Hilagang Hilihid
Ang Hilagang Emisperyo (Hilagang Hating-Daigdig; Ingles: Northern Hemisphere) ay ang bahagi ng Daigdig (Mundo) na nasa hilaga ng ekwador. Ang salitang "emisperyo" (mula sa Griyegong σφαιρα [espero o bilog] + ημι [kalahati]) ay literal na may kahulugang 'kalahati ng bola' o 'kalahati ng bilog'. Ito rin ang kalahati ng esperong selestiyal na nasa timog ng ekwator na selestiyal.
Naririto ang halos 90 bahagdan ng populasyon ng mundo at ang karamihan sa mga lupain ng mundo. Ang kalahatan ng Hilagang Amerika at ng Europa ay nakapaloob sa Hilagang Emisperyo. Nasa Hilagang Emisperyo rin ang karamihan sa mga bahagi ng Asya, dalawang-ikatlo (2/3) ng Aprika at 10 bahagdan ng Timog Amerika. Ang tatlong pinakamalalaking mga bansa ayon sa populasyon (Tsina, India, at Estados Unidos ay nasa loob ng Hilagang Emisperyo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.