Pumunta sa nilalaman

Heograpiya ng Aserbayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Heograpiya ng Azerbaijan
KontinenteEuropa/Asya
RehiyonKaukasya
Koordinado40°30′N 47°30′E / 40.500°N 47.500°E / 40.500; 47.500
LawakRanggo ika-112
 • Kabuuan86,600 km2 (33,400 mi kuw)
 • Lupa99.87%
 • Tubig0.13%
Baybayin713 km (443 mi)
Pinakamataas na lugarBazarduzu Dagi
4,485 m (14,715 tal)
Pinakamababang lugarDagat Kaspiyo
−28 m (−92 tal)
Pinakamahabang ilogIlog Kura
1,514 km (941 mi)
Pinakamalaking lawaReserba ng Mingäçevir
605 km2 (234 mi kuw)
Klimasubtropikal at and mabanas satimog-silangan, subtropikal at tuyo sa sentral at silangan
Terenomabundok at mabababang lupain
Likas na yamanPetrolyo, natural gas, ore ng bakal, mga 'di-ferosong metal, bauxita
Likas na panganibTagtuyot at mga baha, tumataas na nibel ng Dagat Kaspiyo
Usaping pangkapaligiranpolusyon sa hangin, polusyon sa tubig, desertipikasyon, mga mapanganib na basura, pagtatapon sa dagat, polusyon ng barko
Mapa ng Azerbaijan ayon sa mga sona ng pangklimang klasipikasyon ng Köppen

Ang Aserbayan ay isang bansa sa rehiyon ng Kaukasya, na matatagpuan sa salikop ng Europa at Kanlurang Asya. Tatlong pisikal na katangian ang nangingibabaw sa Aserbayan: ang Dagat Kaspiyo, na ang baybayin ay bumubuo ng natural na hangganan sa silangan; ang kabundukan ng Mas Dakilang Kaukasya sa hilaga; at ang malalawak na patag sa gitna ng bansa.[1] Halos kasinglaki ng Portugal o estado ng Estados Unidos ng Maine, ang Aserbayan ay may kabuuang sukat ng lupain na humigit-kumulang 86,600 kilometro kuwadrado, mas mababa sa 1% ng lupain ng dating Unyong Sobyet.[kailangan ng sanggunian] Sa tatlong estado ng Transkaukasya, ang Azerbaijan ang may pinakamalaking lupain.[kailangan ng sanggunian] Ang mga espesyal na subdibisyong administratibo ay ang Nagsasariling Republika ng Najichevan, na pinaghihiwalay mula sa natitirang bahagi ng Azerbaijan ng isang kipot ng teritoryo ng Armenia, at ang Nagsasariling Rehiyon ng Nagorno-Karabakh, na ganap na nasa loob ng Azerbaijan.[kailangan ng sanggunian] Ang katayuan ng Nagorno-Karabakh ay pinagtatalunan ng Armenia.

Matatagpuan sa rehiyon ng katimugang Bulubundukin ng Kaukasya, ang Azerbaijan ay nasa hangganan ng Dagat Kaspiyo sa silangan, Georgia at Rusya sa hilaga, Iran sa timog, at Armenia sa timog-kanluran at kanluran. Ang isang maliit na bahagi ng Nakhchivan ay nasa hangganan din ng Turkiya sa hilagang-kanluran.[kailangan ng sanggunian] Ang kabesera ng Aserbayan ay ang sinaunang lungsod ng Baku, na nagtataglay pinakamalaki at pinakamahusay na daungan sa Dagat Caspian at matagal nang naging sentro ng industriya ng langis ng republika.[1][2][3]

Nagbabago ang pagtataas sa medyo maikling distansiya mula sa mababang lupain hanggang sa kabundukan; halos kalahati ng bansa ay itinuturing na mabulubundok.[1] Ang mga kapansin-pansing pisikal na katangian ay ang malumanay na mga burol ng subtropikal na timog-silangan na baybayin, na natatakpan ng mga plantasyon ng tsaa, kakahuyan ng narangha, at kakahuyan ng limon; maraming putik na bulkan at mineral na bukal sa mga bangin ng Bundok Kobustan malapit sa Baku; at kalupaang baybayin na nasa dalawampu't walong metro sa ibaba ng antas ng dagat.[1]

Ang pinakamataas na rurok ng bansa, ang Bazardyuze Dagi, ay tumataas 4,485 m sa mga kabundukan malapit sa hangganan ng Aserbayan-Rusya.

Kinasasakupan at mga hangganan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kinasasakupan
  • Kabuuan: 86,600 km² - paghahambing ng bansa sa mundo: 113
  • Lupain: 82,629 km²
  • Tubig: 3,971 km²
  • Tala: Kasama ang ekslabo ng Nagsasariling Republika ng Najichevan at ang rehiyon ng Nagorno-Karabakh; ang awtonomiya ng rehiyon ay inalis ng Supremong Sobyet ng Aserbayan noong Nobyembre 26, 1991.
Paghahambing ng lugar
  • Paghahambigng sa Australya: mas malaki kaysa Tasmania
  • Paghahambigng sa Canada: mas malaki kaysa New Brunswick
  • Paghahambigng sa Nagkakaisang Kaharian: bahagyang mas malaki kaysa Eskosya
  • Paghahambigng sa Estados Unidos: bahagyang mas maliit kaysa Maine
  • Paghahambigng sa Unyong Europeo: bahagyang mas maliit kaysa Portugal
Mga hangganan ng lupa
  • Kabuuan: 2,468 km
  • Mga bansa sa hangganan: Armenia (sa pangkaraniwang Aserbayan) 566 km, Armenia (kasama ang eksklabong Azerbaijan-Najichevan) 221 km, Georgia 428 km, Iran (sa pangkaraniwang Aserbayan) 432 km, Iran (kasama ang eksklabong Azerbaijan-Najicheva) 700 km, Rusya 338 km, Turkiya 17 km
Baybayin
Karamihan ay may hangganan lamang sa lupain, ngunit may 713 km baybayin kasama ang Dagat Kaspiyo.
Mga inaangkin sa katubigan
wala
Kalupaan
  • malaki, patag na kapatagan (karamihan nito ay nasa ibaba ng antas ng dagat) na may Dakilang Kabundukang Kaukasya sa hilaga, kabundukan sa kanluran
Mga rurok sa elebasyon
  • Pinakamababang punto: Dagat Kaspiyo -28 m
  • Pinakamataas na punto: Bazarduzu Dagi 4,485 m (sa hangganan ng Rusya)
  • Pinakamataas na tuktok na ganap sa loob ng teritoryong Aserbayan: Shah Dagi 4,243 m

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

 

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Curtis, Glenn E. (1995). Armenia, Azerbaijan, and Georgia : country studies (ika-1st (na) edisyon). Washington, D.C.: Federal Research Division. pp. 99–101. ISBN 0-8444-0848-4. OCLC 31709972. Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  2. "CIA Site Redirect — Central Intelligence Agency". www.cia.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-09. Nakuha noong 2018-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The World Factbook — Central Intelligence Agency". www.cia.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-01. Nakuha noong 2018-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Pangkalahatang sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]