Pumunta sa nilalaman

Golpo ng Panay

Mga koordinado: 10°15′00″N 122°14′55″E / 10.2500°N 122.2486°E / 10.2500; 122.2486
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Golpo ng Panay
Retratong satelayt ng Lungsod ng Iloilo at Pulo ng Guimaras, kasama ang golpo sa ibabang kaliwa
Location
Mga koordinado10°15′00″N 122°14′55″E / 10.2500°N 122.2486°E / 10.2500; 122.2486
Typegolpo
Settlements

Ang Golpo ng Panay ay isang karugtong ng Dagat Sulu na unaabot sa pagitan ng mga pulo ng Panay at Negros sa Pilipinas. Ang golpo ay naglalaman ng lalawigang-pulo ng Guimaras at umaabot sa Look ng Santa Anna sa pagitan ng Panay at Guimaras at sa Kipot ng Guimaras sa pagitan ng Guimaras at Negros. Ini-uugnay ng Kipot ng Guimaras ang Golpo ng Panay sa Dagat Kabisayaan.

Ang Pantalan ng Iloilo ay ang pinaka-abalang pantalan sa golpo, na ginagamit bilang pangunahing ruta ng mga barkong naglalayag sa mga lugar sa pagitan ng Lungsid ng Iloilo, Bacolod, at Lungsod ng Zamboanga sa dakong timog.

Ang Pagdating sa Panay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa golpo.