Ebanghelyo ni Juan
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Ebanghelyo ni Juan o Ebanghelyo ayon kay Juan[1] ay ang pang-apat na ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Biblia. Sinulat ni Juan ang kaniyang ebanghelyo noong mga taong 95 hanggang 100.[1]
Komposisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinukoy ng ebanghelyong ito ang may-akda nito bilang ang "alagad na inibig ni Hesus. Gayunpaman, hindi aktuwal pinangalan ng tekstong ito ang alagad na ito ngunit sa simula ng ika-2 siglo AD, ang isang tradisyon ay nagsimulang mabuo na tumukoy kay Apostol Juan sa alagad na ito. Ang karamihan sa mga skolar ng Bagong Tipan ay hindi naniniwalang isinulat ito ni Apostol Juan o anumang saksi(eyewitness)[2][3][4][5][6][7] kundi sa isang "pamayanang Johannine" na bumakas sa mga tradisyon kay Juan. Ang ebanghelyong ito ay nagpapakita ng mga tanda ng pagkakalikha sa tatlong mga patong(layers) na tumungo sa huling anyo nito noong mga 90-100 AD.[8][9] Ayon sa mga ama ng simbahan, ang mga obispo sa Asya menor ay humiling kay Apostol Juan sa matandang edad nito na sumulat ng isang ebanghelyo bilang tugon kay Cerinthus, mga Ebionita, at iba pang mga pangkat Hebreo na itinuturing na heretikal.[10][11][12] This understanding remained in place until the end of the 18th century.[13]
Ang Ebanghelyo ni Juan ay nabuo sa loob ng mahabang panahon sa iba't ibang mga yugto [14] at ibinuod ni Raymond E. Brown bilang sumusunod:[15]
- Isang inisyal na bersiyon batay sa personal na karanasan kay Hesus;
- Isang naka-istrakturang pagkakalikhang panitikan ng ebanghelista na humugot sa mga tradisyonal na pinagkunan;
- Ang huling pagkaka-isa(harmony) na kasalukuyang umiiral sa kanon ng Bagong Tipan mga 85-90 AD.[16]
Sa pananaw ng komplikado at maraming patong na kasaysayang ito, walang saysay na salitain ang isang may-akdang Juan ngunit ang pamagat ay marahil mahusay na napapabilang sa ebanghelistang dumating sa huli ng prosesong ito.[17] Ang kalaunang petsa ng huling komposisyon at ang pagpipilit kay Hesus bilang isang diyos na lumakad sa mundo sa anyong tao ay gumagawa ritong problematiko sa mga skolar na nagtatangka na siyasatin ang buhay ni Hesus sa mga termino ng katotohanan historikal. [18][19]
Mga pinagkunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakaayos ng materyal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga iba pa, si,Rudolf Bultmann ay nagmungkahing[20] ang teksto ng ebanghelyong ito ay sa isang bahagi wala sa kaayusan. Halimbawa, ang kapitulo 6 ay dapat sumunod sa kapitulo 4:[21]
- Juan 4:53 Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, Gagaling ang inyong anak. Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.
- Juan 4:54 Ito ang pangalawang himalang ginawa ni Jesus sa Galilea pagkagaling mula sa Judea.
- Juan 6:1 Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias.
- Juan6:2 Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang pagpapagaling niya sa mga maysakit.
Ang kapitulo 5 ay umuukol sa pagbisita sa Herusalem at ang kapitulo 7 ay nagbubukas kay Hesus na muli sa Galilea dahil "hindi siya lalakad sa gitna ng Sangka-Hudyohan, dahil ang mga Hudyo ay naghahangad na patayin siya" na isang konsekwensiya ng insidente sa Herusalem na inilalarawan sa kapitulo 5. Marami pang iminungkahing mga muling pagsasaayos.
Ebanghelyo ng mga tanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang isang posibleng konstruksiyon ng "panloob na ebidensiya" ay nagsasaad na ang Iniibig na Alagad ay sumulat ng salaysay ng buhay ni Hesus.[21:24] Gayunpaman, ang alagad na ito ay hindi inaasahang namatay na nagangailangan na ang isang binagong ebanghelyo ay isulat.[21:23] Maaaring si Juan "ang pinagkunan" ng tradisyong Johannine ngunit "hindi ang huling may-akda ng tradisyon."[22] Dahil dito, ang mga skolar ay hindi na naghahanap ng identidad ng isang may-akda ngunit ng maraming mga may-akda na ang pagiging may-akda ng mga ito ay nasipsip sa pagkakabuo ng ebanghelyo sa loob ng mahabang panahon at sa maraming mga yugto.[14][23][24]
Ang hipotesis na ang ebanghelyong ito ay binuo sa maraming mga patong sa loob ng mahabang panahon ay nagmula kay Rudolf Bultmann noong 1941. Si Bultmann ay nagsaad [20] na ang mga may-akda ng Ebanghelyo ni Juan ay nakadepende sa isang bahagi sa may-akda na sumulat ng isang mas naunang salaysay. Ang hipotetikal na "Ebanghelyo ng mga tanda"(Signs Gospel) na nagtatala ng mga himala ni Hesus ay independiyente at hindi ginamit ng mga ebanghelyong sinoptiko(Ebanghelyo ni Marcos, Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas). Pinaniwlaang ito ay kumaklat na bago pa ang 70 AD. Ang konklusyon ni Bultmann ay napaka-kontrobersiyal na ang mga pagsasakdal ng heresiya ay ginawa sa kanya at sa kanyang mga akda. Gayunpaman, ang mga skolar gaya ni Raymond Edward Brown ay patuloy na tumuring sa hipotesis na isang mapapaniwalaang posibilidad. Ang mga skolar na ito ay naniniwalang ang orihinal na may-akda ng "Signs Gospel" ang Iniibig na Alagad. Kanila ring ipiningatwiran na ang alagad na bumuo ng pamayanang ito ay parehong isang historikal na indibidwal at kasama ni Hesus. Si Brown ay nagmungkahi pa na ang Iniibig na Alagad ay naging alagad ni Juan Bautista bago maging alagad ni Hesus. [15]
Mga diskurso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang may-akda nito ay maaaring gumamit ng isang pinagkunang binubuo ng mahabang mga diskurso[25] ngunit ang isyu na ito ay hindi nabigyan ng liwanag. [26]
Ang Trimorphic Protennoia
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa terminolohiyang malapit sa natagpuan sa kalaunang mga akdang Gnostiko, ang isang traktong kilala bilang "The Trimorphic Protennoia" ay dapat nakadapende sa Ebanghelyo ni Juan o ang Ebanghelyo ni Juan ang nakadepende dito.[27]
Petsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ebanghelyo ni Juan ay maliwanag na isinulat sa huli ng unang siglo AD.[28][29] Ang skolar na si Bart D. Ehrman ay nangatwirang may mga pagkakaiba sa komposisyon sa Griyego sa Ebanghelyong ito gaya ng mga paghinto at mga inkonsistensiya sa sekwensiya, mga repetisyon sa diskurso, gayundin sa mga talata na ayon kay Ehrman ay maliwanag na hindi kabilang sa konteksto. Naniniwala si Ehrman na ang mga ito ay nagmumungkahi ng Redaksiyon.[30]
Ang tinatawag na "Monarchian Prologue" sa Ikaapat na Ebanghelyo (c. 200) ay sumusuporta sa petsang 96 AD o isa mga taon na sandaling sumunod sa panahong ng pagkakasulat nito.[31] Ang mga skolar ay nagtakda ng saklaw ng panahon na mga c. 90–100.[32] Ang ebanghelyong ito ay umiiral na sa simula ng ika-2 siglo AD. [33] Ang Ebanghelyo ni Juan ay binuo sa mga yugto na malamang dalawa o tatlo.[34] Simula sa gitna ng ika-2 siglo, ang mga akda ni Justin Martyr ay gumamit ng wika na napaka-katulad ng matatagpuan sa Ebanghelyo ni Juan at ang Ebanghelyo ni Juan ay itinuturing na umiiral na sa mga panahong iyon.[35] Ang Rylands Library Papyrus P52 na nagtatala ng isang pragmento(hindi kumpletong manuskrito) ng ebanghelyong ito ay karaniwang pintesahan sa unang kalahati ng ika-2 siglo AD. [36]
Ang Mga skrolyo ng Patay na Dagat ay nagmumungkahi ng sinaunang pinagmulang Hudyo, mga pagkakatugma at pagkakatulad sa skrolyong Essene at Patakaran ng Pamayanan(Rule of the Community).[37] Maraming mga parirala ay kinopya(duplicated) sa Ebanghelyo ni Juan at Mga skrolyo ng Patay na Dagat. May sapat na mga hamon sa teoriyang ang Ebanghelyo ni Juan ang huling isinulat sa mga apat na kanonikal na ebanghelyo[38] at ito ay nagpapakitang markadong hindi Hudyong impluwensiya.[39]
Kasaysayang tekstuwal at mga manuskrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Rylands Library Papyrus P52 na isang papyrus na Griyego na natagpuan sa Ehipto noong 1920 ang pinakalumang pragmento ng Bagong Tipan. Bagaman ang P52 ay mayroong hindi hihigit sa 114 mababang mga letra, ito ay tiyak nagmula isang malaking aklat na codex dahil ito ay isinulat sa parehong panig na ang John 18:31–33 ay nasa isang panig at ang 18:37–38 ang nasa likod na panig. Ang umiiral na teksto ay malapit na umaayon sa Ebanghelyo ni JUan ngunit hindi dapat ipagpalagay na ang orihinal na manusrkito ay naglalaman ng buong Ebanghelyo ni JUan sa anyong kanonikal nito. Itinala nina Metzger at Aland ang malamang na petsa nito na mga c. 125[40][41]. Gayunpaman, ang kahirapan sa pagtatantiya ng petsa ng tekstong literaryo batay lamang sa ebidensiyang paleograpiya ay labis na pumapayag sa saklaw ng petsa na lumalawig mula bago ng 100 AD hanggang sa ikalawang kalahati ng ika-2 siglo AD.
Ebanghelyong Egerton
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang misteryosong Ebanghelyong Egerton ay lumilitaw na kumakatawan sa isang tumutugma ngunit independiyenteng tradisyon sa Ebanghelyo ni Juan. Ayon sa skolar na si Ronald Cameron, ito ay orihinal na isinulat sa pagitan ng gitna ng unang siglo AD at simulang ika-2 siglo AD at ito ay malamang na sinulat sa sandaling bago isulat ang Ebangheloyo ni Juan.[42] Ang skolar ni si Robert W. Funk at ang Jesus Seminar ay naglalagay sa pragmentong Egerton sa ika-2 siglo AD at marahil ay sa mga 125 AD na gumagawa ritong luma tulad ng pinakalumang pragmento ng Ebanghelyo ni Juan. [43]
Posisyon sa Bagong Tipan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pamantayang kaayusan ng mga ebanghelyong kanonikal, ang Ebanghelyo ni Juan ang ikaapat pagkatapos ng tatlong mga sinoptikong ebanghelyo na Ebanghelyo ni Mateo, Ebanglyo ni Marcos at Ebanghelyo ni Lucas. Sa pinakalumang umiiral na kalipunang ebanghelyo na Papyrus 45 ng ika-3 sigloAD, ang Ebanghelyo ni Juan ay nakalagay bilang ikalawa sa kaayusang Mateo, Juan, Lucas at Marcos na kaayusang matatagpuan rin sa ibang napakalumang mga manuskrito ng Bagong Tipan. Sa syrcur, ito ay nakalagay na ikatlo sa kaayusang Mateo, Marcos, Juan at Lucas. [44]
Teolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Hesus ayon sa Ebanghelyo ni Juan ay isang preeksistenteng Logos (Juan 1:1-14) na isang Diyos na nagkatawang tao. Ang Logos ay isang konsepto sa Pilosopiyang Griyego na pinalawig ng Hudyong-Helenistikong si Philo ng Alehandriya(20 BCE-50 CE). Gayunpaman, tila ito ay sinsalungat sa Juan 10:33-35 nang sabihin ni Hesus na "Sinagot siya ng mga Hudyo, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Diyos. Sinagot sila ni Hesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga Diyos? Kung tinawag niyang mga Diyos, yaong mga dinatnan ng salita ng Diyos (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan)". Ito sy hinango mula sa Aklat ng mga Awit 82:1-6:
- Ang Diyos (El (diyos) ay tumatayo sa kapisanan ng mga Diyos(Elohim) Siya'y humahatol sa gitna ng mga Diyos.Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, At magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah)Hatulan mo ang dukha at ulila: Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;Sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.Aking sinabi, Kayo'y mga Diyos(Elohim,At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
Mga bahagi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ng apat na mga bahagi ang Ebanghelyo ayon kay Juan:[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Ebanghelyo ayon kay Juan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Anderson 2007, p. 19."These facts pose a major problem for the traditional view of John's authorship, and they are one of the key reasons critical scholars reject it."
- ↑ Lindars, 1990, p. 20."It is thus important to see the reasons why the traditional identification is regarded by most scholars as untenable."
- ↑ The New Interpreter's Dictionary of the Bible: Volume 3 Abingdon Press, 2008. p. 362 "Presently, few commentators would argue that a disciple of Jesus actually wrote the Fourth Gospel,..."
- ↑ Marilyn Mellowes The Gospel of John From Jesus to Christ: A Portrait of Jesus' World. PBS 2010-11-3. "Tradition has credited John, the son of Zebedee and an apostle of Jesus, with the authorship of the fourth gospel. Most scholars dispute this notion;..."
- ↑ D. A. Carson, Douglas J. Moo. An introduction to the New Testament. Zondervan; 2 New edition. 2005. Pg 233 “The fact remains that despite support for Johannine authorship by a few front rank scholars in this century and by many popular writers, a large majority of contemporary scholars reject this view.”
- ↑ "To most modern scholars direct apostolic authorship has therefore seemed unlikely." "John, Gospel of." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ Harris 1985 pp. 302–10. "John."
- ↑ Harris 1985 pp. 367–432. "Glossary."
- ↑ Hill 2004 pp. 391, 444.
- ↑ Victorinus, CA 11.I
- ↑ Irenaeus AH 3.11
- ↑ Fonck, Leopold. "Gospel of St. John." The Catholic Encyclopedia. Vol. 8. New York: Robert Appleton Company, 1910. 9 Jun. 2009.
- ↑ 14.0 14.1 Anderson 2007 p. 77.
- ↑ 15.0 15.1 Brown 1997 pp. 363–4.
- ↑ Lindars 1990 p. 16.
- ↑ Lindars 1990 p. 20. "It is the evangelist who comes at the end of the process who is the real author of the Fourth Gospel."
- ↑ Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985. p. 268.
- ↑ so that "it is primarily in the Synoptics that we must seek information about Jesus." Sanders, E. P. The historical figure of Jesus. Penguin, 1993. p. 57.
- ↑ 20.0 20.1 Das Evangelium des Johannes, 1941 (translated as The Gospel of John: A Commentary, 1971)
- ↑ Wikisource: John in KJV
- ↑ Anderson 2007 p. 78.
- ↑ Brown 1979 pp. 31–4.
- ↑ Ang pragmentong Muratorian(c. 180 CE) ay nagsasaad na bagaman si Juan ang pangunahing may-akda, ang ilang mga tao ay sangkot dito, ang mutwal na rebisyon o pagbabago ay bahagi ng orihinal na layunin ng mga may-akda, at ang mga editor ay kinabibilangan ni Apostol Andres. Geza Vermes, The authentic gospel of Jesus, London, Penguin Books. 2004. A note on sources, p. x-xvii.
- ↑ Funk 1993 p. 542–8. "Glossary."
- ↑ Theissen 1998. Ch. 2. "Christian sources about Jesus."
- ↑ Lindars 1990 p. 65.
- ↑ 'The time of origin is to be put around the turn of the century.' Theissen, Gerd and Annette Merz. The historical Jesus: a comprehensive guide. Fortress Press. 1998. translated from German (1996 edition). p. 36.
- ↑ '[T]he Gospel circulated abroad during the first half of the 2nd century but was probably composed about 90—100 CE.' Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985. p. 303.
- ↑ Ehrman, Bart. A Brief Introduction to the New Testament. Oxford University Press, USA. 2004. ISBN 0-19-516123-8. p. 164–5.
- ↑ Fonck, Leopold. "Gospel of St. John." The Catholic Encyclopedia. Vol. 8. New York: Robert Appleton Company, 1910. 7 Aug 2009.
- ↑ Bruce 1981 p. 7.
- ↑ Livingstone, E. A. The Concise Oxford Dictionary of the Christian Church. Oxford University Press, USA, 2006. ISBN 978-0-19-861442-5. p. 313
- ↑ Mark Allan Powell. Jesus as a figure in history. Westminster John Knox Press, 1998. ISBN 0-664-25703-8/978-0664257033. p. 43.
- ↑ Justin Martyr Naka-arkibo 2012-06-01 sa Wayback Machine. NTCanon.org. Retrieved April 25, 2007.
- ↑ Nongbri, Brent, 2005. "The Use and Abuse of P52: Papyrological Pitfalls in the Dating of the Fourth Gospel." Harvard Theological Review 98:23–52.
- ↑ Rule of the Community. "And by His knowledge, everything has been brought into being. And everything that is, He established by His purpose; and apart from Him nothing is done."
- ↑ Roberts, “An Unpublished Fragment of the Fourth Gospel in the John Rylands Library”, Bulletin of the John Rylands Library XX, 1936:45-55.
- ↑ "Out of the Desert". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-02. Nakuha noong 2012-06-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bruce M. Metzger. The text of the New Testament: its transmission, corruption, and restoration. Oxford University Press, 1992. ISBN 0-19-507297-9. p.56
- ↑ Kurt Aland, Barbara Aland. The Text of the New Testament: an Introduction to the Critical Editions and to the Theory and Practice of Modern Textual Criticism. Wm. B. Eerdmans, 1995. ISBN 0-8028-4098-1/978-0802840981. p.99
- ↑ Ronald Cameron, editor. The Other Gospels: Non-Canonical Gospel Texts, 1982
- ↑ Funk 1993 p. 543.
- ↑ Thomas Spencer Baynes, The Encyclopædia Britannica: A Dictionary of Arts, Sciences, and General Literature, 9th Ed., Vol. 5. A. & C. Black, 1833 pp.13
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ebanghelyo ni Juan (John), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Ang Mabuting Balita ayon kay Juan, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, mula sa AngBiblia.net
- Tagalog (John and James) Bible, Tagalog na Bibliya (Juan at Santiago lamang) na nasa pampublikong dominyo, mula sa HtmlBible.com at JohnHurt.com.
- Ebanghelyo ni Juan, Ang Salita ng Diyos (SND, 1998), Bibliyang Tagalog sa Internet (Bagong Tipan), BiblesInternational, BibleGateway.com