Hideyo Noguchi
- Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Noguchi.
Si Hideyo Noguchi (野口 英世 Noguchi Hideyo, Nobyembre 24, 1876 – Mayo 21, 1928), na kilala rin bilang Seisaku Noguchi (野口清作 Noguchi Seisaku), ay isang tanyag na bakteryolohistang Hapones na nakatuklas ng ahenteng sanhi ng sipilis noong 1911.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Noguchi sa Prepektura ng Fukushima, Hapon. Pagkaraang magtapos ng pag-aaral mula sa Dalubhasaang Medikal ng Tokyo noong 1897, nagpunta siya sa Estados Unidos. Nakilala siya sa Amerika dahil sa kanyang mga naging gawain para sa sipilis at dilaw na lagnat. Siya ang unang taong nakapagpalaki ng purong mga kultura ng mga mikroorganismong nakapagsasanhi ng sipilis. Habang naghahanapbuhay sa Accra, Ghana, sa Kanlurang Aprika, kaugnay ng pag-aaral ng birus ng lagnat na dilaw, hindi sinasadyang naimpeksiyon siya ng karamdamang ito. Namatay siya dahil sa pangyayaring ito.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Hideyo Noguchi". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 541. - ↑ "Hideyo Noguchi". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 445.
Hideyo Noguchi | |||||
---|---|---|---|---|---|
Pangalang Hapones | |||||
Kanji | 野口 英世 | ||||
Hiragana | のぐち ひでお | ||||
|
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.