Herbert von Borch
Herbert von Borch | |
---|---|
Kapanganakan | 17 Nobyembre 1909 |
Kamatayan | 25 Hulyo 2003 |
Trabaho | manunulat, mamamahayag |
Si Herbert von Borch (ipinanganak noong 1909) ay isang Alemang manunulat, may-akda, tagapamahayag, korespondiyente, at peryodista.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si von Borch sa Shantou, Tsina. Anak na lalaki siya ng isang Ministro ng Alemanya para sa Tsina. Nag-aral siya sa mga Pamantasan ng Berlin at ng Frankfurt. Noong 1933, tinanggap niya ang kanyang duktorado mula sa Heidelberg. Noong 1950, itinatag niya ang buwanang Aussenpolitik. Mula 1966, gumanap siya bilang korespondiyenteng pang-Estados Unidos ng pahayagang Süddeutsche Zeitung. Maraming ulit siyang naglakbay sa Estados Unidos. Siya ang may-akda ng The Unfinished Society (Ang Hindi Pa Buong Lipunan), isang aklat hinggil sa Estados Unidos.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Patrick O'Donovan; Marcus Cunliffe; Alain Clément; Massimo Salvadori; Sigmund Skard; Peter von Zahn; Max Warren; Herbert von Borch; Raymond Aron (1965). "Herbert von Borch". The United States, Life World Library. Time-Life Books, Bagong York.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), paliwanag sa may akda ng Kabanata 8: Education's Growing Dilemma, pahina 152.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.