Pumunta sa nilalaman

Bikol Ekspres

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gulay na may lada)
Bikol Ekspres
Ibang tawagBicol Express, Sinilihan
UriNilaga
LugarPilipinas
GumawaCecila Kalaw
Pangunahing SangkapSiling haba, gata, bagoong or daing, sibuyas, baboy, bawang
BaryasyonInulukan, Ginataang Isda, Laing, Pinakbet, gulay na may lada, Pinangat, Dinamita, Gising-gising

Ang Bikol Ekspres, na kilala sa katutubong Bikol bilang sinilihan, ay isang tanyag na lutuing Pilipino na pinasikat sa distrito ng Malate, Maynila ngunit ginawa sa tradisyonal na istilong Bikolano. Isa itong nilaga na gawa sa siling haba o siling labuyo, gata/katang gata, bagoong alamang o daing, sibuyas, karneng baboy, luya at bawang. Binansagan ang ulam ni Cely Kalaw, isang residente ng Laguna resident, noong isang kompetisyon sa pagluluto noong dekada 1970 sa Malate, Maynila. Nainspira ang pangalan nitong ulam ng Bicol Express na daambakal (Pambansang Daambakal ng Pilipinas) na tumakbo mula Tutuban, Maynila patungo sa Legazpi, Albay (sentro ng Kabikulan). Ang kilalang pangalan para sa ulam na ito sa Kabikulan sa Pilipinas ay gulay na may lada, na sa ngayon ay isa sa mga behetarianong uri ng Bikol Ekspres. Habang lumalaon, dumami ang mga uri ng Bikol Ekspres na nagkaroon ng pagkaing-dagat, karneng baka, pesketariano, behetariano, begano, at iba pang mga uri. Nag-iiba-iba ang paghahanda sa mga putaheng ito ayon sa karneng ginagamit sa putahe. Mayaman sa protina ang orihinal na uri ng Bikol Ekspres, ngunit masama sa katawan dahil mataas ang saturated fat at kolesterol nito. Nagsimula na ang pagpoproseso at komersyal na produksyon nito para mas madali itong ibenta at maiimbak din ito nang mas matagal.

Mapa ng ruta ng Bicol Express

Pormal na binansagan ang Bikol Ekspres ni Cely Kalaw, na taga-Laguna, bilang resulta ng kanyang karanasan sa kompetisyon sa pagluluto sa dekada 1970 sa Malate, Maynila.[1][2] Inilikha niya ang bagong ulam na ito bilang tugon sa matinding kagustuhan ng kanyang mga suki para sa isang maanghang at mainit na ulam na gawa sa gabi.[3] Habang sinusubukang maghanap ng pangalan para sa ulam, narinig ng kapatid ni Kalaw ang tunog ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas na dumaan sa restawran ni Kalaw para dumating sa Maynila.[1][3] Nagbigay-inspirasyon ang kaganapang ito para pangalanang 'Bicol Express' ni Kalaw ang ulam batay sa tren ng PNR na pinogramang dumaan sa rutang Maynila-Legazpi.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Pinas Sarap 2017, brodkast sa telebisyon, GMA Network TV, Pilipinas, Marso 23. Iniharap ni Kara David.
  2. Marketman 2006, 'Who invented the Incendiary Bicol Express dish?' [Sinong nag-imbento ng Maapoy na ulam na Bikol Ekspres?] (sa wikang Ingles), Market Manila, Hunyo 25, nakita noong Oktubre 24, 2020
  3. 3.0 3.1 De Leon, A 2006, 'Soul Train: The Unlikely Beginnings of a Beloved Filipino Dish' ['Tren ng Kaluluwa: Di-inaasahang Simula ng isang Minamahal na Pilipinong Ulam'] (sa wikang Ingles), Chile Pepper Magazine, Oktubre.
  4. Gilbas, S 2014, 'Food for Love: Bicolano's Culture in Merlinda Bobis' Novel' ['Pagkain para sa Pag-ibig: Kultura ng mga Bikolano sa Nobela ni Merlinda Bobis'] (sa wikang Ingles), IAMURE Multidisciplinary Research, vol. 6, no. 1, mga pa. 37–56
  5. Wine, C 1993, 'See related wine review on page H2 Pine & Bamboo lavishes care on each ingredient' ['Tingnan ang kaugnay na pagsusuri sa alak sa pahinang H2 Pine & Bamboo, nag-iingat nang labis-labis sa bawat sangkap'] (sa wikang Ingles), Toronto Star, Setyembre 4, p. 1-2