Siling haba
Itsura
Siling haba | |
---|---|
Sari | Capsicum |
Espesye | Capsicum annuum |
Kultibar | 'Siling haba' |
Kaanghangan | Maanghang |
Sukatang Scoville | 50,000 SHU |
Ang siling haba o siling mahaba (tinatawag ding siling pangsigang at siling Tagalog), ay isa sa 2 karaniwang uri ng sili na likas na matatagpuan sa Pilipinas, ang isa ay ang siling labuyo.
Ang bunga ng siling haba ay lumalaki ng 5 hanggang 7 sentimetro ang haba, at kulay matingkad na berde. Bagaman may taglay na anghang, ito ay katamtaman lang at mas kaunti ang pagka-anghang kumpara sa siling labuyo.[1]
Ang siling haba ay karaniwang isinasangkap sa mga lutuing Pinoy, na pinapaanghang ang mga ulam gaya ng sinigang, dinuguan, pinangat, kilawin, paksiw, at sisig.
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Fernandez, Doreen. (1994). Tikim: Essays on Philippine Food and Culture. Anvil Publishing. p. 248. ISBN 971-27-0383-5. Nakuha noong 2010-01-27.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.