Mongols, with the latter generally constituting the aristocracy. Distinguish the Kipchak Khanate from the earlier Cuman-Kipchak confederation in the same region that had previously held sway, before its conquest by the Mongols.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Atwood (2004), p. 201.
  5. "рЕПЛХМ гНКНРЮЪ нПДЮ - НЬХАЙЮ РНКЛЮВЮ 16 ЯРНКЕРХЪ (мХК лЮЙЯХМЪ) / оПНГЮ.ПС - МЮЖХНМЮКЭМШИ ЯЕПБЕП ЯНБПЕЛЕММНИ ОПНГШ" (sa wikang Ruso). Proza.ru. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-04-13. Nakuha noong 2014-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ostrowski, Donald G. (Tagsibol 2007). "Encyclopedia of Mongolia and the Mongol Empire, and: The Mongols and the West, 1221–1410, and: Daily Life in the Mongol Empire, and: The Secret History of the Mongols: A Mongolian Epic Chronicle of the Thirteenth Century (review)". Kritika: Explorations in Russian and Eurasian History (sa wikang Ingles). Project MUSE. 8 (2): 431–441. doi:10.1353/kri.2007.0019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. May, T. (2001). "Khanate of the Golden Horde (Kipchak)" (sa wikang Ingles). North Georgia College and State University. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 14, 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Spinei, Victor (2009). The Romanians and the Turkic Nomads North of the Danube Delta from the Tenth to the Mid-Thirteenth Century (sa wikang Ingles). Brill. p. 38. ISBN 978-90-04-17536-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Atwood (2004), p. 41.
  10. Allsen (1985), pp. 5–40.
  11. Edward L. Keenan, Encyclopedia Americana na artikulo (sa Ingles)
  12. Grekov, B. D.; Yakubovski, A. Y. (1998) [1950]. The Golden Horde and its Downfall (sa wikang Ruso). Moscow: Bogorodskii Pechatnik. ISBN 978-5-8958-9005-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "History of Crimean Khanate". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Ingles)
  14. 14.0 14.1 Sinor, Denis (1999). "The Mongols in the West". Journal of Asian History (sa wikang Ingles). Harrassowitz Verlag. 33 (1): 1–44. JSTOR 41933117.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)