Pumunta sa nilalaman

Hangganang pandagat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katangian, limitasyon at mga sona

Ang hangganang pandagat ay isang konseptuwal na paghahati ng ibabaw ng katubigan ng Daigdig gamit ang batayang pisyograpiko o heopolitikal. Sa gayon, karaniwang nakapaloob dito ang mga lugar na may eksklusibong karapatan ang isang bansa sa mga mineral at yamang biyolohikal.[1] Sa pangkalahatan, ang hangganang pandagat ay ginuguhitan sa pamamagitan ng isang tanging pagsukat mula sa baybayin ng lupang nasasakupan. Bagaman sa ibang bansa, ang terminong hangganang pandagat ay kumakatawan sa hangganan ng isang bansang kapuluan,[2] karaniwan nilang ginagamit ito upang malaman ang simula ng pandaigdigang katubigan.

Umiiral ang mga hangganang pandagat sa konteksto ng mga katubigang teritoryal, sonang kanugnog, at eksklusibong sonang ekonomiko; subalit, hindi saklaw ng terminolohiya ang mga hangganan sa lawa o ilog, na itinuturing na nakapaloob sa konteksto ng hangganang panlupa.

Nananatiling di-maitakda ang ilang hangganang pandagat, sa kabila ng pagsisikap upang linawin ang mga ito. Dahil ito sa maraming kadahilanan, ang ilan dito'y sumasalamin sa mga problema sa isang rehiyon.[3]

Ang pagtatakda ng hangganang pandagat ay may implikasyon sa estratehiya, ekonomiya at kalikasan.[4]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. VLIZ Maritime Boundaries Geodatabase, General info; Hinango 19 Nobyembre 2010
  2. United States Department of State, Maritime boundaries; Hinango 19 Nobyembre 2010.
  3. Valencia, Mark J. (2001). Maritime Regime Building: Lessons Learned and Their Relevance for Northeast Asia, pp. 149-166., p. 149, sa Google Books
  4. Geoscience Australia, Law of the Sea and Maritime Advice Project Naka-arkibo 2010-09-09 sa Wayback Machine..